Chapter 18

1.6K 57 2
                                    

Kanina pa nakaalis ang babaeng sabi ni Leriz ay nagngangalang Gabby. Hanggang ngayon ay mainit ang ulo ko sa kaniya at sa tingin ko'y ganoon din si Leriz pero itong si Amor ay prenteng nakaupo na ulit, nanonood ng tv at kumakain ng Nachos na kinuha namin ni Leriz.

Wow, pagkatapos niyang sabihin iyon kanina ay aakto siyang parang walang nangyari?

Inirapan ko siya.

"I saw that, Red." Sabi nito.

"I don't intend to hide what I did." Lumingon ito sa akin pero hindi nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo na dapat pinatulan si Gabby." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ate Denise, Gabby started it!" Depensa ni Leriz.

"Have you forgotten why I was thrown at your school? I don't let anyone have the upper hand-,"

"You let me." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"I-ibang usapan iyon!" I tried to reason out and looked away.

"Gabby's a spoiled brat. Baka gantihan ka niya." She said.

"As if natatakot ako sa kaniya?" She smirked na tila ba inasahan na niyang sasabihin ko iyon.

Nang maubos namin ang Nachos ay umorder pa si Kuya Lark ng pizza. Sabi niya'y kailangan daw namin ng totoong pagkain. Peke yata iyong Nachos na nasa kusina nila.

"Denise! Look at this!" Napalingon kami sa bagong dating na si Tita Ara, ang Mommy ni Amor. Kasama niya si Tito at hindi namin alam kung saan sila galing.

May dala siyang mga flyers at nang sinilip ko ang ibinigay niya kay Amor ay mga swimming pools ang nakita ko.

Nagpaalam si Tito na aakyat muna sa kwarto nila't magpapalit ng damit.

"Mom, I told you dito na lang tayo sa bahay." Malamig na sabi ni Amor, tila hindi talaga nagustuhan ang ipinakita ng kaniyang ina.

"You're turning 19, Amoralia Denise. Bente ka na next year, taon taon na lang tayong narito sa bahay!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tita.

"Your birthday's coming?"

"Yeah, New Year." Simpleng sagot nito nang hindi ako tinitingnan.

"Seryoso? Hala tita nanganganak ka habang may fireworks ng bagong taon?" Tumawa si Tita Ara sa naging tanong ko.

"1am siya lumabas, Red. New Year's Eve talaga ako naglelabor." Napanganga ako.

"Napakaexcited mo namang lumabas ng New Year!" Inirapan ako ni Amor sa sinabi ko.

Mas matanda siya sa akin ng halos kalahating taon dahil kaka-18 ko lamang noong July. Sabi ni Tita, hindi raw agad tinanggap si Amor sa Nursery dahil may policy na dapat ay 4 years old na ng August pero January pa siya mag-fo-four kaya naman 4 years old and 7 months na siya nang mag Nursery. 4 years old and 1 month naman ako nang magsimula akong mag Nursery kaya nagtagpo kami sa parehong grade level.

"Ibig sabihin, nagsisimula pa lang akong magguhit guhit ay nagsusulat ka na?" Manghang sabi ko. Noong hindi raw tinanggap si Amor ay tinuruan na rin siya ng Mommy niya.

Hindi naman kasi ako tinuturuan noon sa bahay. Puro nursery rhymes lang ang pinatutugtog noon sa amin noong hindi pa ako pumapasok. Nakita ko pa nga sa kwarto ko ang mga CD's noon.

"No wonder you're always ahead of me." I chuckled. Nahohonor ako pero iba talaga 'yung utak ni Amor, iyon ang matalino.

"Going back, pili ka na Amoralia Denise utang na loob langoy na langoy na ako." Natawa ako nang samaan siya ng tingin ni Tita Ara.

Loving Her Was Red (RD #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon