They say blood will always be thicker than water. However, I've read from some literature that home isn't something you'll always find with blood.
"Omg, I'm done!" Tuwang tuwang sabi ko nang matapos ako sa cross-stitching na ginagawa ko.
Bakas ang maliit na ngiti sa labi ni Amor nang marinig ako. Maging ang mga kapatid niya'y pinuri ako sa unang beses kong paggawa nito'y maganda ang kinalabasan.
It's been three days since Christmas Day and I'm still here at the Levarez'. Umalis na ang mga pami pamilya ng mga kapatid ni Denise at iilan na lamang kaming natira rito. Sabi nila ay babalik na lamang daw ang iba pagdating ng December 31.
"Ang bilis mo naman!" Manghang sabi ko nang tingnan ko ang ginagawa ni Amor. Kanina pa ako rito at ngayon lamang siya halos magsisimula dahil tinuturuan niya ako kanina pang umaga.
"It's my Mom's favorite thing to do, she requires us to learn it." Amor said it like it's the most horrible thing her Mom asked her to do.
"But she's the one who learned to love it the most!" Pang-aasar ni Leriz sa Ate Amor niya.
"Really?" I smirked at Amor.
"Oo ate, kung makita mo ang kwarto niya'y punong puno 'yon ng mga gawa niya." And now I'm curious.
Sa apat na araw ko rito'y hindi pa ako nakapasok sa kwarto ni Amor. Sa guest room nila ako natutulog, marami rin naman kasi silang rooms dito. I am in no position to even ask Amor about her room.
"Red..." Mahina ang boses ni Amor nang tawagin niya ako. Nangangalahati na siya sa kaniyang ginagawa at iniabot niya iyon sa akin.
"Itutuloy ko? Hala baka pumangit ito!" I said.
"For you to practice." Hindi na ako nakipagtalo at itinuloy na nga ang ginagawa niya.
"Denise, Gabby texted me. She just got back from the Philippines and she's looking for you." Nakita ko ang mariing pagpikit ni Amor na tila ba hindi siya natutuwa sa narinig niya mula sa Ate Gia niya.
"Who's Gabby?" I managed to ask her.
"Some crazy girl." Simpleng sagot niya sa akin, ang tingin na ay nakafocus sa ginagawa ko.
Bahagya nang sumasakit ang kamay ko dahil kaninang umaga pa ako tinuturuan ni Amor at alas dos na ng hapon. Pinapapahinga naman niya ang kamay ko dahil sasakit daw talaga ito lalo't hindi ako sanay. Ako lamang talaga ang makulit na gustong matuto rin agad.
Marahang binawi ni Amor ang ginagawa ko at ibinaba iyon. I flinched when her hand made contact with mine. Hinila niya patungo sa bibig niya ang kamay ko't binigyan iyon ng masusuyong halik.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon. I mean, our night together can be considered normal for those who like sex or exploring sensual stuff or those who just like to have a past time. But right now, what she's doing is some romantic shit I am not sure why she's doing.
Minamasahe niya na ngayon ang kamay ko at pinapanood ko lamang siya. Pansin pa ang bahagyang paghaba ng kaniyang nguso na tila gusto pa niyang halikan ang kamay ko muli subalit pinipigilan niya na ang kaniyang sarili. Minamasahe na lamang niya iyon at hindi inaalis ang tingin doon.
Malambot ang mga kamay niyang nagmamasahe sa kamay ko ngayon ngunit kung tutuusin ay mas malambot at makinis ang akin. Paanong hindi ay mas sanay siya sa mga gawaing bahay at mas masipag talaga siya kaysa sa akin? Napansin kong kahit angat sila sa buhay ay wala silang kahit isang kasambahay. Lahat silang magkakapatid ay maalam sa gawaing bahay. Hands-on din siya sa pagiging officer niya, be it documents or physical work for events, nagagawa niya nang maayos. Still, her hand has its own soft and delicate feature.
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomanceRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)