Araw ng linggo.
Ang bilis ng araw.
Day off ko.
I check my phone at final interview ko mamayang hapon.
Thanks to God. Kailangan kong maghanda ng isusuot....
Alas tres ang interview ko at kalahating oras pa ang hihintayin ko. Mabuti ng maaga ako at hindi late. Hindi ma traffic kaya maswerte ako nakarating on time. I need to hit this day.Nakaupo ako sa isang bench at naghihintay ng interview ko. Napansin ko parang ako lang. Lingon ako ng lingon sa magkabilang hallway at may paparating na lalake. Bonnga naka shades ang boylalu.
"Hello miss. Are you also part of the interview?"
Tanong ng lalake sa akin.
Tumango ako sa kaniya. Ngunit di ako nakatingin.
"Well, Im also part of this interview."
Eh,ano ngayon? Edi wow nanaman?
"Kanina ka pa?"
Tumango ako.
The man just smile. Hindi halata sa mukha niya na nerbyos siya oh takot. Ang lakas maka self confidence ng lalakeng ito. Samantala ako parang naiihi na sa sobrang kaba.
"Alam mo. If I pass this interview I believe dito ako makakahanap ng mamahalin."
Ang lakas makahugot ng lalakeng ito. Ako yung objective ko ay maging stable , siya naman ay ang makahanap ng mapapangasawa. Ang babaw naman nito. Makapag update nga ng coc.
Kinuha ko sa ag ko ang samsung j1 ko.
Napansin niya akong busy sa coc ko.
"You are also part of addicts."
Napahinto ako. Paepal ang lalakeng ito. Papansin.
"Naglalaro din ako niyan before pero ang boring."
Nananadya ba talaga to?
"Excuse me. Pwede ba kung wala kang magawa diyan sa boring mong buhay, please dont bother me. And besides kung naglalaro man ako ng coc that is not part of your business."
Oh,diba? Bongga ang mga linya?
"Wow, ang sakit naman."
I look at him at nagulat ako.
Alam mo yung feeling na hindi ako nakatingin sa kanya kanina. Tapos ng makita ko siya ang gwapo niya pala. Hindi lang gwapo he looks familiar.
"Miss. According to research from Canada. Too much playing of video games can destroy brain cells and it will not function actively. Nawawala ang focus mo at wala ka sa mood."
Napanganga ako sa kaniya. Pigil ang kakilig.
I remember na kung saan ko siya nakita before.Siya yung kinababaliwan ni Julie. Siya yung parang suplado na parang German ang accent. Nahiya tuloy ako sa pagmamataray ko.
"By the way Im Vincent. But you can call me Vince for sure."
Nakipag shake hand siya sa akin. I just smiling at him.
"What is your name?"
"Im Flor, Mary Flor Selosa"
He just smile parang who cares about your name. Nag hihintay kami for interview. May bumukas ng pinto. Isang babae na nakasalamin at punong puno ang mga ngipin ng braces.
"Who is Flor and Vincent?"
Parang matatawa ako sa tanong niya. Obvious ba na kami hinahanap nito? Eh,kami lang naman ang tao sa labas ng pinto. Minsan mawewendang ka sobra.
BINABASA MO ANG
I Fall to You
RandomMinsan di mo mapapansin na unti-unyi kang naiinlove sa di inaasahang oras. Ang pag-ibig nga naman kakaiba ang daming description...