"Akeela! Where are we heading?" Yoli asked and I can feel his presence behind me.
"Ako lang ang pupunta, hindi ka kasama." I walked as fast as I can pero mahaba talaga ang paa niya. Mas binilisan ko ang hakbang para hindi na siya makahabol pero mukhang malala na ang salpak nito sa utak o talagang hindi lang makaramdam na ayaw kong may kasama kaya sunod pa rin nang sunod.
"Promise, sasabay lang ako sa labas! I won't speak if you don't ask me to!" pilit nito habang patuloy na nakasunod. I let him follow me at tiniis ang nakakairitang presensya niya
"Keela—"
"Shut it, Yuan Lewis. Uuwi na ako," pigil ko. I don't like him being around. He plays everywhere, and I don't want to be seen around him. He's a public figure. Kapag hindi pa ako humiwalay ng landas sa kaniya, surely, ako na ang laman ng showbiz balita bukas. Ayaw ko pa naman na nagiging pulutan ako ng chismis sa bawat sulok ng lugar.
"May event ka mamaya, 'di ba?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ang lawak naman ng source nito!
"Huwag mong susubukan, sinasabi ko sa 'yo. And how did you know about that?"
"I heard it from Lian. And hoy! Birthday party pupuntahan ko, ah! Akala mo naman sinusundan kita," aniya na akala mo hindi parang asong nakasunod sa akin.
"Mamamo birthday! As if naman uuwi ka agad!"
The people are scattered in every corners of the streets. Some are just walking, but some are busy chitchatting. I was busy looking around when my phone suddenly rang.
"Yes?" I answered.
"Where are you? Mom is looking for you," she said that made my body trembled in fear.
Malayo pa lang ay halatang nagkakagulo na sa loob. Hindi na ito bago sa pakiramdam pero hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ako.
Nadatnan ko si Akira na nasa labas ng gate at mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. Nakasandal sa kulay pula na kinakalawang na gate habang ang walang emosyong mga mata ay diretsong nakatingin sa akin.
"What happened?" I asked. I plastered a smile to hide my nervousness.
"He visited again, see it yourself." Tumalikod na ito at naglakad papasok.
Dumiretso ako sa pinto at pagbukas ko ay makalat na sala ang bumungad sa paningin ko. The pillows are disarranged and the broken pieces of vase are scattered around the living room.
Hindi ko na iyon ininda at dumiretso na sa kwarto ng nanay ko. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kaniyang kama habang ang tingin ay nasa labas ng bintana.
"Ma, how are you? Hanap niyo daw ako?" masiglang wika ko, trying to hide my uneasiness. Alam ko na ang kasunod nito.
"Saan ka galing?"
"Sa school po,"
"Bakit pa? Recognition niyo kanina, hindi ba? Eh, wala ka namang sabit doon. Naku! Huwag ako, Akeela!"
"Ma, pasok naman po-"
"Dean's List?" tumawa pa ito na may bakas ng pang-uuyam. "Really, Akeela? Pinagmamalaki mo 'yan? Pasang-awa naman iyan, Akeela! Ang tanda-tanda mo na pero ang utak mo naiwan sa pagkabata! Hindi ka nag-aaral nang mabuti. Ang kapatid at pinsan mo President's List? Ikaw?"
Pinilit kong ngumiti bago nag-angat ng tingin. "Ma, nag-aaral naman po ako. Sadyang hindi lang po madali-"
"Kinakaya ng kapatid mo! Kinakaya ng mga pinsan mo! Ikaw hindi? Akala mo ba hindi ko malalaman, ha? Gimik ka nang gimik, gabi-gabi! Tapos ngayon sasabihin mong nag-aaral ka? Eh, puro ka bar! Gimik! Gawain ba iyan ng matinong dalaga?"