"Pres, lahat na po ng papers natin nasa table nyo na" bungad saakin ni Franz pag pasok ko ng office. It's monday at syempre busy-busyhan nanaman ang peg namin mga tao sa council.
Franz is a year older than me, he is good friend simula palang noong junior high kami at sya ang council's Secretary, at syempre bilang isang secretary marami rin syang ginagawa na talagang big help para saakin, sya ang madalas na taga likom ng papers at taga sort ng mga need ng I-dispose na papers at mga papeles na magagamit pa ng susunod na council officers. Bilang Presidente, kailangan ko talaga ng isang Franz sa buhay ko dahil sa pagiging organize nyang tao, nagiging simple ang mga trabaho namin.
"Okiee, salamat! may dala pala akong coffee, share it with the others. Ito yung Medium Straberry Latte mo na may two shots ng espresso at one shot of added sweetness" I said with a smile as I hand him his favorite morning drink."You still remember? 3 years ago na ata nung sinabi ko sayo ang morning drink ko!" his face was priceless, hanggang ngayon ay marami paring hindi makapaniwala sa skills ko.
'Anoba!! masyado na akong kinikilig dito, 'wag nyo namang ipahalata na idol nyo na ako'
"Duhh~ I've been ordering everyones drink everyday, kaya malabo ng makalimutan ko 'yon, and for you? I've known your favorite drink since junior high kaya wag ka ngang oa dyan!" Tumawa ito at saka nagpaalam saakin para ihatid na ang drinks ng ibang officers.
Umupo ako sa desk ko at tumambad saakin ang sandamakmak na papers na kailangan kong basahin, yung iba dito ay kailangan lang naman ng pirma, but most of it are papers that has to be browse through. Maaga akong pumasok ngayon dahil ngayon raw papasok ang transferee, I have to be prepared dahil ngayon ko lang nakuha ang copy ng profile nya.
"Chase Austin Primavera, 19 years of age, Basketball player of his previous school, and..... he has a clear record" I read it out loud at saka ko tinignan ang picture na na nasa upper right side.
'bakit walang two-by-two picture dito? paano ko malalamang si Chase na pala nasa harap ko?'
I look through the other pages, pero wala talagang picture ng nasabing sudent, at dahil wala naman akong nakita ay pinabayaan ko na at hinarap nalang ang iba pang gawain. 30 minutes before the bell rang ay hinanap ko ang head teacher ng council upang tanungin sana ito kung nasaan na ang transferee, dahil magiging busy ako mamaya at baka hindi ko na siya mai-tour sa buong campus.
As I was looking for our teacher ay nakasalubong ko sina Traven, Liam at Haya na naglalakad sa hallway malapit sa cafeteria. Binati nila ako at kinawayan nang makalapit ako sakanila.
"You look like a lost cat Val, what's wrong?" Pamungad saakin ni Liam at bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Hinahanap ko Teacher namin sa council, may bagong student kasi dito sa campus at yung copy ng profile nya ay walang two-by-two, kaya hihingi lang ako ng picture para alam ko kung sinong Primavera ba ang it-tour ko" Alam kong nakakunot ang noo ko ngayon dahil hindi pa'man den lunch ay nas-stress na ako agad at sumasakit na ang ulo ko sa mga ginagawa ko sa office.
"Primavera? As in Chase Austin Primavera??" Nilingon ko si Traven na may nagtatakang mukha.'He know who the transferee is? how so?'
"Kilala mo? may picture ka ba? ayoko ng maghanap ng maghanap sa campus, napapagod ako" Medyo nabuhayan ako pero parang kapag taliwas sa expectations ko yung sagot nitong mokong na'to ay parang magc-collapse ako.
"He's my bestfriend!! i just wonder, bakit sya nandito sa Pinas kung masaya naman ang buhay nya sa states?? unless he was-" his words were cutted off with Max putting her index finger in her brother's mouth.
"Bro, shut up. I am following Chase on Instagram and he's here because of family matters, 'wag ka ngang assumero at nagsasabi ng mga words na di ka naman sure!" I laughed as how Traven's face suddenly frowned because of his sister.
"So that Crazy guy is here in the Philippines, and specifically here in our campus out of every universities in the country, i just hope hindi na sya kagaya ng dati" Traven said while looking at his wrist watch, it made me confused lalo na ng tawagin nyang "Crazy" ang bagong student. Speaking of that man, where the shringle cocktail is he? magsisimula na ang mga klase hanggang ngayon wala parin sya?
'giving some bad impressions huh? well it's working dahil umiinit ang ulo ko!'Nagpaalam na kaming apat sa isat' isa dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang mga klase namin, habang sina Max at Jaz ay wala sa Campus dahil afternoon classes ang meron sila. Didiretso na sana ako sa first subject ko nang makasalubong ko sa labas ng gymnasium ang councils teacher na kanina ko pa hinahanap.
"Ms. Mav! kanina ko pa po kayo hinahanap, tanong ko lang po yung about kay Primavera? Yung transfer student" patakbo akong lumapit dito at saka agad na sinabi ang concern ko.
"Ay naku 'nak, oo nga pala. Nag-chat saakin si Mr. Primavera, hindi pa muna raw siya makakapasok ngayong araw dahil sa may importante syang dapat asikasuhin, nagsabi naman daw sya sa Dean's office, pasensya ka na hindi kita nai-message dahil nabusy rin ako" Tinanguan ko ito at saka nagpaalam na papasok na ako.
'Ang aga ko pa namang gumising para ma-accommodate kita sa loob ng campus tas di ka papasok??! ang kapal din naman ng kalyo mo!'
"Ayyy bwisit talaga!! kung alam ko lang na di sya papasok ngayon, edi sana imbis na 4 ang gising ko dapat 6!!" Para man akong baliw habang naglalakad dahil sa pagpadyak ko dahil sa inis ay wala na akong paki, kahit may makakita sa nakabusangot kong mukha, hindi ko na sila pinansin kasi talagang nasira ng Chase na iyon ang araw ko kahit hindi pa kami nagkikita!
'Kapag pumasok ka bukas, hahambalusin ko mukha mo ng hollow blocks! magalit ka man sakin, wala akong pakielam kasi mas galit ako sayo!!'
Nasira ang beauty regimen ko ng dahil sakanya, at ang dapat na 6 hours kong tulong naging 4 dahil sa kanya. hindi ko pa'man nasisilayan ang mukha nya, alam ko na agad na araw-araw iinit ang dugo ko dahil sa presensya nya.
YOU ARE READING
Take a Trip Down Memory Lane
General FictionA girl that is called "smart" due to her skill of detailed memorization met a boy who somehow became a part of her journey as a known campus journalist. As memories became the line of her life, how can it stay straight if it forgets one by one what...