"Ate Jam, sino iyan? boyfriend niyo? Ang guwapo!"
Alas syete nang nakarating si Jina at Hally mula sa eskwelahan nila. Nakauniform pa ang dalawa nang makita kong pumasok ito sa bahay. Deretso lang si Hally papunta sa hagdan, binati niya muna ako saka pagod na umakyat habang itong si Jina ay na nadapo ang tingin sa dalawang tao na nasa sala at nag uusap. Si Papa at si Hendrix.
May kung anong kiliti ang naramdaman ko nang tanungin iyon ni Jina saakin. Tumayo ako ng matuwid saka umiling sakanya. Napatango tango na lang siya saakin at mas lumawak ang ngiti nang pinasahan muli ng tingin ang gawi ni Hendrix. Gumalaw ako at kaunting tinabunan ang tingin niya.
"Pahinga na roon," Sambit ko. Wala siyang nagawa kundi nagpaalam at tumuloy na sa itaas.
Kalahating oras ang nakain kanina habang nasa hapag kaming tatlo. Tahimik lang ako habang si papa ay panay interogate kay Hendrix na siyang nasisiyahan ding sumagot kay papa. It was just a simple conversation though. Kamusta ang buhay, ang trabaho, kung masarap ba yung ulam, at kung ano ano pa.
"Life's fine po. I'm doing great,"
"I've been attending meetings and learning about work for the past few weeks, nahihirapan po pero at the same time madali lang, I'm kind of a fast learner."
"Ang sarap po ng luto niyo, kung pwede lang ay baka mag uwi pa ako pero ubos na po oh,"
Matapos kumain ay tinuloy nila ang usapan sa sala. Binilisan ko pa nga ang pag huhugas ng mga plato para mapuntahan sila dito. Baka kasi kung ano na ang sasabihin ni papa, pero mukhang tungkol kay Hendrix lahat ng tanong niya. I know that action, he's starting to like Hendrix. O baka gusto na niya ito kanina pa.
Nanatili akong nakatayo at nakasandal sa railings ng hagdan. Pinagkrus ko ang dibdib ko at taimtim na pinanood silang dalawa.
"My father owns the company po. I'm kind of the heir kasi nag iisang anak lang din po ako." Hendrix answered when my papa asked him about his parents
Nabigla roon si papa, kitang kita ko ang pag upo niya maayos at manghang tinignan si Hendrix.
"Naku! Anak ka ng boss ng anak ko? Naku... Nakakahiya naman, inabala pa kita dito," There, natabunan na siya ng kahihiyan.
"It's nothing! I'm very happy that I'm here, and that you invited me for dinner. Minsan lang po ito mangyari, Mr. Oriana," Tawa ni Hendrix, agad na pinagaan ang loob ni papa
Tuluyan na akong lumapit sakanila. Nakatingin ako kay papa pero alam kong nakatingin na saakin si Hendrix.
"Pa, pauuwin mo na si Hendrix. Hinahanap na iyan sakanila." Saad ko kay Papa na agad na tumayo at tumango saakin
"Oo nga pala! Gusto pa kitang makausap at maka kwentuhan pero kailangan mo na rin mag pahinga, hijo." Ngiti ni Papa habang si Hendrix ay tumayo na rin,
"Thank you for this evening, Mr. Oriana." Sinseridad niyang sabi bago tumingin saakin,
"Hatid ko lang po siya sa labas. Yung gamot niyo nasa lamesa na sa kusina. Inumin niyo na iyon," Bilin ko kay papa pagkat hindi niya ito nainom dahil nakatuon ang atensyon niya kay Hendrix
Hendrix followed me outside. Pinagbuksan ko siya ng gate hanggang sa nakatayo na siya sa gilid ng sasakyan niya habang ako ay nanatiling malapit sa gate, nakaharap sakanya. Nilingon niya muna ako at lumapit muna saglit. Kinabahan ako roon pero nawala lang pagkat kinalma ko kaagad ang sarili ko.
"Uhm... About the date that I asked you earlier this morning," Salita niya
"I said I'll check my schedule, Hendrix." Lunok ko. Nandito nanaman tayo sa usapang ito, nandito nanaman tayo sa hindi ko maintindihang galaw niya.
BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...