I looked at myself in front of my full-length mirror. I am wearing a red tube floor dress.
Pinasadahan ko pa ng kamay ko ang ngayo'y kulot kong buhok at inginiti ang mapulang labi ko.
My driver drove me off to the school and I was immediately greeted by Yuei. Sabi niya'y ibinilin daw ako sa kaniya ni Amor dahil busy ito sa loob. Naalala ko tuloy ang Year-End kung saan busy rin siya.
"Wow," I was literally amazed by the venue, sobrang ganda at elegante ng pagkakaayos maging ang mga ilaw ay nagbigay ng maayos na liwanag para sa pulang dingding ng school hall.
"Red! Living up to your name?" I just smiled at Ferblue.
"Ikaw rin naman." I said as I saw her wearing a dark blue floor dress.
Inilibot ko pa ang tingin para sana hanapin si Amor. I saw so many unfamiliar faces dahil balita ko rin ay naaprubahan ang proposal ni Yuei na payagang magdala ng outsider o date ang mga estudyanteng gustong magdala. Akala ko nga'y may dala siya subalit wala naman. Mayroon lang daw siyang kaklase na nagrequest noon sa kaniya kaya sinubukan niya ring ipropose iyon. Amoralia signed it kaya naman mas madali para kay Yuei na paaprubahan din iyon sa school heads. Ngayon ay magkahalong babae at lalaki na ang makikita rito. Mabuti na lamang at malaki ang hall para sa Grad ball.
"Looking for me?" Amor immediately wrapped her arm on my waist and kissed my cheek.
"You look beautiful." Bulong nito.
I giggled as I looked at our dresses. Pareho ang suot naming dress at ang kay Amor ay itim. Ang tali sa likuran ng damit ko ay itim samantalang sa kaniya ay pula.
"Nag-usap kayo ng isusuot? Ang cute!" Einie screamed.
"It's called a couple thing, Einie." Nanlaki ang mga mata ni Einie sansinabi ni Yuei.
Bakas rin ang gulat sa mukha ni Ferblue pero mabilis niyang binago ang ekspresyon ng mukha niya. Right, si Yuei lang ang nakakaalam ng relasyon namin ni Amor.
"Come here." Hinila ako ni Amor patungo sa isang lamesa.
"I had a hard time proposing this but thank God I had the data of having all grade 12 students at legal age." Tinutukoy niya ang wine na iniabot niya sa akin.
"Ang arte naman nila? Wine lang naman ito?"
"Still, it has its alcoholic percentage." Nagkibit balikat na lamang ako't ininom iyong wine.
"Hindi ka naman gutom, 'no?" Biglang sabi niya. Ngayon ay nagpapanic na dahil pinainom niya agad ako ng wine.
"I haven't eaten anything yet today." Sabi ko rito.
Nagpanic siya't mabilis na inagaw sa akin ang baso ng wine pero tumatawang kinuha ko iyon pabalik.
"I was kidding." I said before drinking the wine again.
Hindi inalis ni Amor ang kaniyang braso sa beywang ko at sinasamaan ng tingin ang nga dumadaan sa harapan namin at mapapatingin sa akin.
"Wait..." I looked at her when her arm left my waist.
Itinaas niya ang kaniyang paa sa upuan at napansin kong natanggal pala ang pagkakatali ng heels niya. Her action caused her thigh to show off, may slit kasi ang suot naming floor dress. I automatically hide her thigh a little with my own body at hindi ko rin napigilan ang sariling hawakan iyon. Iba talaga ang epekto sa akin ng mga hita niyang maputi!
"Red... not here." Halatang nagpipigil ito. She stood straight pero nanatili ang paa sa upuan.
"Hindi ka nga umaangal e." I giggled. Totoo naman, ni hindi niya inaalis ang kamay ko sa hita niya o ang paa niya sa upuan.
BINABASA MO ANG
Loving Her Was Red (RD #1)
RomanceRed Duology 1: Loving Her Was Red They say an all-girls boarding school is the usual prison for delinquent girls, but Reddiah Puhllie Crinzon took the opportunity to play with President Amoralia Denise Levarez. (GL)