Chapter 00

6 1 0
                                    

"Asan na 'yung pinangako mo na magb-boyfriend ka na ngayong college?"

I rolled my eyes at my friends. Inabot ko ang iniinom nitong iced coffee at nakiinom dito. Ito na naman sa topic about sa love life ko.

Totoo naman, sinabi ko talaga na maghahanap ako ng boyfriend kapag nasa college na kami. Pero, wala talaga eh. Walang pasok sa standards ko. Walang nagtatagal.

"P'wede ba? First semester pa lang, maghintay ka," I said. Pinaikutan na lang ako nito ng mata at kinuha pabalik ang iniinom niya.

Nasa cafeteria kami ng school namin. Kaming dalawa lang kasi wala ang dalawa pang kaibigan, magkaiba ng breaktime.

I roamed my eyes, looking for pogi students. Marami naman ang pogi sa school na 'to. Parang nakausap ko na nga rin halos lahat ang mga lalaki sa department namin para lang sa kagustuhan kong magka-boyfriend. Kahit sa ibang department ay may nakakausap din ako. Gano'n kalala.

Pero wala talaga eh. Ilang araw lang ay mauudlot na agad for some unknown reasons. Wala pa nga atang tumatagal sa akin ng isang buwan, swerte na lang pag umabot pa ng tatlong linggo.

"Have you tried dating apps?" Haizel asked. Sinisimot na niya ngayon ang iced coffee niya. Kagaya ko ay umiikot din ang mata nito sa cafeteria.

"Ayoko, baka makita ng pamilya ko mukha ko ro'n," Sabi ko at tinawanan lang ako nito. I'm not even joking? Nag o-overthink talaga ako na baka makita ng pamilya ko ang account ko, 'no? Nakakahiya. Alam pa naman ng pamilya ko na conservative ako at walang interes sa pag-ibig tapos makikita nila picture ko sa dating app? Kasalanan ko rin, bakit kasi mapag panggap ako tuwing family gathering eh malandi naman talaga ako.

After a few minutes of convincing me na mag try ng dating apps ay nag paalam na rin kami sa isa't-isa ni Haizel. May next subject pa kasi ako.

Bumalik na ako sa building namin at dumiretso sa room namin. As usual, maingay ang mga blockmates ko. Parang nasa palengke lagi kapag nasa loob ako ng room. Umupo ako sa tabi ni Freya, isa sa mga close friend ko sa block namin.

"V!" Freya greeted me. Kinuha nito ang bag na nakalagay sa tabing upuan niya para makaupo ako roon. "Alam mo na ba ang chismis sa campus?"

Si Freya talaga ang source ko sa mga chismis sa campus, eh. Lahat ata alam niya. Sabagay, she literally owns a gossip page dedicated to Spring high University on Facebook. It's a secret though, sa akin niya lang sinabi na siya ang handler ng page na iyon.

"Ano, may nabuntis na ba sa campus natin?" I laughed. Every chismis ata ni Freya sa akin palala nang palala, eh. Kaya worst school ang tawag sa school namin eh, lahat ng estudyante na patapon nandito eh.

Freya also laughed. "Wala pa, baliw. Pero baka magkaroon na?"

"Oh my god?"

"Kilala mo ba si Silas Oswyn Bartholomew?" She asked. I rolled my eyes. Sino bang hindi?

Silas Oswyn. That playboy. Sinong hindi makakakilala ron? He's from other school pero kilala siya sa school namin. Kahit from other schools. Together with his bros or also known as Zesto boys. That's what they called themselves. Maybe because they like to tusok...

"What, crush mo na rin?" Halos lahat ata ng girls dito may gusto sa lalaki na 'yon. Even my friend Mona! Hays.

"No! I mean, yes. That's not the point, okay?" Tumawa ako sa panic na nakapaskil sa mukha ni Freya. So defensive. "Heard he transferred here in Spring High," She continued.

I gasped. What the hell? Pati ba ang dalawang alagad niya kasama? Oh, I can now imagine the chaos of this school. Nadagdagan na naman ng sakit sa ulo. Why did I even enroll here?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon