Para saan ang isip kung hindi gagamitin?
Isang araw na lang ay birthday na ni Amor at wala pa rin akong naiisip na ireregalo sa kaniya.
Nag-aayos kaming tatlo nina Kuya Lark at Leriz ng mga dadalhing gamit para sa birthday ni Amor. Wala si Amor dahil may iniutos din sa kaniya ang Mommy niya para rin yata sa celebration niya.
"Leriz, mall tayo?" Maging si Kuya Lark ay napalingon sa akin.
"Sama rin ako!" Tumango na lamang ako kay Kuya Lark.
Mabuti na lamang at inutusan si Amor ng Mommy niya kaya makakalabas ako't makakabili ng regalo niya.
Inilagay na ni Kuya Lark ang mga huling gamit namin sa Van bago kami umalis. We took Kuya Lark's car to the nearest mall.
"Kain muna tayo, alam ko kung bakit ka nagyaya mag Mall." Tumawa si Kuya Lark sa sariling pahayag bago kami hinila ni Leriz patungo sa isang Japanese restaurant.
Si Kuya Lark ang nagbayad ng kinain namin kahit sinubukan kong ako na o makihati manlang sa bill. Wala namang pakialam ang bunsong kapatid niya. Nahihiya lang talaga ako dahil sa kanila ako nakikituloy nitong mga nakaraang araw tapos sa mga ganitong bagay ay sila pa rin ang nagbabayad para sa akin. Hindi ako sanay na may gumagawa ng mga ganito sa akin.
"Anong kulay ang maganda?" I asked Leriz. Iniwan namin sa labas ng shop si Kuya Lark dahil nahihiya raw itong sumama sa loob.
"Syempre Red!" Bumungisngis si Leriz sa kaniyang tinuran kaya nahawa rin ako.
Isang pula't isang itim nga ang pinili ko't binayaran iyon bago namin labasin si Kuya Lark.
"Tagal niyo ah? Nakabili na rin ako ng regalo kay Denise." Itinaas nito ang paper bag ng Chanel.
Mahigit dalawang oras din kaming naglagi sa Mall bago nagdesisyong umuwi. Nakataas ang kilay ni Amor nang makabalik kami.
"You didn't even let me know you're going out?" Ramdam ko nanaman ang inis nito sa boses.
"Chill, she's with us." Si Kuya Lark ang sumagot ngunit maging siya ay inirapan ni Amor.
"What? You're not gonna say anything?" Muling bumaling sa akin si Amor.
"Denise—,"
"Why are you getting mad? We just went out, that's all." Sabi ko na lamang, nakakunot na rin ang sariling noo.
"You were gone for fvcking two hours, Reddiah. Nasa pamamahay ka namin tapos hindi ko alam kung nasaan ka. Are you trying to drive me crazy?" Nagulat ako nang magtaas siya ng boses.
"I didn't even get a single text from any of you. Walang ring naiwan dito sa bahay para sabihin sa aking umalis ka lang kasama ang mga kapatid ko." Napalunok ako nang mapagtantong galit nga siya.
"Amor—,"
She didn't let me finish. Umalis siya sa harapan namin at umakyat na.
"Geez, kahit talaga ako kinikilabutan 'pag si Denise ang galit." Ani Kuya Lark habang pinapanood na umakyat ng hagdan ang kapatid.
"Gagi kuya, bakit kasi hindi mo tinext?" Paninisi ni Leriz.
"Leriz, ako naman ang nagyaya." Sabi ko.
"Bakit nga walang nakaalala sa atin na itext si Ate Denise?" Bahagyang natawa si Leriz nang mapagtanto rin iyon.
"I-spoil ko na ba na bumili lang naman ako ng regalo?" Tulalang tanong ko.
Kuya Lark's hand tapped my shoulder.
"'Wag na, hayaan mo na siya. Mabilis lang talaga siyang magalit pero lumilipas din naman."
Hindi nakatulong ang sinabi ni Kuya Lark. Nanatiling walang imik si Amor kahit magkatabi na kami ngayon sa sasakyan patungo sa resort. Kanina pa ako nakanguso't hindi alam ang gagawin.
"Amor—," sa halip na pansinin ako'y nagpalsak siya ng earphones sa kaniyang tainga.
Napabuga ako ng hangin. Aminado akong maldita ako, masama nga raw ang ugali ko at wala akong pakialam sa iniisip o emosyon ng iba... pero bakit sa pagkakataong ito'y parang naiiyak ako na galit sa akin si Amor?
Bakit nakakaramdam ako na parang gusto kong magsorry, suyuin siya or make it up to her? Kahit alam kong mali ako noon, hindi ko kailanman ginawa iyon o kahit inisip man lang. Kaya bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?
Nakarating kami sa resort at nalaman ko kay Leriz na iisa ang kwarto namin ni Amor. Gusto kong matuwa pero agad rin iyong napawi nang magrequest si Amor ng isa pang kwarto para hindi kami magkasama. Bumagsak ang balikat ko sa ginawa niya. Galit talaga siya sa akin.
Nang makapag-ayos ng gamit sa kwarto ko'y lumabas ako para magpahangin. Naupo ako sa tabi ng dagat at umubob sa tuhod ko habang yakap ko iyon. Mabuti na lamang at wala pang tao. Mukhang nasa kwarto pa sila't nag-aayos pa ng mga gamit.
Inisip ko ang nangyari kanina, kung paano ako tingnan ni Amor simula nang dumating kami nina Kuya Lark hanggang sa umakyat na siya matapos akong pagalitan. Sanay ako na ganoon siya sa akin pero nasasanay na rin akong nagiging malambot o marahan siya sa akin at ang biglang galit niya sa akin ay lubos na ikinasasama ng loob ko.
I started wiping my tears nang maramdaman kong tumutulo na iyon sa tuhod ko.
"Why are you crying po?" Lumingon ako sa nagtanong. Ito iyong limang taong anak ni Kuya Athan.
Umiling ako. "Hindi umiiyak si Ate, napuwing lang." I tried to smile.
"You're crying po. I'm not 'tupid." Nakakunot ang noo nito sa akin.
"Who hurt you? Tatapakin ko." Natawa ako nang bahagya nang mapagtantong hindi niya mabigkas nang maayos ang 's'. Ang cute naman nito. May battery kaya ito?
"Tatapakin mo ang Tita Denise mo?" Bulong ko rito.
Nagulat ako nang tumayo siya at tumakbo. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang naroon na ang mga kapatid ni Amor. Si Amor ay nakapamulsa na sa kaniyang maong shorts at ang see-through cropped top nito ay hinahangin kaya naman nakikita ko nang maayos ang flat at maputi niyang tiyan. Sa see-through cropped top niya ay kita ko rin ang itim niyang bikini sa loob. Shit, nakatwo-piece bikini siya sa ilalim ng cropped top at shorts niya.
Hindi pa ako nahahagip ng mga mata ni Amor nang nakita kong mahinang sinuntok nga ng bata ang hita niya. Napababa naman ang tingin niya roon.
I tucked my lips in, gagi ang seryoso pala noong bata? Sana hindi masakit ang ginawa niya kay Amor.
Inulit pa niya ang ginawa niya sa hita ni Amor bago siya mahuli ng mga braso ni Amor at binuhat siya. Nakita kong gumalaw ang labi ni Amor maging ng bata pero hindi ko nasundan ang pinag-usapan nila. Nasigurado ko lamang na tungkol sa akin iyon nang lumingon sila pareho sa akin matapos akong ituro noong bata. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Mukhang isinumbong ako ng pamangkin niya, lagot na.
Tumayo ako't tumakbo na muli papasok. Siguro'y sa kwarto na lamang ako mag-eemote. Iyong walang batang biglang magsasabi na mananapak ng nanakit sa akin.
I was so sure mabilis akong nakatakbo not until someone grabbed my arm.
"A-Amor—,"
"Come with me."
Hinila niya na ako patungo sa kwarto dapat naming dalawa pero inayawan niya. Mabibigyan ko na ba siya ng birthday sex? Ay galit pa pala siya.
...
Vote. Comment. Share. Follow.
Your interactions are highly appreciated! Tysm!RED DUOLOGY #1: Loving Her was Red
lightrainc
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomantikRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)