Veronica
Kanina pa siguro ako hinihintay ni Richie sa kwarto. Ayaw ko muna pumasok sa kwarto dahil mamanyakin na naman ako ng lalaki yun. Binuksan ko ang Refrigerator, kinuha ko ang pitcher sabay nagsalin sa baso ng malamig na tubig. Tinungga ko agad, parang may El nino ang lalamunan ko dahil nanunuyo. May narinig ako kaluskos kaya tumago ako sa sulok.
"Veronica baby ko where are you?" Umalingawngaw ang boses niya. Nakita ko siya pumasok sa kusina. Siniksik ko ang sarili ko sa sulok para hindi niya ako makita na tinataguan ko siya.
"Aba Veronica may kasalanan kapa sakin ah tapos ngayon may balak kapa pagtaguan ako, lumabas kana dyan" Saad niya.
Tawang-tawa Ako sa expression ng mukha niya.
"Gael nakita mo ba si Veronica?" Tinatanong niya si Gael kung napansin ako nito.
Umiling siya.
"H-Hindi po Sir Richie. Baka nasa kwarto mo" sabi sa kaniya ni Gael.
"Damn that woman! Tinataguan talaga ako. Gusto mo ng laro Veronica, puwes pagbibigyan kita" sabi niya. Bigla natawa si Gael.
"Sir grabe ka naman maka-react d'yan" sabi ni Gael sa kaniya.
Napabuntong hininga siya sabay hawak sa baba niya.
"Kanina ko pa hinahanap hindi ko makita-kita. Alam ko naman pinagtataguan ako ng babae yun Gael. He's getting on my nerves" Aniya.
"Relax Congressman ang puso mo" sabi niya. Naningkit ang mata ko nakatingin sa kaniya.
"Open the lights Gael. Gusto niya ng Tagu-taguan puwes hahanapin ko siya" sabi niya.
Tumago ako sa sulok na hindi niya ako makikita. Binuksan ni Gael ang mga ilaw sa loob ng bahay. Maliwanag ang kusina at sa sala.Wala ako narinig na ingay sa loob ng kusina at sa sala. Saan pumunta ang dalawa yun?
Lumabas ako kung saan ako tumago kanina. Pinapapak na ako ng lamok,ang sakit-sakit mangagat.
"W-Where have you been?" Isang matigas na tinig ang narinig ko. Inangat ko ang tingin ko, nakita ko siya nakatayo sa harapan ko."Kanina pa kita hinahanap hindi kita makita-kita, na istorbo ko tuloy ang pagtulog ni Gael para hanapin ka" Saad niya.
Kumunot ang noo niya.
"Hah! Bakit kailangan mo pa ako ipahanap kay Gael Richie?" Tanong ko.
"K-Kanina pa kita hinihintay sa kwarto kaso ang tagal-tagal mo dumating, saan kaba galing?" Tanong niya.
"Sa Comfort room, tumae ako" Pagsisinungaling ko sa kaniya. Alam ko naman na hinahanap niya ako kaya pinagtaguan ko siya Hahah!
Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatingin siya sakin.
"Really? Sigurado ka hindi ka nagsisinungaling sakin Miss Aguas?" Sabi niya.
Kinagat ko ang labi ko.
"Kailan ako nagsinungaling sayo Mister Congressman, alam mo antok lang yan, mas mabuti gawin mo matulog kana" sabi ko sa kaniya.
"What ever, gabi na Veronica matulog na tayo" sabi niya.
"Yes Sir" natatawa sabi ko mas lalo tuloy kumunot ang noo niya.
"May kasalanan kapa sakin Veronica" sabi niya.
Umigting ang panga ko. Ako may kasalanan sa kaniya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya.
"A-Ako may kasalanan sayo? Ano yun Richie?" Tanong ko sa kaniya.
"Nakipag-usap ka sa lalaki na yun na hindi ko alam" sabi niya.

YOU ARE READING
PS #3 My Hot Tito [R-18] Complete
RomanceRichie Montero most outstanding Congressman sa Sitio Espanola sa bayan ng Bicol. Mahal niya ang tao bayan kaya nanatili siya sa puwesto bilang isang Tanyag at sikat na Congressman sa Nasabi lugar. Sa tuwing nakikita niya ang babae nagpapainit ng kat...