Hanggang makapasok kami'y pinanatili kong nakayuko ang ulo ko. Sa maputing tiyan niya lamang naman ako nakatingin. Hindi naman ako nakatitig doon, basta doon lang umabot ang tingin ko.
I felt her hand gently touching my chin to lift up my face. Our eyes met and I was about to look away again but she managed to fix my face and eyes looking at her. Her other hand touches my cheek, then my eyelids, making me close my eyes.
"Red... You cried?" She sounded like she didn't like the thought of what she asked.
"Red, answer me." Her voice now sounded so gentle, so different from what she used earlier at their house.
I slowly open my eyes, only to meet her gaze again.
"Y-you're mad at me." I didn't know why I couldn't hold back my tears again. Since when did I become so sensitive? I never even cried sa tuwing pinapalo ako ni Mommy o nakakatanggap ako ng pananakit mula sa ibang tao. Tapos ngayon, simpleng pagtataas ng boses ni Amor sa akin ay umiiyak ako?
"Shit." Pinunasang muli ni Amor ang pisngi ko.
"Sorry, Amor—Sorry." She pulled me into a hug and caresses my back.
"Shh, it's okay. I'm just worried. You were missing for two hours tapos walang sumasagot sa inyo sa mga text at tawag ko." Lalo akong napahagulgol sa sinabi niya.
"Shh, it's okay na, hindi na ako galit. Hindi na ako galit." Sabi niya nang marealize na lalo akong napaiyak.
"Tapos sinapak ka ni Tan." I sounded so guilty but she laughed at me.
"Parang kinulbit lang naman ako nung bata." Sabi nito't hinahaplos na ang buhok ko.
"Sabi niya kasi sasapakin niya raw nanakit sakin. Tinanong ko siya kung masasapak ka niya, I didn't know he would really do it." Guilty pa ring sabi ko.
"It's okay, I'm grateful Tan did that. Nalaman kong umiiyak ka dahil sa akin." She softly said.
"Hindi mo kasi ako pinapansin t-tapos nagpahiwalay ka pa ng kwarto." Idiniin ko ang sarili sa kaniya.
"'Cause I know this will happen very soon. Mahirap kang tiisin kung nasa iisang kwarto lang tayo." Wala sa sariling napangiti ako sa sinabi niya.
"Sorry talaga, Amor." Tiningala ko siya dahil nakatsinelas lamang ako ngayon.
"I told you it's okay na. Just... tell me next time."
"Tell you na aalis ako't ibibili kita ng gift?" Napaawang ang labi niya sa sinabi ko.
"Wait here." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya.
I went near the bed and got one paper bag and my pouch na naglalaman ng make up. Pumasok ako sa bathroom at tiningnan ang sarili. Tiningnan ko rin ang relo ko to see na 6pm pa lang. Dapat mamaya pa itong mga 10pm pero ayos na rin.
Kinuha ko ang lingerie na nasa loob ng paper bag at isinuot iyon. Ginulo ko nang kaunti ang buhok ko't nilinis ang mukha ko bago kinuha ang lipstick ko. Hindi ako magmemake up dahil alam kong guguluhin lamang naman iyon ni Amor. Lipstick lang ang inilagay ko para maenhance ang sexy look ko.
I looked at myself in the mirror. I am now wearing the red lace body and thong lingerie that I bought from the mall. Ang itim ay naroon pa sa isang paper bag at siyang regalo ko talaga kay Amor. I can't believe I even took Leriz' suggestion to wear this.
I went out and saw how Amor's face shifted into different emotions. I couldn't read them pero halata ang pagbabago ng mga mata niya nang tingnan ako. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago bumuga ng hangin at umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomanceRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)