Elizabeth
Maganda dito sa Probinsiya, marami ako nakikita puno ng kahoy katulad ng puno ng Manga, Santol at ibapa. Tahimik at sariwang-sariwa ang malalanghap. Hindi katulad sa Manila, air pollution at maingay. Ang mga tao palagi nagmamadali pumasok sa trabaho, ang mga Estudyante busy sa pag-aaral. Ang tanging naririnig ko lang dito sa Probinsiya ay huni ng mga ibon at maingay na kuliglig tuwing sasapit ang Gabi.
Sariwang-sariwa ang tinitinda gulay at isda sa Palengke. Dagsaan ang mga tao ngayon sa Palengke sa bayan dahil bagsakan ng mga gulay galing sa bundok kaya marami ang namimili. Sinamahan ko si Aling Lilia sa Palengke, bumili siya ng sariwang gulay at isda para lulutuin sa tanghalian mamaya.
Maganda ang panahon ngayon. Maganda ang sikat ng araw, walang paparating na bagyo oh low pressure. Pag-alis namin sa Manila malakas ang buhos ng ulan.
"Aling lilia ako na po ang magdadala ng plastic bag."Kinuha ko sa kamay niya ang mga plastic bag na may laman na gulay at isda na may kasama karne ng baboy at baka. Masarap mag higop ng mainit na sabaw ng bulalo mamaya gabi.
"Oh siya sige. Alam mo Elizabeth napakabait mo babae. Alam mo ganiyan ang hinahanap ng isang lalaki sa katangian ng babae. Mabait, maalalahanin, masipag at higit sa lahat nararamdaman nipa mahal sila ng babae." Saad niya.
Kinikilig ako bigla sa sinasabi ni Manang lilia sakin. Lumaki tuloy ang butas ng tenga ko.
"Talaga po Manang Lilia, bagay kami ni Ezekiel Montenegro?" Tanong ko sa kaniya.
Bigla kinikilig si Manang habang nakatingin sakin.
"Oo bagay na bagay kayo dalawa ni Ezekiel. Alam mo ba napakabait ng nata yan Manang-mana sa Nanay si Sanya." Sabi niya.
"Opo nga po Mabait si Nanay Sanya." Sabi ko.
"Basta huwag muna yan pakawalan si Ezekiel. Hindi kana makakahanap ng katulad niya mabait, magalang, may respesto sa mga babae at higit sa lahat, may utak at galing sa mayaman sa Pamilya. Architect ang Papa niya. Si Architect Matthew ang nagmamay-ari ng Montenegro Condominiums sa Manila" sabi niya.
Napaawang ang bibig ko habang nakatingin kay Manang Lilia.
"Wow Manang mayaman talaga ang Magulang ni Ezekiel nu, akalain mo yun ang tatay niya ang nagmamay-ari ng sikat na sikat na Montenegro Condominiums sa Manila" sabi ko.
"Tama ka" Saad niya.
Nahiya ako kay Ezekiel. Nagkagusto siya sa akin. Ano ang panama ko sa kaniya.
"Manang Architect diba ang tatay ni Ezekiel, bakit hindi po siya sumunod sa yapak ng Tatay niya. Bakit po nag sundalo siya. Tiniis niya ang tumira sa gubat kasama ang mga mababangis na hayop katulad ng ahas at mga makamandag na mga hayop sa Gubat. Mas gusto niya pa makipag-bakbakan sa New people Army sa Mindanao" sabi ko.
"Bata palang yan si Ezekiel pangarap niya maging Soldier. Gustong-gusto niya humawak ng matataas na kalibre ng baril, alam mo ba Elizabeth natatakot ang Nanay si Sanya sa trabaho niya. Alam mo naman sa panahon natin ngayon maraming sundalo ang ina-ambush sa Mindanao katulad ng nangyare sa Tawi-tawi." Saad niya.
Bigla ako kinabahan. Na alala ko ng unang makita ko si Ezekiel sa tabi ng dagat. Walang malay at sugatan. May tama ng baril.
G-Ganun talaga ang sundalo, nakikipagsalaparan para sa bayan kahit buhay ang nakataya. Ang masasabi ko lang isa silang tunay na bayani ng bansang Pilipinas.
"Ganun ba Manang, ako ang natatakot para kay Zeke, sinabihan ko na po siya mag Resign sa trabaho niya" sabi ko.
"Ano sabi sayo ni Ezekiel?" Tanong niya.
YOU ARE READING
HMS #1 A Soldier Heart (R-18) Complete
RomanceBata palang si Ezekiel Montenegro pangarap na niya maging Isang Dakila Sundalo, Ayaw na ayaw niya Matulad sa Tatay niya Architect. Mas gusto pa niya humawak ng Machine gun at Armalite kaysa sa mag drawing. Sa kasamaan palad habang nakikipag barilan...