"Ibig sabihin ng 'okay' at pwede, ayos lang, o kaya tama?" Pagkumpirma ni Carlo. Yes tinatawag ko na siyang Carlo for God's sake napaka luma at napakahirap sabihin ng Charlemagne.
"Yes po." Tumango-tango ako habang nagbabasa ng reviewer. Oo tina-try ko naman talagang magreview. And pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na inspired ako ngayon.
Dahil after so many days, may nakita rin akong ibang tao.
"Ano naman 'yung ibig sabihin ng yes?"
"Yes lang hindi pa alam?!" Samantalmg 'yung yup alam agad? Heol.
Hinihintay ko na lang na sabihin niya na prank lang lahat 'to eh. Na alam niya naman talaga lahat ng simple words at hindi talaga siya aanga-anga. Sobrang weird kasi. Simpleng yes, itatanong pa?
Pero nung sinabi ko 'yun, he suddenly looked hurt. Either magaling lang siya umarte o nasaktan siya dahil jinudge ko yung kawalan niya ng kaalaman sa mga bagay-bagay.
"Oh hindi na hindi na." Kuchi-kuchi kuchi. Kinurot ko pisngi niya. Ang sarap i-baby. Kung hindi lang siya talaga adorbs sinapak ko na 'to. "Kiss na kita."
Haha kung sinuswerte ka nga naman makakita ka ng hottie sa gitna ng gubat diba?
In all fairness, he always lightens up every time I kiss him.
"Oo medyo parehas 'yung yup, yep, yes."
Inexplain ko pa sa kanya 'yung ibang mga nabanggit ko kanina dahil natandaan niya at siya pa mismo nagtanong.
Marami na siyang natutunan sa'kin ha. Kung niloloko man niya ako, siya na ang may problema dun.
Sino bang nakikinabang dito? Parehas kami. Lol!
"Ma'am Lola. Naghahanda na po ng food."
Si manong Elmer na naman. Sana naman wala siyang narinig sa kuchikuchi na pinagsasabi ko hahaha.
"Bababa na po ako in a few minutes."
Yun naman! Kumalam ang sikmura ko. Hindi ko na namalayan na dinner na pala. Madilim na talaga sa labas at humahangin pa nga. Ang totoo, nitong mga nakaraang araw, pagkain ang pinakanakaka-excite na part ng araw ko. Ang sarap ba naman ng niluluto ng kusinero sa baba eh. May stock kaming food good for a week dahil bababa ka pa ng town for the grocery. Pero magaling talaga yung taga-luto. Sinigurado ng taty ko ma mabubuhay ako sa gubat.
"Kakain lang ako ha. Dito ka lang. Gusto mo ba dalhan na lang kita dito?"
"Ng pagkain? Hindi na." Umiling siya. "Sa labas marami akong makakain."
Sa labas? Wala namang pagkain dun kundi mga prutas. Baka fruitarian siya or something. Di na lang ako nagtanong dahil baka ibalik niya rin sa'kin ang tanong kung ano ang meaning nun. Y'know, English.
"Wait lang. Mabilis lang talaga ako kakain."
Pero hinawakan niya 'yung kamay ko. Ayaw yata ako paalisin.
Jusko kung ganyan ba siya ng ganyan feeling boyfriend si gago. Ako naman kilig. Pero hindi ko ipapahalata.
Clingy naman siya. But who cares I like that shit.
"Ano?! Kakain lang ako eh."
"Salamat."
"Ha?" Parang baliw 'to. Bigla-bigla na lang nagpapasalamat.
At hinalikan pa 'yung kamay ko like a proper gentleman.
"Alam mo." Tinulak ko siya ng konti. Kailangan ko na kasi talagang bumaba dahil maya-maya, aakyatin na naman ako ni Manong Mer para sa pagkain. "Crush kita. Sobra."
BINABASA MO ANG
Loving Charlemagne Baldivia
WerewolfNapakawalang kwentang fantasy! Yep. Isang pantasya nakakatawang pagpapantasya kay Carlo Magno Baldivia.