Chapter 11
Dahil sa napag-usapan namin noong nakaraan ay ako na mismo ang lumalayo kay sir. Kung ano-ano na kasi tuloy ang pumapasok sa isip ko. Baka lalo hindi mawala sa isip ko. Malisyosa lang talaga ang mga kaibigan ko.
Naging okay naman ang demo teaching ko. Pero hindi maikakaila na pagod na pagod na ako. Halos walang tulog dahil sa training at mga school works na hinahabol ko.
"Palm, kaya pa?" tanong ni Zayn.
Tumango ako saka ininom ang tubig sa bottled water na ibinigay kanina sa amin.
"Hindi ko alam, p're. Pagod na pagod na akong pagsabayin lahat."
Hindi naman kasi ako masipag na tao. Hindi naman ako matalino para isang upo matapos ko kaagad ang lahat. Kaya ngayon parang parati na lang akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
"What if hingi tayo ng pahinga?" tanong niya na ikinalingon din ng iba. "Kahit ako. Gustong-gusto ko na rin muna makapagpahinga. Nakakondisyon naman na tayo. Nakadepende na lang din naman talaga sa laro natin iyon, Cap."
Tumango ako. Mas hindi kami makakapaglaro ng maayos kung bago kami pupunta sa venue ay halatang wala na kaming tulog.
"Cap, gawin natin iyong sinabi ni Zayn. Di na rin namin kaya talaga eh. Ang dami pang due na kailangan ihabol. Baka naman."
Bumuntonghinga ako saka ibinuka ang pagitan ng hita ko.
"Try ko kausapin sina coach at sir Miah mamaya."
Tumango naman sila at nag-apir mula sa narinig sa akin.
"Palm, sino iyong parati mong kasama?" Nilingon ko si Off saka ko binato ng towel sa mukha. "Grabe ka naman, Cap!" Hasik niya.
"Huwag na huwag niyo ako kinakausap sa bagay na iyan! Kung magmomoves kayo... kayo gumawa at huwag niyo akong dinadamay. Pero kapag kayo nagloko ako makakalaban niyo!"
"Masyado ka namang advance mag-isip, Cap. Nakakatakot ka naman." Sinimangutan ako ni Off dahil doon.
"Well... huwag lang ako nadadamay sa lakad-lakad na iyan."
Nang matapos ang training ay patakbo akong lumapit kina coach at sir Miah. Diretso na nakatingin si sir pero hindi ko iyon tinanggap. Nagkunwari akong walang napapansin at kay coach lang nakatingin.
"Ikaw na mauna, Palm." Tumango ako at lumapit sa nagsusukat sa amin ng jersey. Habang ginagawa iyon ay nanonood naman sina coach. "Nga pala, ano iyon sasabihin mo, Palm?" tanong niya dahilan para magtama ang tingin namin ni sir.
"Coach, sir... pwede ba magrequest ng rest day?" tanong ko. "O kahit bawasan na iyong araw ng training?"
"Why may problema ba?" sir Miah asked.
Tumango ako bago ako pinatalikod ng mananahi.
"Sir, medyo hindi na kinakaya pagsabayin eh. At least may araw sana na pahinga. Medyo tagilid na eh."
Hindi ko alam ang reaksyon nila sa sinabi ko dahil hindi ako nakatingin sa kanila.
"TthS kaya?" tanong ni Coach. "Medyo pansin ko rin kasi, sir. Pero nasa inyo pa rin ang desisyon."
Itinagilid ko bahagya ang ulo ko at doon ulit nagtama ang mga mata naming dalawa. Napaiwas ako ng tingin dahil para akong nasa recitation. Kinakabahan ako.
"Try ko silang kausapin, coach. Alam mo naman na hindi lang ako ang nagdidecide." Narinig kong sagot ni sir.
Bago pa man ako matapos masukatan ay dumating si ma'am Kristin. May dala siyang paperbag at lumapit kay sir Miah.
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomanceBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand