Kabanata 21

194 7 0
                                    

21 | Wrong Send

Kinaumagahan, nasa mga alas otso na ako nagising. Nakatunganga pa ako nang ilang minuto bago napag-desisyonan na maligo na at maghanda. Kumain ako kasama ang isang pinsan ko, yung iba tulog pa. Sila papa at mama naman ay may pinuntahan muna.

Mamayang 2 pm ang flight ko, mamaya pagbalik nila mama ay aalis na kaagad kami. Hindi na sasama pa ang iba sa paghatid dahil hindi van ang gamit namin ngayon at hindi rin kasya lahat.

Nagpaalam na ako sa pamilya kong hindi makakasama sa paghatid sa akin sa airport, ang ibang auntie ko naman ay nagsi-iyakan na parang maga-abroad naman ako. Niyakap ko sila isa isa bago tumalikod dahil nahahawa na ako sa pagiyak nila.

Behind this cool facade everyone from Manila knows, lalo na ang mga fans, has a soft side na ang pamilya ko lang ang nakakakita. Hindi ko ito sinasadya pero sadyang ganon ako, sa mga kaibigan ko naman ay minsan napaparamdam ko ito sakanila.

Naglakbay na nga kami patungong airport, kinuha ko ang Airpods ko at binuksan ang Spotify. Naghanap ako nang magandang playlist para makatulog muna habang nasa byahe.

Habang nakikinig ay binuksan ko ang chat ni Jordan sa akin, siya daw kasi ang susundo at magsasabay na kami papunta sa school. Sila Demi at Tear pauwi na rin galing sa lugar nila.

Jordan:
gising na ang seener ghoster backburner

Demi:
isa matamaan si cap sa seener at ghoster, tas matamaan ako sa backburner 😓

Ako:
Hindi ako seener nor ghoster! Oa niyo

Tear:
Wooow after mo kaming i seen nung sinabi naming ang gwapo nung mayor niyo??
Damot mo cap ha

Unsa may gipang yawit ani nila oi! (Ano bang pinagsasabi nang mga ito!)

Nagtaka naman ako sa paratang nila kaya nag backread ako. May kalokohan ba akong nagawa kagabi? Hindi ko maalala lahat nang ginawa ko kagabi basta pagkatapos uminom ay humiga na ako.

Wala naman akong message kagabi sa group chat namin, sineen ko lang sila pero bakit parang may mali? May sinabi ako kagabi, hindi ba nagsend dito? Ano ba kasi itong update na sync messages, nakakairita naman.

Ako:
Hindi ko sinadya yung seen, may message ako kagabi sure ako.
Nakainom kasi ako medyo nalasing lang 😅

Demi:
LA UMIINOM KANA CAP

Jordan:
Ayon lang baka na wrong send kang bata ka

Kinabahan ako sa sinabi ni Jordan kaya agad kong tinignan ang chats, bwesit na tanga pa Jandria! Sa lahat nang taong pwede masendan nang mga pinagsasabi ko kay Beatrice pa na send ang lahat!

Napasapo ako sa noo ko dahil sa katangahan na nagawa ko, napansin ito nila mama kaya ang sabi kong palusot ay natalo ako sa Candy Crush.

Hindi ito pwede. Nakakahiya ka talaga kahit kailan, Jandria! Bahala na itong pride na ito at mags-sorry nalang ako, mas nakakahiya if hindi ko ito papansinin. Nag type ako pero ang mag salitang nais kong ilabas ay hindi ko mabuo. May message siya kagabi kaya binasa ko ito.

Beatrice:
Are you drunk?
Lasing nga hays, you should sleep. You're drunk texting. Are you even aware kung sinong kausap mo?
Where are you, are you drinking with someone?
Hey stop that, baka pagsisihan mo yan bukas.

Ako:
Crush ko ata yung mayor namin bai
Pero maas crish ko si kuan hahha betriz shh lng

Beatrice:
?

Ako:
Hahha yung manok na pula!!! Ang slow niyok ngayn hajajah

Ano 'to?! Baka yung doppelgänger ko ang nag-message nito. Habang nagt-type ay nakita kong typing rin ito kaya kinabahan ako, nag pop up ang panibagong message bago pa ako maka exit sa chat namin.

Beatrice:
Wala kang hangover? A soup can help.
Kanina ka pa typing lol type mo siguro ako? Jk

Ako:
Sorry kagabi, lasing ako nun. Huwag mo na isipin yung sinabi ko, wrong send yun.

Beatrice:
Alin yung wrong send dun? Yung crush mo ang mayor o si Betriz na gosh, manok na pula? Seriously?

Giatay! Sinabi ko ba talaga iyon? Nasisiraan kana talaga nang utak, Jandria! Magpalamon ka nalang sa lupa at mag reincarnate as uod, nakakahiya ka sa mundong ito!

Ako:
Napindot lang yan, hindi ako nagsend niyan.

What a nice excuse! Kapani-paniwala siya, ang galing ko talaga.

Beatrice:
Who's Betriz? Hahah baka kilala ko, reto kita
May kilala akong red haired na ka same name niya.

Ako:
Nananadya ka ba? Hindi porket katunog nang pangalan mo ay ikaw na yan, assumera.

Beatrice:
I didn't mention anything, you thought of that first 😆
There's nothing wrong if you LIKE me, cause the feeling is mutual.

Ako:
Ano? I don't LIKE you, pinagsasabi mo?

Beatrice:
Stop denying it, when you're drunk lahat nang sinasabi mo ay totoo.

That was it. I turned off my phone and just appreciated the whole road trip, sinusubukang i-process ang sinasabi nang babaeng balebolista. I don't get what she is saying. She must be joking, right? Total lagi naman siyang ganyan kung mag biro.

Author's Note: Expect late updates po, back to school szn na kasi ulit :( I'll try to update if may time akoo! Namiss ko 'to

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon