hi:)

26 5 5
                                    

"Hoy Diaz,magbayad ka na ng PHP.150" malakas na sigaw ni Andrea Lopez.

"Ano? Para saan naman yung PHP.150??"ikaw ba naman sigawan nang malakas eh, magkatapat lang naman kami ng upuan. At eto sa tagal na naming magkaklase ni Andrea nagkaroon ng himala at kinausap niya ako.

Andrea May Lopez ang real name niya. Based in my own calculations 5'5 inch and height niya. Matalino,medyo masungit,masasabi kong maganda siya,hindi dahil sa madami ang umiidolong ibang babae sa kanya. And I say inget lang sila.

"And lakas na nga ng sabi ko,este sigaw ko pala,hindi mo pa narinig. Sabi ko magbayad ka na ngphp. 150 para sa project natin sa English."malakas na naman nyang sabi. Nakalunok ata siya ng megaphone.XD. Oo nga pala siya ang leader namin sa English at siya ang pinapasingil sa bayad namin.

"Oh, ano aangal ka pa? Kung hindi lang kita m _ _ _ _ hindi na kita sisingilin pa sa bayad mo at pabayaan ko na lang na wala kang project." sabay nagflying kiss siya sa akin.

Shit! Bakit pakiramdam ko namumula ako. Ano ba yan,tingin ko tuloy sa sarili ko bakla ako. Pero sa gwapo kong to!XD magiging bakla ako?No way!!

"Wee weet"sipol nang isa kong classmate. Syempre hindi naman maiiwasan,ang mga kantyawan at bulong bulongan ng mga classmate king chismoso't chismosa. Wait lang hindi ko maintindihan (10%,20%,50%,75%,100%) ahh, okay naintindihan ko na kung bakit sila naghiyawan. Pero nashock ako sa next na nang yari nagform siya ng heart shape using her hands.

Sabay sabi ng "Peace yow,pinapatawa ko lang si Diaz kasi masyadong problemado sa php. 150 pesos."sabay tawanan ng mga loko loko kong classmates.

"Ha Ha Ha Ha" pakikisama ko na lang sa kanila.

"Uy kinilig si,diaz namumula!!wahahaXD."pangaasar pa niya.

"At,ano namang dahilan para kiligin ako?"takang takang tanong ko.

"Eh, di kinilig ka nga!hahaha!"sabay alis niya.

Naiwan akong tahimik at patuloy na nagsisink-in sa utak ko yung mga sinabi ni Andrea.

Naglakad aki para makapagisip-isip.

"Ay Rich novem may tatanong ako sayo?"paglingon ko nakita ko si Andrea hindi ko na sana siya papansinin dahil baka pagtripan na naman niya ako, kaya lang......

"Rich novem diaz camera ka ba?"masayang tanong niya sa akin. Napasagot na lang ako ng "bakit naman" para sakyan na lang uung pick up lines,kahit alam na alam ko na yan matagal na.

"Kasi you make me smile."(cute naman ng ngiti niya)pa simpleng tumawa na lang ako at napailingako, na inaasar lang niya ako.

"Peace yow,pinapatawa lang kita."sabay umalis na aiya at as usual natulala na naman ako sa mga pinagsasabi ni Andrea. Haist! mga babae talaga moody. Pero parang tinamaaan na yata ako sa kanya,yung mga tawa niya kasi parang may meaning,na hindi pilit yung tawa niya.

Simula non halos araw araw ay may baon siyang pangasar sa akin.

After 6 days
"Hey, diaz naglalaro ka ba ng flappy bird?"serious niyang tanong.

"Hindi eh bakit?"

"Kasi ako araw araw akong naglalaro ng flappy bird hinihintay ko na balang araw mafall ka din sa akin.hehehe"sabay tawa niya. Napansin ko lang bakit ata parang hindi siya masaya ngayon.

"Ay, sige babay."sabay paalam niya.

Shit! Tinamaan na nga ako, mahal ko na nga talaga si Andrea hindi lang mahal,mahal na mahal. Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Magtatapat ba ako sa kanya? Tanggapin kaya niya ako?

"Hoy novem akyat na tayo nandyan na si Sir."nabalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni kenneth. Napansin ko na nakarating na pala ako sa canteen at ako na lang ang tao doon. Pag pasok naman namin ni kenneth ay nagstart na maglecture si Sir. Habang ako eto nag-iisip pa rin kung ano ang dapat kong gawin.

"Okay,class dismiss."sabay sabay nagsitayuan yung mga classmates ko.

"Pre sabihin mo na baka unahan pa kita."pabirong sabi sa akin ni kenneth. Na kwento ko din sa kanya kasi na nafall na ako kay Andrea.

"Ahm And-rea pwe-de ba ki-ta makausap?" Utal utal kong sabi,letse naman nahihiya akong magtapat sa kanya.

"Ah sige tungkol saan ba?"at naupo kami ng magkatabi since,kaming dalawa na lang naman ang tao dito sa classroom.

"Pwede bang manligaw?"lumilas rin ang isang minuto bago siya nagsalita.

"Ang galing mo rin palang magjoke diaz."

"Hindi,ako nagjo-joke seryoso ako."magsasalita sana siya kaya lang inunahan ko na siya.

"Alam mo ba kahit gaano pa kadami ang coke ang inumin ko, hindi ko parin makukuha ang happiness ko kasi,sa bawat ngiti at halakhak mo yun ang tunay na happiness ko."shit ang corny ko.

"Sorry pero hindi kita mahal."ang sakit pala parang dinurog-durog yung puso ko na wala nang ibang makakapagbuo pa.

Papatayo na sana ako,para sabihin na "Okay lang" kaya lang hinawakan niya yu.dalawang kamay ko sabay sabi ng ...

"Do you have band-aid?" Eto nanaman siya..

"Ha?"

"Brcause I just scraped my knee falling for you."

"Ano?"takang takang tanong ko.

"Yes pumapayag ako na magpaligaw sa iyo kung gusto mo tayo na nga eh! Akala ko,kasi,binabawian mo lang ako sa mga panloliki ko sayo pero nung nakita kong seryoso ka, totoo na pala yung nararamdaman mo."

Tinayo ko siya sa pagkakaupo niya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"I like you."sabi ko sa kanya.

"I like you too."yun ang pinakamatamis na ngiti ang nakita ko sa kanya.

Thanks for your time: )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I like you too [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon