Chapter 17

237 4 0
                                    

1week had passed , ang ilang sugat na natamo ko ay nag Iwan ng peklat. Nasa mansyon ako ni Hunter , inuwi nya ako Dito matapos madischarge ako sa hospital.  He promised me na Hindi sya magpapakita saakin Dito sa mansyon nya kahit sakanya Naman to, Hindi daw sya uuwi dito para matahimik lang ako. He want me to stay here para makabawi daw. Wala akong magawa kundi ang pumayag, wala akong matutuluyan. Nakakahiyang maki tuloy kina Dash. Baka isiping inaabuso ko ang pagiging mabait nya.

Sa isang linggong nakalipas , walang Hunter na nasa paligid. At sobrang panatag Ako dun. Ang pangyayaring Yun sa pagitan Namin ay nagdulot ng matinding trauma saakin. Hindi ko akalaing magagawa nyang bugbugin ako Ng ganun.

"Iha , Kumain kana." Saad ni Manang Linda na kakapasok palang sa kwarto Dala nito Ang tray na may lamang pagkain . Bakas ang pag aalala nito sa mukha .

Muling nanumbalik sa isipan ko Ang Araw na inuwi Ako dito. Umiyak si Manang at si Keyla sa harapan ko na para bang mamamatay na ako. Si Manang Todo sermon sya Kay Hunter. Habang si Keyla naman ay parang batang ngumangawa habang nakatitig saakin. Grabe Naman Kasi talaga Yung itsura ko eh , Hindi makilala ang Mukha ko sa sobrang dami Ng pasa.

"Iha" naramdaman Kong may tumapik sa pisngi ko. Hindi pa Pala Lumalabas si Manang nanatili itong nakaharap saakin. Ang sarap sa pakiramdam pag may taong nag aalala talaga sayo. Sobrang sarap mabuhay pag may ganung tao palaging NASA Tabi mo.

"S-sige ho, s-salamat." Saad ko nalamang at iniwas ang tingin dahil sa awa sa MGA mata nito. Nilapag nito Ang tray SA may bedside table. Bago umalis ay hinaplos Muna nito Ang pisngi ko bago ako halikan sa noo.

Napapikit Ako at pinakiramdaman ang labi nito sa noo ko. Mas Lalo ko tuloy namiss ang pamilya ko. Masaya siguro pakiramdam Ng may magulang na nandyan Sayo. Yung tipong pag may sakit ka ay nasa tabi Sila para alagaan ka. O kaya nag bibigay aral sea bawat pagkakamali mo. How I wished I have mine .

"Kainin mo lahat Yan ah" she said , sinarado nito ang pintuan pagkalabas palang. Huminga Ako ng malalim . I am being emotional again.

Tumayo Ako sa pagkakaupo, pinuntahan ko Ang pagkain sa maliit na mesa na nakalagay dito sa kwarto ko.  Kompleto ito, may kanin at ulam na may sabaw may tubig din at gamot sa gilid. Napangiti ako ng maliit .

Mahina akong napahikbi , b-bakit ganito a-ayokong maramdaman na importante ako sa Isang tao kung balang Araw naman ay iiwan din pala Ako. Pero Masaya naman sa pakiramdam ang magkaroon ng isang tao na may  malasakit sayo. Pero Hindi ko matanggap tuwing sumasagi sa isip ko na baka Isang araw mawala lahat Ng nakasanayan ko.

Masakit para saakin , pero gusto ko naman. Umupo Ako sa sahig at nanginginig ang kamay na kinuha ang mga pagkain. Sa sitwasyon ko medyo swerte pa ako . Pero alam ko naman balang araw walang Manang linda na mag aalala Sakin kung sakaling Hindi na Ako magtagal pa sa mansyong ito.

Alam ko , Isang araw makakahanap din Ako ng bagong matutuluyan at lilisanin ang Lugar na ito.

Hindi man ako napakitaan ng maganda ni Hunter, pero may sumasagi Naman sa isip ko kung panu nya ako pagalitan sa tuwing may kinakausap akong lalaki. Kung panu nya Ako bigyan ng kendi . S-siguro sobrang nagalit na sya sa ginawa ko Kasi pinagpatuloy ko parin kahit ayaw nya.  And I must say na may pagtingin saakin si Hunter kahit Hindi nya Sabihin. Ang Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit umaabot sa puntong kaya nya akong patayin Hindi lang makuha ng iba.

May mental disorder ba sya? No Wala Naman siguro , mukhang matino Naman sya. Naalala ko pa kung panu nag iba Ang ekspresyon nya habang sinasaktan ako. He's a living demon. Para bang Wala sya sa sarili.

Habang kumakain ako ay puro pag iisip lamang ang nagawa ko , Hindi ko nalang namalayan na wala na pala akong kinakain. Uminom nalang Ako ng tubig at gamot.

Maayos na pakiramdam ko , Hindi ko lang alam kung bakit may gamot parin akong iniinom siguro para tuluyan ng maghilom ang mga sugat ko. Pero ang sugat sa puso't isipan ko ay Malabo ng maghilom . Siguro tatak na ito sa kaibuturan ko .

-+-

A/N.

Goal ko Yung 30 chapter. Sana makaya

BULLY'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon