I am seriously panting. And so is he.
For what it seems to be like 10 minutes, we just made out.
"MOMOL." I whispered bago ako tumayo. Wala eh. Kung hindi pa kami hiningal, hindi pa ako titigil. Eh baka mamaya masuko ko ang Bataan ko dito sa stranger na 'to dahil sa kalokohan ko.
Kahit naman kasi 24 years old na ako, hanggang MOMOL lang kaya alam ko. Wala naman kaming nagawa pa ever ni Angelo. Yikes!
"Anong momol?" Ayan na naman siya sa mga tanong niya. "At saan ka pupunta?"
"Alam mo tigil-tigilan mo na ako sa mga painosente mo!" I pointed at the bulge between his legs. Tinakpan niya agad ito ng dalawang kamay which makes him cuter, if anything. "Tska saan ako pupunta? Pupulutin ko lang naman 'tong mga kinalat mo."
Walangyang 'to. Gusto yata maghalikan kami forever. Sinuswerte siya ha.
"Hindi ba masakit paa mo?"
"Masakit. Pero hello, wala naman 'to." May vitamin kiss ako. Chareng!
Maya-maya, naramdaman ko na siyang tumutulong sa paglupulot ng mga kumalat na papel kanina. Nang masinop na namin ulit, humarap siya sa'kin na parang nagaantay ng susunod na gagawin. Ghad he looks like he's doing the puppy eyes just like in the movies.
"Alam mo, hindi ko alam ang branding mo eh. It's so confusing!"
"Branding?" Tanong na naman siya. "Itsowkonfyusing?"
Hindi ko alam kung bakit ko siya nayakap sa sobrang adorbs ng pagtatanong niya.
"Oo. Malabo branding ng appeal mo. Hindi kita maintindihan kung maton ka ba or kung cute or sexy o tanga o broody."
Tinitigan niya lang ako.
"Sobrang weird mo hindi ko alam kung bakit naniniwala ako sa inaarte mo." I said that with all sincerity. Dahil kahit gaano pa siya ka-ridiculous sa actions and questions niya, I somewhat find peace with him.
Either ganun nga o sadyang malandi lang ako.
"Hindi ka ba natatakot sa'kin?"
"Matatakot? May kailangan ba akong ikatakot?"
Jusko. Ang landi ko na lang talaga. May mga patanong pa akong ganun.
Pero ang totoo naman. There's a part of me na kinakabahan pa rin. This is a stranger na nakilala ko lang a few hours ago. A weird stranger. Pero anong gagawin ko?!
"Meron."
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako natatakot. For all I know this man could kill me.
"Meron?"
"Pero ayokong matakot ka sa'kin"
Gusto kong sabihin na hindi naman talaga ako natatakot sa kanya. Seryoso.
Umiling ako.
"Salamat."
Niyakap niya rin ako katulad ng ginawa ko kanina sa kanya.
"Umaapaw ako sa saya." Halos amuyin niya na ang leeg ko.
"Ang lalim naman!"
"Malalim ang ano?"
"Bakit ba parang hindi ka updated sa mga languages at slangs at jargons ng mundo? Do you live in a cave?"
And of course, he looks as confused as fuck.
"Hindi mo ba talaga alam 'yung mga ibang tinatanong mo kanina?"
"Kung tuturuan mo ako, malalaman ko."
"Ha?"
"Maari mo ba akong turuan, nang walang tanong-tanong kung bakit ako ganito?"
For a moment, nagduda ako. Nung sinabi niyang tuturuan ko siya, ibig sabihin magtatagal siya dito? Any second pwede kaming mahuli ni Manong Elmer at ng kahit sino sa mga guard.
"Hindi ako magtatanong ng kahit ano? Anong ano?"
"Kahit anong tungkol sa'kin."
Nag-isip ulit ako. Bakit kaya? Mamatay-tao siya? Ex-convict or something?
"Bakit?"
"Nagsisimula ka ng magtanong." At parang gusto niyang lumayo.
"Saglit." Gustong sumakit ng ulo ko. Ang dami niyang paandar. Ano bang makukuha ko sa affair na 'to? May mga pakundisyon na siya.
"Hindi maari?" Aba't may time-bomb pa.
"Ha? Teka?!" Pinigilan ko siya dahil akmang maglalakad siya palayo. Grabe clingy na ako agad. "O sige na."
"Maiiintindihan ko naman kung ayaw mo."
"Hindi nga eto na nga!"
Grabe 'tong isang 'to! Ako pa talaga ang nagmamakaawa eh siya na nga makikinabang sa lahat ng 'to?! Nasa akin na ng lahat ng at stake.
"Pero hindi ka dapat mahuli dito ng kahit sinong guard ha?"
"Madali lamang 'yun."
Talaga lang ha? Porket nakatalas na siya ng isang beses, confident na siya ha.
"Anong magiging kabayaran ko? Gusto mo ba ng maraming prutas? Bulaklak?"
"Ha?" Napakamot ako. Para palang tutorial program 'to. May bayad. Kaso parang kahit pera wala siya. Puro in kind ang gusto niya.
"Gulay?" He offers another thing.
"Anong gulay?" Gusto ko siyang hampasin. Gaano ba kainosente 'to? Ano pambayad niya mga sitaw-sitaw? "Baliw ka. Kahit wala. Suklian kita diyan ng kangkong eh."
"Hindi ako baliw. At hindi pwedeng wala. Malaking bagay ang hihingin ko eh."
"Ganun?"
Tumango siya. Nagisip ako. Ano bang ikasasaya ko n pwede niyang ibigay?
Hmmm...
"Tuwing may matututunan ka. Hmmm..." Kunwari nagisip pa ako. "Ah... Hahalikan mo lang ako."
"Talaga?"
Ang landi ko! Hindi ko kinakaya sarili ko. Kahit parang ako naman talo sa lahat. Nagtutor na ng ako, ako pa nahalikan. Pero kasi, sa lalaking 'to, para akong naka-jackpot!
"Yup."
"Ang yup ba ay oo?" Pagkumpirma niya.
"Oo. Yun nga." Mabilis naman paa siya matuto eh.
Tapos hinalikan niya ako. Gosh. Nagbabayad na siya agad. Magaling. Magaling. I really look forward to living with him in this rest house.
Mouhahahahaha!
Charlemagne is life!
*later*
BINABASA MO ANG
Loving Charlemagne Baldivia
مستذئبNapakawalang kwentang fantasy! Yep. Isang pantasya nakakatawang pagpapantasya kay Carlo Magno Baldivia.