Chapter 16

6.4K 67 1
                                    

Veronica

P-Pumanik ako sa kusina para magluto ng ulam na Paborito ni Richie. Adobo manok kasi ang pinaka-paborito niya sa lahat. Napapangiti nalang ako habang mina-marinate ang laman ng Manok. Hiniwa ko agad ang sibuyas at bawang bago igisa sa Mantika mamaya.

Pumasok si Scarlet hawak-hawak ang kaniyang tumbler. Nilapag niya yun sa ibabaw ng lamesa.

"Mommy i want ice cream po" Saad niya.

"Anak hindi pwede sayo ang masyado matamis, binigyan na kita ng Ice cream ah, show your teeth Scarlet" Sabi ko.

Pinakita niya sakin ang mga ngipin niya.

"Ang dami-dami na sira ang ngipin mo anak. Diba sabi sayo ni Daddy mo huwag ka masyado sa ice cream at chocolate" sabi ko.

"Okay po Mommy, anong oras po uwi si Daddy Mommy?" Tanong niya habang inaayos ko ang lulutuin ko.

"Hindi ko alam baby" sagot ko.

"Ganun ba Mommy" Aniya.

"Oo anak" sabi ko. Masyado busy si Richie sa trabaho niya bilang Congressman ng Bicol. Kaliwat-kanan kapag tinatawag siya at minsan may mga meeting siya pinupuntahan. Minsan pumupunta siya sa baryo para tignan ang kalagayan ng mga kababayan niya.

Makapagluto nalang nga. Narinig ko may sasakyan na huminto sa Gate. Baka si Richie na ang dumating. Naamoy ko agad ang pabango niya.

"Hi Mister Congressman" Binati ko siya. Ngumiti siya sakin.

"Hi babe. May binili ako para sayo" sabi niya sakin. Binigay niya sakin ang isang paper bag. Umarko ang kilay ko.

"Ano ito Richie?" Tanong ko sa kaniya.

"Dress mo yan babe. Magpaparty daw si Charlie bukas sa Restaurant at invited tayo." Sabi niya.

"Magpaparty Richie? Para saan?" Na curios ako malaman kung ano yun.

Nagkibit balikat siya.

"Hindi niya sinabi sakin babe kung ano yun e" napakamot siya sa ulo nito."Hmmm, smell good, ang sarap naman ng niluluto mo" Saad niya.

"Ah nagluluto ako ng Paborito mo ulam" sabi ko. Inayos ko ang lamesa, Naglagay ako ng tatlo pinggan, kubyertos at baso.

"Wow mukha masarap yan babe. Marami ang kain ko nito panigurado" Saad niya.

"Richie kumusta pala si Charlie?" Tanong ko.

"Kanina nakalabas na siya ng Ospital. Ang sabi ng Doctor magaling na ang sugat ni Charlie. Mukha masaya ang tao yun dahil may relasyon na sila ni Bianca. Wala na ako magagawa dahil parehas na sila adult at may sarili na sila desisyon sa buhay, may sarili pag-iisip, alam na nila ang tama sa Mali" sabi niya.

"Oh bakit parang hindi ka masaya sa kapatid mo Richie?" Saad ko.

"Masaya ako babe. Nakikita ko nagbabago na si Charlie para sa kapatid ko. Aba subukan niya lang lokohin si Bianca, ibabaon ko siya ng buhay sa lupa" sabi niya.

"Over protective kuya ka naman." Sabi ko.

"Siya nalang ang naiiwan sa akin babe.. Namatay si Daddy sa ambush noon bata pa ako. Namatay si Mommy sa sakit. Mabuti nga may tinira pa si God sa mahal ko sa buhay" sabi niya. Nakikita ko may lungkot sa mga mata niya.

"Ano kaba Richie. Nandiyan naman si Lolo at lola. Si Mommy at si Tito Dominic" sabi ko sa kaniya."Kahit adopted son ka pero hindi ka nila tinuring na iba, pamilya ka nila. Pinag-aral ka sa maganda School at ngayon malayo na ang narating mo dahil isa ka na Congressman. Congressman na mabait, may puso sa mahihirap, Hindi Corrupt, may malasakit sa tao at higit sa lahat mahal mo ang tao bayan kaya proud na proud ako sayo" sabi ko sa kaniya.

PS #3 My Hot Tito [R-18] CompleteWhere stories live. Discover now