"Aray, teka naman Amber!" Napasinghap ako, hinatak kasi ako ni Amber sa braso.
"Bilis kasi, mahaba na pila n'yan mamaya! Ang init pa naman."
Binawi ko yung braso ko sa kan'ya. Enrollment na kasi for second sem tapos mag-apply din kami sa marketing org kaya nagmamadali 'tong si Amber. Ayaw maabutan ng mahabang pila.
"Napa'no ka?" Natigil siya sa paglakad nung napatingin siya sa braso kong may pasa.
"Naano lang...Nalaglag ako kahapon sa hagdan." Umiwas ako ng tingin habang hinihimas ang braso.
"Gago amputa. Nasaan na ba 'yang Ethan na 'yan? Ano'ng ginawa sayo ng kaibigan niya ha?" She closed her eyes out of frustrations. Akala niya ata si Aki may gawa ng pasang nasa braso ko.
I tried to make her calm but I failed. She already dialed Ethan's number. Sinubukan kong agawin sa kaniya yung phone pero sinamaan niya ako ng tingin. Wala na akong nagawa, baka sakin niya pa maibuntong ang galit niya. She's really unstoppable when mad.
"Hoy." Panimula niya.
"Nasa campus ka?" Mataray na tanong ni Amber.
"Oo, we need to talk. Don't ever try to ditch me. Understand? I'll message you the details." Sinubukan kong idikit yung tenga ko sa phone para marinig kung ano'ng pinag-uusapan nila pero iniiwas ni Amber sakin yung phone.
I just rolled my eyes at her hopelessly. Hindi ko tuloy narinig kung ano'ng sinabi nung Ethan! Nakakahiya at maabala na naman sila. Wala naman silang kinalaman dito. Si tito Lawrence ang may gawa ng pasa ko.
"Tama na kasi Amber, wala namang kinalaman sila Aki rito. Nalaglag nga lang ako kahapon pag-uwi." I kicked a stone out of our way.
"No. Ako ang kasama mo last night and i'm responsible, Sachi. Let me do this."
Kinuha ko yung registration form sa box, enrolled na kami ni Amber. So the next agenda for today is to be a member of Marketing org.
"Ballpen?" Humarap ako kay Amber, wala pala kaming dalang ballpen. Kailangan naming fill up-an yung registration form.
"Oh." Napalingon kami pareho nung may nagsalita sa likod namin. Si Ethan. Inaabutan niya kami ng ballpen.
"What a coincidence talaga. Member ka rin ng org?" Pinandilatan siya ni Amber ng mata.
"Yes, where's my ID?"
Kinuha ni Amber sa bag niya yung ID ni Ethan.
"Akin na." sabi niya kay Amber.
Humigpit ang hawak ni Amber sa ID, ayaw niyang ibigay kay Ethan. Nagulat ako nang itaas niya ang manggas ng shirt na suot ko, showing my bruise.
BINABASA MO ANG
Drenched in Echoes
Roman d'amourIn their college days, Sachi and Aki's love was as tumultuous as the storms that swept through their lives. Bound by youthful passion, yet torn apart by misunderstandings. For five long years, their lives diverged, each carrying the lingering ache o...