TW: Abuse, violence
"Lasing na naman siya" Napabuntong hininga na lang ako habang pinupulot ang mga nagkalat na bote ng beer sa sahig.
Kakauwi ko lang galing sa unit ni Aki. Nag-text sa 'kin si tita Drey na hindi raw siya makakauwi ng isang linggo para magpunta ng Cebu. Kasama daw kasi siya sa business trip sa office kung saan siya nagt-trabaho. Kaya malamang si tito Lawrence na naman ang kasama ko rito sa bahay. Hindi pa nga alam ni tita na hindi ako nakauwi kagabi since kahapon pa siya wala. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba, safe naman akong nakauwi. Baka mag-alala lang siya.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" Muntik ko nang mabitawan 'yung mga boteng hawak ko nang magsalita si tito.
"N-nakitulog po ako kela Amber. Doon na po kasi ako pinatulog ng mama niya." I lied.
"Tigilan mo nga ako sa mga palusot mo Katana. Puro landi inaatupag mo. Akala mo ba hindi ko nakita 'yung lalaking naghatid sayo?" He lit his cigarette.
"Malandi ka talaga 'no? Ibang lalaki 'yan sa nakaraan ah?" Sabi niya at saka hinithit ang sigarilyong hawak. Si Austin ata yung tinutukoy nya.
I just sighed. Ayaw ko siyang patulan lalo't wala si tita Drey. Hindi naman siya ganito tuwing kasama namin si tita. Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya at itinuloy ang pagliligpit.
"Pagtapos mo d'yan ibili mo pa 'ko ng dalawang bote ng beer sa tindahan" He sat on the sofa and turned the tv on.
"Saka isang kaha din ng sigarilyo." Dagdag niya habang sinisilip ang kaha ng sigarilyong hawak. Wala na atang laman.
Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa kahit pigilan ko siya. Baka pag-initan niya lang ako lalo. After I cleaned up his mess, nagsaing na ako. I opened up the fridge para tignan kung ano'ng pwedeng lutuin for lunch pero puro bottled water lang ang bumungad sakin.
"Ano na Katana? Matagal pa ba 'yan?" He raised his brows.
"Lalabas na po. Bili na rin po ako ng tanghalian natin, wala na po kasing laman yung ref."
"Bilisan mo. Bumili ka rin ng isda." Inilapag niya yung pera sa mesa.
"Tito kulang po ito, tumaas na po kasi yung presyo ng-"
"Wala na, 'yan lang meron ako. May pera ka pa naman galing sa allowance mo 'di ba?" He cut me off.
Pumasok na lang ako sa kwarto para kumuha sa allowance ko na nakalagay sa drawer na may susi, may ipon pa naman ako na galing sa scholarship at pinapadala ng parents ko. Wala akong magawa kundi tiisin na lang yung ugali ni tito. Ayaw ko na rin kasi makadagdag sa problema ng parents ko saka ni tita kaya hangga't kaya ko makisama, pinipilit ko .
"Gagi bakit bukas?" saad ko nang mapansing hindi naka-lock yung drawer. Sure ako na ni-lock ko 'to bago ako umalis kahapon.
BINABASA MO ANG
Drenched in Echoes
RomanceIn their college days, Sachi and Aki's love was as tumultuous as the storms that swept through their lives. Bound by youthful passion, yet torn apart by misunderstandings. For five long years, their lives diverged, each carrying the lingering ache o...