CHAPTER SEVEN

1.2K 38 1
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Satania Pov:

Where am I?

Napayakap ako saking magkabilang braso dahil sa malamig ng simoy na hangin.Tanging liwanag lang sa buwan ang nagsisilbing ilaw dito sa paligid at sa malawak na hardin.May gasibo sa unahan nito then I saw the figure of a woman na nakatalikod dito sa gawi ko.Tinangay ang mahaba nitong buhok sa hangin at kahit madilim man ay lumiliwanag ang taglay nitong kaputian.

Who's that girl?

Ang lamig! Bakit ba naka paa lang ako? Ano ba tong nangyaring kababalaghan sa buhay ko,kanina lang ay nasa silid ako tapos ngayon nasa labas na ako at sa lugar pa talaga na hindi familiar sakin.

Nakatingin parin ako sa gawi nung babae na nakasuot ng mahabang puting bestida at merong kahabaan ang sleeve nito sa braso. I slowly step my feet in her direction, dahil may nagudyok sakin na lapitan ito.

Ngunit sa pagkakataong ito napatigil ako sa gulat ng makikila kong sino ito.

"S-Satania..." Mahina kong bulong.

Napaka-aliwalas ng mukha nito at napaka anghel tignan dahil sa inosente nitong mga ngiti sa labi ngunit meroon itong lungkot na mababakasan sa kanyang mga mata kahit naka ngiti ito ngayon.

"Lauranie," she said my name with her angelic voice.

Napakabait niya tignan at ang hinhin kahit boses palang ang narinig ko, pero iyong boses ko dati ay parang laging galit tapos kung kumilos naman ako ay daig ko pa ang mga lalaki na tambay sa kanto. Tsk². Napaka unfair ng mundo.

"Hahahahahaaha, your pretty, Lauranis," she chuckled.

Close tayo? Amp!

"I'm sorry," malumanay niyang ani sakin.

"Huh? Sorry?" I ask her confusedly.

"You know what I mean," said Tipid Siyang Ngumiti Sakin.

Kaya sa pagkakataong ito ay umakyat na ako sa gasibo at naupo. Bahala sya gyan, nakakangawit sa paa ang tumayo lang dun tapos magchichikahan lang pala kami.

"Hahahahaha, you're really funny, Lauranie," Tawa Niyang Sambit.

Kahit tumawa siya ay bakas parin ang pagiging mahinhin niya.

"I'm not a clown, you know," tamad kong saaf sa kaniya.

She sits in front of me. Dito ko mas nakita ang itsura niya sa mas malapitan. She really looks like an angel that is falling from the sky. Well, hindi naman ako na insecure co'z im pretty too ngunit para lang akong demonyita na papaakyat sa itaas.

"Alam mo naba kung anong nangyari sayo?" Tanong niya sakin.

Ngumiti naman ako sakaniya.Gusto niya e realtalk ko siya?Total, di naman uso sakin ang plastikan.

"Edi ano panga ba......naengkanto ako! Kaya dapat pala araw-araw akong nagbigay at nag iwan ng pagkain sa malaking puno dun sa likuran ng mansion namin, eh!Para hindi nila kinuha ang kaluluwa ko at wala sanang pang e-engkanto ang nangyari sakin ngayon." Agad kong bulaslas sa kaniya.

Her eyes widen, and she is stunned to speak.

See! Akala siguro niya, hindi ko alam na mga engkanto sila sa malaking puno na nasa likuran saming mansion. Huli kana sa akto, Satania! Alam kona ang tot—

"You're reincarnated."

Agad ko siyang tinapunan ng tingin.

"A-anong sabi mo?"

"You've got reincarnated in my body, Lauranie. So, you will live your second life, or should I say the rest of your life, as me?" Ngumiti siya sakin.

Hindi ako bobo para hindi malaman kung anong ibig sabihin ng 'REINCARNATION'......jusko! Baka panaginip lang talaga itong lahat, eh!

Kinukurot-kurot ko pa ang dalawa kong pisngi. I need to wake up; kong nasan man ang totoo kong katawan! Kahit nasa kabao na ako,basta gigising parin ako!

"Your just hurting yourself. Everything you saw was real, Lauranie. You've died and I too, but sating dalawa ikaw ang nabigyan ng dalawa pang pagkakataon na mabuhay," saad niya sakin.

Napaismid ako at padabog na umupo ulit.

"I died here, and I don't have reason to live, dahil pareho lang ang kalabasan at magiging takbo ng buhay ko. The goddess of life was giving me a chance to live, but I refused." She glanced in my direction.

Tumayo siya at tumingin sa liwanag na buwan sa kalangitan na napapalibutan ng mga kumikinang na bituin.

"We died on the same day at nakita ko sa kaluluwa mo na gusto mo pang mabuhay, Lauranie. The light of your soul was different from mine, kaya ito rin ang naging rason kong bakit ko sa'iyo ibinigay ang pangalawang pagkakataon upang mabuhay," malumanay niyang saad sakin.

"B-Bakit ikaw hindi ba?"

"I want too, pero gusto ko nang magpahinga, Lauranie. Alam ko na nakikita mo ang ibang parte ng buhay ko dati at magkaiba tayo Lauranie. Alam kong kaya mong bagohin ang lahat dahil may tiwala ako sa kakayahan mo. I haven't met my mother yet, and I know that she is still alive.

Naikuyom ko ang aking mga kamay at hindi ko namalayan na meron na palang tumulong mga luha sa magkabila kong pisngi. Bakit nakayanan ng kaniyang ama na ganito ang trato niya sa sariling anak? Bakit hinahayaan niyang masaktan ang anak niya sa iba? Wala ba talaga siyang puso?! Tang*na. Edi hindi nalang siya nakipagtalik sa nanay niya kong hindi niya kayang panindigan ang pagiging ama kay satania.Babaerong hari! Palibhasa mataas ang kaniyangposisyon, kaya ginamit niya rin ito sa masama. Isa pa iyong mga bruhang mag-ina, akala mo naman nasa Cinderella sila.Nakakaimbyerna!

Nakaramdam ako ng malambot at malamig na kamay saking pisngi na pinunasan ang mga pumapatak na luha rito.

"This is my fate, Lauranie—

Live your life at peace and happily. I didn't ask you to seek revenge for me. Just live your life the way you want to. Ikaw na ang nag mamay-ari sa katawan ko, kaya ikaw lang ay may karapatang kung ano ang gusto mo para sarili at ikakabuti sayo. Hinihiling ko ang maayos na takbo ng iyong tadhana sa pangalawang buhay y mo, Lauranie Maraming salamat sayo...paalam." She kissed my forehead before her body slowly vanished into the thin air.

Napatulala ako sa kawalan at dinaramdam ang pagsikip ng aking dibdib. Walang tigil ang pag-agus ng aking luha saking pisngi,ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong emosyon dahil sa dati kong buhay puro kamalditahan lang at pambabara ang nalalaman ko, but this time, it really hurts. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikiramay ka sa ibang tao?

Masyado siyang mabait at inosente para pagdaanan ang lahat nang yun, ipinagkait sa kaniya ang kasiyahan at pagmamahal na nararapat para sa babaeng katulad niya.

Hindi nga alam ng kaniyang ama na patay na ang bunso niyang anak at iba na ang nasa kataohan nito. Dahil onang ona sa lahat WALA NAMAN SIYANG PAKE kung mapano at anong mangyari dito.

Nga'yon,masisisi ba nila kung iba rin ang pakikitungo ko sa kanila ngayong ako na ang nagmamay-ari sa katawang ito?

Kahit wala na si satania at ako na ang nasa kataohan niya,hindi parin nila malalaman na iba ang nasa katawan niya dahil mukha parin ni satania ang makikita nila ngunit iba na ang nasa kataohan nito.

They will treat me like they treat Satanina.

Kaya ano paba ang silbi ng pagbait-baitan ko kung maitim rin naman ang budhi nila? Like, what I said...hindi ako sanay makipagplastikan kaya magtiis sila sa ugali ko dahil hinding-hindi talaga ako magpapaapi sa mga taong tulad nila.

Im not seeking revenge.

Sadyang ayaw ko lang makipag plastikan at inaapi kong alam ko naman na may laban ako.

"I'm doing this for the both of us, Satania dahil kakampi mo'ko dito, so leave it to me, and I will do the rest for us," mahinang sambit ko sa sarili.

The Hidden Daughter (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon