Chapter 23

315 4 2
                                    

"eat this Quin."

Kakatapos ko lang mag lunch pero eto na naman ako kumakain. Food is life pero wag naman ganito. Sobrang sakit na ng tyan ko dahil busog na ako. Pero itong si Hunter walang sawang pinakakain sakin yung sangkaterbang gulay .

Nasa cafeteria kami ngayon , first time kong ditong kumain at kasama pa talaga ang ultimate bully ko.

Halos lahat ng estudyante dito eh saamin nakatingin. Yung iba ay masama ang tingin saakin at halos karamihan ay nakataas ang kilay sakin.

Halos hindi ko na manguya ang mga pagkain na inaabot saakin dahil sa atensyon na binibigay saakin ng karamihan.

"Kumain ka, your so thin." nakakunot ang kilay nito habang tinititigan ako. Kaunti lang ang nakalagay na pagkain sa pinggan nito at mukhang masarap pa habang yung saakin ay marami at puro gulay pa.

Sinipat ko ang katawan ko , hindi naman ako sobrang payat sakto lang . Pandak lang ako kumpara sa ibang mga babaeng nandito.

Huminga ako ng malalim at inusog ang pinggan papunta sakanya , magkaharap kami habang nakaupo kaya malaya siyang titigan ako. Nilunok ko lahat ng nasa bunganga ko.

"B-busog na ako." mahinang saad. Mas lalo kong nakita ang kunot sa noo nito. Pinakatitigan niya ako ng mariin pero kalaunay ay bumuntong hininga ito sabay abot sakin ng tubig.

"Alright. Stay still, hindi pa naman oras ng klase kaya pahinga ka muna diyan para hindi sumakit tyan mo." sumandal ito sa upuan niya at tiningala ang ulo niya habang nakapikit.

Kahit anong anggulo talaga ay napakagwapo nito.

Kung hindi nga lang naging masama ito sakin panigurado ay isa ako sa tagahanga nito.

Ininom ko nalang ang tubig na binigay nito saakin at iniwas ang paningin sakanya dahil baka mapansin pa ako nito at iba nanaman ang isipin niya.

Nilinga ko ang paligid , kakaunti nalang ang taong naririto at karamihan ay nagsialisan na. Yung mga natira ay kagaya ko nagpapahinga .

Sinandal ko ang likod ko , at tinitigan ang lamesang nasa harap ko. Sa ilang minuto ay doon ako nakatitig . Boring naman dito.

Hindi pa ba kami aalis dito? Hindi pa kasi nagsasalita si Hunter kung aalis na ba kami o anu. Sobra na yung pagkailang ko sa mga masasamang ng natitira dito eh. Para bang pinapatay na nila ako sa mga titig na iyon.

Napabaling ang paningin ko sa kaharap ko ng bigla itong tumayo.

"Let's go."

Tumayo na rin ako habang si hunter ay nauna na ring tumalikod at naglakad na palayo sakin. Napanguso ako, iiwan niya ba ako roon ? Siya nagdala sakin dun tas iiwan nalang ako ,hindi man lang ako hihintayin.

Napahinto ako , teka magkaibigan ba kami para isipin ko ang ganito?

I should stay away from him , dahil baka iba ang maramdaman ko pag magpatuloy ang ganyang trato niya saakin.

Maiiwan akong sawi pag umibig ako sakanya.

Nalungkot ako saaking naisip at tinitigan ang papalayong bulto ni Hunter.

Napaiwas ako ng tingin at iniba ang direksyong tatahakin. Kailangan kong mag isip.

Ayokong sa huli ay ako nanaman ang maiwang nasasaktan.

Sa pagliko ko ay si Dash ang nakasalubong ko todo ngiti akong hinarap ito. Kinaway ko ang dalawang palad dito.

Ngumiti ito saakin ng malaki at malalaking hakbang na tumungo saakin.

He hugged me tightly. Napapikit ako. Bakit ganito , hindi ko mapigilan ang maguluhan sa tuwing ganito si dash saakin sobrang natutuwa ako.

Mahal ko ba si Dash? Pero iba eh. Hindi naman tumitibok ang puso ko sakanya, yung parang normal lang pero magaan sa pakiramdam ko.

Anu bang nangyayari saakin?

BULLY'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon