1. The Perfect Male Lead

5 1 0
                                    


It was in the middle of the day, the sky is clear, but there are few clouds floating above while the sun is at its peak. Naririnig ko ang mga tawa ng mga bata sa hindi kalayuan. Napaka ganda ng panahon, parang mas gusto ko na lang matulog. Ipinatong ko ang baba ko sa tuktok ng walis na hawak ko habang mas lalo pang bumibigat ang mga mata ko. It was a terrible decision to stay up all night overthinking.

     "Huy."

Mabilisan akong tumayo at ibinuka ng napakalaki ang mga mata ko. "P-Po?" Hindi ko namalayan na yung mga schoolmates kong babae pala yung tumawag sa akin. Natakot pa ako, akala ko naman yung teacher. 

     "Mag walis ka nga ng maayos diyan sa part mo. The leaves keeps flying to Kai, it's annoying," sabi nung isa naka krus pa ang mga braso. Their eyes were gawking at me and they looked furious. "Kai can't finish his work if you keep lazing around," dagdag pa nito. 

I smiled and nodded, "Sorry." It was indeed my fault. Inaamin ko naman na inaantok talaga ako kaya hindi rin ako nakakapag walis ng maayos. Umalis na yung mga babaeng schoolmates ko habang nagrereklamo pa rin sa ginagawa ko, habang ako naman ay hindi mapigilan ang pag hikab. 

My name is Margaux, and I am being punished. Pinaglilinis na nga sa weekend, inaatake pa ako ng antok. Gusto ko na umuwi!

     "Kai, look at this. It's so pretty."

Mabilis akong napalingon sa direksyon ng mga boses ng schoolmates ko. Pinaliligiran nanaman siya ng mga babae. I shook my head, walang mangyayari kung makiki chismis pa ako sa kanila. Eh kung tapusin ko na 'to para makauwi na ako?

     "Hey! After you're done there, the teacher said to go to the storage room and clean," sabi nung babaeng naka ponytail. Hindi naman 'hey' ang pangalan ko pero paulit-ulit nila akong tinatawag sa ganoon na paraan. 

I took a deep breath and continued. Parusa nga naman talaga, parang araw-araw na lang akong pinaparusahan ng diyos. Kailangan ko pa tapusin ang volunteer work that our school is holding for the orphanage near. Hindi naman dahil sa may nagawa akong sobrang sama, hindi lang ako pumapasok ng ilang araw, yun lang naman.

Hindi ko naman talaga iniisip na grabe itong parusa na 'to, mas grabe lang yung hindi nanaman ako nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko tatagos na ako sa pader, konti na lang talaga. Napaka ganda ng panahon, gusto ko na lang humilata sa gitna ng halamanan dito sa bahay ampunan. 

I looked up with my drowsy eyes and saw more leaves falling off from the huge Molave tree in the middle of the backyard. Bigla na lamang humangin ng malakas kaya naman mabilis akong napapikit. Madali pa naman akong mapuwing kasi walang kwenta yung mga pilikmata ko, sila pa nga madalas bumulag sa mata ko eh. 

     "Hoy! Nagliliparan nanaman yung mga dahon!" Narinig ko yung isa sa mga babae na sumisigaw. Parang kasalanan ko ata na humahangin nang malakas? Lalo pa ngang lumakas ang hangin, to the point na natutulak na ako hanggang sa may nabangga na nga ako sa likuran ko. 

     "Okay ka lang? Hinahangin ka na," mabilisan akong lumingon sa tao sa likuran ko. It was deep yet such gentle tone. "Hi," he greeted. Nanlaki ang mga mata ko nang ma realize ko kung sino siya. 

     "Kai! We should go inside first."

Those girls immediately pulled him away before I could even talk back to him. It caught me off-guard, seeing him so close to me. Ang pogi niya grabe. The way his dark brown hair looked so smooth as it danced with the gentle breeze, it looked like a scene that came out of a fairy tale. Yung bilugan at inosente niyang mga mata na para bang kumikinang tuwing tinatamaan ito ng liwanag ng araw. Its color reminds me of the coffee I would often drink in the morning. He sparkled underneath the rays of the sun, and just like that, people would always surround him. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ad MelioraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon