Chapter 1

11 0 0
                                    

Intimidating

Nang makuntento na sa pagpili ng mga school materials na maaaring kailanganin ko para sa nalalapit na balik-eskwela, binaybay ko ang daan patungo sa counter. Ngunit napahinto ako sa paglalakad nang dumaan sa book section ng store.

Inisip kong dapat na 'kong tumuloy sa counter at 'wag nang magpadala sa nakikita lalo pa at may gusto rin akong gawin bago ang dinner mamaya.

Sa kabila ng pag-iisip, namataan ko na lang ang sarili na tumitingin-tingin sa iba't ibang klase ng libro sa paligid.

"'Di bale, hindi nalang ako magtatagal." I mumbled to myself.

Namamangha kong pinagmamasdan ang bawat librong makita.

I am in so much awe as if I'm a bookworm, huh. Well, maybe? Mahilig naman akong mag-basa. So I might be considered as one but I couldn't call myself a book addict. Kapag talaga nasa harap ako ng dagat ng mga libro, hindi ko mapigilan ang sobrang tuwa ko. Kapag nagustuhan and it seems wise and worth buying ay saka ko lang bibilhin.

Napahinto ako sa paglalakad nang may nakita akong nobela mula sa isang kilalang manunulat. Binasa ko ang deskripsyon sa likod.

Hmm. Interesting. I should give this a try.

Nang mag-desisyon ay agad akong pumunta sa counter at hindi rin nagtagal, lumabas na ako sa National Bookstore ng Mall.

Bitbit ang pinamili ko ay pumunta ako sa isang food stall. Nag-order ako ng kanilang bestselling burger and mango juice. Hindi na ako nag-abala na pumunta ng restaurant para mag heavy meal dahil malapit na rin mag dinner.

Right after being delighted by the food, I exited the building and went straight to the Mall's parking lot.

My car was a gift from my dad when I graduated in senior high school. Kasama ang condo unit kung saan ako nags-stay ngayon kapag may pasok. Pero dahil bakasyon ay nasa bahay ako.

Bukas ay uuwi ako sa condo dahil malapit na ang regular class. Hiniling rin ni dad na mag- dinner kami ng sabay mamaya. Kadalasang sabay naman talaga kami mag dinner. Minsan lang na hindi, dahil busy siya sa company.

Maganda rin na uuwi na ako bukas dahil enrollment na the day after tomorrow. Mas malapit kasi ang condo sa school kumpara kung manggagaling pa sa bahay. Exactly the reason why my dad bought that condo for me. Convenient.

After reaching the parking lot where my car is, tinungo ko ang driver seat at inilagay ko ang pinamili sa back seat.

I checked the time, and it is already four in the afternoon. I'm done settling, the car engine comes to life and I'm set to go.

Nakauwi ako in less than an hour dahil mabilis naman ang naging daloy ng traffic. In intent to park my car, I slowly but surely maneuvered the steering wheel.

Pagkatapos maiparada ay pinatay ko ang makina ng sasakyan at kinuha ang pinamili na nasa back seat.

A paper bag in my hand and my phone, wallet and car key's on the other, I walk towards our main door.

The moment I entered, the grand and cold living room of the house welcomed me.

"O, hija! Nakauwi ka na. Kumusta ang alis mo?" May malaking ngiting salubong sa'kin ni manang Luz.

"Okay naman po, manang. Aakyat lang po ako saglit then bababa rin po." Ani ko.

"Binilin mo nga kanina na tutulong kang magluto para sa hapunan. Pero sigurado ka ba? Kung pagod ka sa lakad mo, e mag pahinga ka na lang."

"Ayos lang po ako manang. Maliligo lang po ako tapos tutulong nang magluto."

"O, siya. Sige na, hija. Umakyat ka na. Para rin maitabi mo na 'yang pinamili mo. Hihintayin ka na lang ni Linda para makapagluto na kayo." Huling sinabi ni manang bago ako umakyat.

The Kind Of Love Where stories live. Discover now