I woke up feeling hungry but with a heavy stomach, only to find Amor's hand wrapped in my body.
"Amor?" I softly called. Tila mababaw lang ang tulog niya't nagising din siya agad.
"Hhmm, why?" Halata pa ang antok sa boses niya. Hindi siya nagmulat agad ng mata, sa halip ay mas hinigpitan ang yakap sa akin.
"I'm hungry," I said, almost out of voice.
She slowly opens her eyes. May kinuha ito sa bedside table at lumiwanag ang paligid. Cellphone niya pala ang kinuha niya. Nakita kong alas dos na ng madaling araw.
Pinigilan niya ang balak kong pagtayo.
"Dahan-dahan, huwag mong biglain ang pagbangon. It'll make your head ache." She said. Tumango ako at sabay na kaming bumangon.
Dumiretso ako sa bathroom para kuhanin ang bestidang suot ko kanina. Iyon na lamang muli ang isinuot ko dahil kapapalit ko lang naman noon nang makarating kami rito. Nang lumabas ako ng bathroom ay nakita kong bihis na rin si Amor, suot ang damit niyang nakakalat sa sahig kanina. Right, wala rin siyang gamit dito.
"I don't know if food service is available at this hour. I'll just look for some foods to cook sa dinala natin." Tumango ako sa sinabi niya.
Nang makababa kami ay puro panghanda para sa Buena Noche mamayang gabi ang dala namin. Amor just got the pasta, medyo mabilis lutuin.
"Tan?" Nagulat ako nang makita ang batang umiiyak na lumabas ng pinto ng kwarto nila.
Ang resort na ito'y mayroong kitchen din na kasama sa nirent ng Mommy ni Amor para rin sa buena noche at celebration ng birthday ni Amor mamayang hatinggabi.
"What happened?" Nilapitan siya ni Amor habang pinalalambot ang pasta.
"Nightmare, tita... Mon'ter." Binuhat ni Amor ang bata at pinakalma.
Iniupo niya sa tabi ko ang bata nang medyo kumalma iyon para makapagpatuloy siya sa pagluluto.
"You're not crying na?" Tanong sa akin ng bata.
"Ikaw ang umiiyak e." Pagpatol ko rito.
"Red..." Saway sa akin ni Amor.
"What did the monster look like?" Tanong ko sa bata.
"Red!"
"Joke lang e." I pouted. Iiling iling namang bumaling ulit si Amor sa niluluto niya.
A few minutes later, bumabagsak na ulit ang ulo ni Tan. Mukhang inaantok na ulit siya kaya naman binuhat ko siya at hinayaan siyang makatulog sa akin.
"Hey, he's heavy!" Amor said when she saw that I was carrying Tan.
"Shh." Saway ko sa pag-iinvay niya dahil baka magising ang bata.
Tinalikuran niya nang tuluyan ang niluluto. Sumandal siya sa counter at tinitigan ako.
"You don't look like you're impatient with children." Sabi niya na tila hindi siya makapaniwala sa natuklasan.
"I always wanted a sibling." I honestly said. Tumango tango naman siya.
"Take one of mine." Aniya na para bang ballpen lamang ang gusto ko't handa niya akong bigyan ng isa.
Inirapan ko siya nang pabiro.
"Should I put this kid back in their room? Baka kung ano ang madatnan naming ginagawa ng parents niya." I said as I continued swaying the kid.
"Your mind's so dirty. They would've looked for their child if they're awake." Right. Sabi ko nga.
Sinamahan ako ni Amor. She slowly opened the door at inihiga namin si Tan sa gilid ng Daddy niya dahil ang Daddy niya ngayon ay nakayakap na sa asawa nito. Hindi man lang namalayang wala na ang anak sa tabi nila.
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomanceRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)