CHAPTER FOUR

1.5K 41 2
                                    

Lauranie Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lauranie Pov:

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata na agad naman akong napapikit ulit dahil sa liwanag na tumama saking mga mata.

Siguro ito na yong sinabi nilang after life. Oh! Nasa heaven ako? Ibig sabihin tanggap rin ni lord ang pagiging maldita ko?Nice one!

Thank you lor—

"I know your awake, kaya bumangon kana gyan."

Napatigil ako dahil sa malditang boses ng babae na aking narinig.

Agad kong minulat ang aking mata at nilibot ang aking paningin sa paligid.Sumalubong sakin ang napakalaking silid na parang pang Victorian era ang interior design nito,puro gold ang nakikita ko dito sa loob.I even saw a mini sala kung saan may tatlong sofa at pinagitnaan naman nito ang wooden style na mini table na nakatungtong sa pabilog na gray carpet.

Ganito ba pag nasa langit?

"Tumayo kana gyan at maligo."

Tinignan ko ang babae sa gilid ko na nakasuot ng pang katulong at mataba ito tapos dinaig pa ang kilay ni mama sa sobrang taas ng pagkaka guhit nito. May kasama din siyang babae na tyansa ko ay nasa 20's ito at nakayuko lang sa gilid niya.

At sino naman ang mga ito? Kahit sa langit maypa maid pa? Mukha masyado naman ata akong pinaburan ni Lord, salamat po!

"Nginingiti-ngiti mo gyan? Alam kong magaling kana kaya bumangon kana gyan at maligo. Strikta nitong saad.

Agad naman akong napabalik sa sarili at maldita itong tinitignan. Problema niya?

"Who are you?" I asked her, and agad na umupo sa kama.

Napahawak ako sa ulo dahil nakaramdam ako ng pagkirot dito at pagkahilo.

"Vina! Tawagin mo ang doctor, mukha hindi pa iyon nakakaalis, bilis!" Strikta nitong utos sa isa pang katulong na agad naman itong natatarantang umalis.

"Baka nag-iinarte ka lang?" Tanong nito sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Inarte ka gyan, pinagsasabi mo manang?" pagtataray ko dito.

Mukha naman itong nagulat sa sinabi ko at agad na tinuro ang sarili niya.

"Ako manang? 30 palang ako!" Inis nitong sambit.

"Whatever" tamad kong sagot.

Wala akong gana makipagtalo sa mga taong tulad niya na HB. Ramdam ko parin ang kirot ng aking ulo.

Bigla kong naalala ang nangyari sakin bago ako napunta dito.I feel betrayed and sad dahil sa nangyari ngunit napalitan rin ito ng galit dahil sa pagtraydor sakin ng pinsan ko,tang*na.Naisahan ako ng gagong 'yon!Kapag talaga sinaktan niya ang mga magulang ko,mumultohin ko talaga siya hangga't sa mabaliw siya at mamatay! Lintik lang ang walang ganti!

"G-Gutom kaba?" Nanginig niyang tanong sakin.

Ngayong ko lang nakita na nakakuyom na pala ang mga kamay ko.

The Hidden Daughter (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon