Chapter 21

194 4 0
                                    

Tahimik akong nakikinig sa klase , parang katulad dati. Yung first day of school, yung tipong hindi ko kilala si Hunter o si Dash man.  Dahil ngayon sobrang tahimik talaga ng mundo ko. Si Hunter ay hindi na ako pinapansin, tinutupad niya ang mga salitang binitawan niya nung huling pagkikita namin. Si Dash naman ay balik sama siya kina Hunter. Muli akong nag iisa ngayon. Hindi ko alam kung anu mangyayari dahil sa nasanay akong kasama si Dash at palagi itong nakakausap sa tuwing wala akong magawa. At ngayon balik sa pag iisa nanaman ako.

Akala ko pa naman ay si Hunter lang ang iiwas saakin, bakit pati si Dash. Inubob ko ang mukha sa mesa ko at taimtim na isinasaisip ang mga sinasabi ng guro.

Anu ba yan bakit wala akong maintindihan? Siguro dahil sa masyadong marami ang naiisip ko kaya ganun . Mahina kong sininghalan ang sarili dahil baka makita ako ng teacher namin na hindi nakikinig baka mapalabas pa ako ng wala sa oras.

Nakakahiya panigurado.

Tamad kong tinuon ang paningin sa unahan at medyo nakanguso pang nakikinig. Tinatamad talaga ako.

May nararamdaman akong nakatitig saakin kaya nakanguso ko itong binalingan. Nanlaki ang mata ko ng madatnan ang mariin na paninitig ni Hunter , inayos ko ang nguso kong parang hahalik sa kakatulis nito. Iniwas ko rin ang paningin dito . At pinilit ibaling ang atensyon sa harapan ,inayos ko rin ang pag upo ko at pilit na binalewala ang titig nito.

Anu ba yan , hirap naman ng ganito. Hirap mag concentrate.

Natapos ang klase na wala akong naintindihan , tahimik kong pinuntahan ang garden na tinatambayan ko. Gusto ko lang marelax ang utak ko kahit kunti lang.

Isinandal ko ang ulo ko sa katawan ng puno at pinikit ang mata para damhin ang simoy ng hangin ngunit ganun na lamang ang gulat ko ng may mga imaheng lumitaw sa isip ko. Napahawak ako sa ulo ko.

Isang batang lalaki at  babae , magkahawak kamay habang naglalakad. Walang mga boses pero kita ko ang pagbukas sara ng mga labi nila at ang saya sa mga mata nila. Mas lalong sumakit ang ulo ko ng mag iba ang imahe sa isipan ko .

Blurr ito pero alam kong yung batang babae pa rin ang nandun , anu bang nangyayari?b-bakit nakikita ko ito?

Kita ko kung panu pagtulungan ang batang babae para kidnapin . Hindi ko alam pero ramdam ko ang panginig at takot sa sistema ko.

Naiyuko ko ang ulo ko at tahimik na humikbi , minulat ko ang mata ko at pilit na winaksi ang pangyayaring yun. Hindi ko man yun maalala na nangyari yun sakin pero bakit ramdam ko ang sakit at takot sa pangyayaring yun. A-anu bang nangyayari sakin.

Bakit tila wala akong maalala sa kaganapang iyun pero biglang lumitaw sa isip ko? Nawalan ba ako ng alaala? I-imposible naman ata yun. P-pero bakit hindi ko rin maalala ang childhood memory ko? Anu ba talaga ang nangyayari.

Nawala ako sa pag iisip ng makita ko ang pares ng sapatos pambabae sa harap ko. Nakayuko ako kaya kita ko ito. Masama ang pakiramdam ko dito.

Dahan dahan kong tiningala ang taong nasa harap ko. Napalunok ako. Siya yung babaeng nambully sakin dati na inutusan ata ni Hunter.

Nakataas ang magkabila nitong kilay habang nakatitig saakin. Umarko ang labi nito.

"akala mo ba ligtas kana dahil tumigil si Hunter?" ang nakataas nitong kilay at nakangisi nitong labi ay naghuhudyat na may masama itong gagawin saakin .

Mahina kong inatras ang pwet ko dahil sa nakaupo pa rin ako.

" At dahil sa tumigil siya , ako naman ang gagawa ng mga ginagawa niya dati sayo. Kumbaga ako ang magpapahirap sayo this time."ngumisi ito ng malaki sakin. Kaya mariin akong napalunok.

"Nahulog na ba siya sayo?oh wait baka naman ay inakit mo?" mahina itong humalakhak. Nanatiling nakatikom ang mga labi ko hinanda ko rin ang sarili ko sa kung anu man ang gagawin niya.

Purong kaba at takot ang bumalik sa sistema ko , katulad ng palagi kong nararamdaman kay hunter.

Kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin.
"will you talk? Kanina pa ako dada ng dada dito ni wala kana mang komento! Alam mo naiinis talaga ako sa presensya mo eh!"

Ang paningin ko ay nanatiling nakapako sakanya.

"Kung nagkakagusto si Hunter sayo ,mas maigi siguro na ipa rape nalang kit-----"

"Denice"

May pagbabanta ang boses nitong sumingit , nilingon ko ito. Si Hunter! May galit ang mata nitong nakatitig sa babaeng Denice daw. Umaapaw rin ang galit sa mga mata nito.

"do what you say, we'll see what punishment you will taste. Or rather hell will be your final destination."

Ramdam ko ang balahibo kong nanindig dahil sa takot sa mga sinasabi nito. Dahil ako mismo ay natikman na ang tinatawag niyang punishment.

At mamamatay na siguro ako pag muli ko itong maranasan. Bakas ang takot sa mukha ni Denice , sinamaan muna ako nito ng tingin bago ito dali daling umalis kita ko pa ang kamay nitong nanginging.

Maging ako ay ganun din siguro ang mararamdaman pag ako ang pinagbantaan ng ganun.

Demonyo pag magalit si Hunter , mas gugustuhin ko pang mamatay ng baril ang gamit kesa bugbugin ng walang tigil .

BULLY'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon