Chapter 22

101 10 1
                                    

-keep going, I've been following you

•SOPHENE•

"Okay pasok na ako ah?"

Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Zadeo. "Without even kissing me?"

Lumapit ako sakanya. "Sige na nga," hinalikan ko sya sa pisngi. "Bye na." Sabi ko sabay buksan ang pintuan ng kotse pero napatigil ako nang hawakan ni Zadeo ang baiwang ko at pinalingon ako sakanya.

He planted a smack kiss on my lips. "Bye." Tipid na sagot nya.

Tumalikod na ako at lumabas na ng kotse, habang naglalakad ako papunta sa building namin, lumingon ako sakanya at kumaway sakanya kaya at gano'n din ang ginawa nya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang may nakaguhit na ngiti sa aking labi.

Pagkapasok ko sa room namin, sinalubong ako ni Alice. "Sophene, may sasabihin ako sa'yo," Sabi nya at pinipigilan sya ni Minnie.

"Ano 'yon?" Tanong ko habang papaupo ako at ipinatong ang bag ko sa aking table.

"Tumigil ka Alice sasapakin kita!" Bulaslas ni Minnie.

Tumawa si Alice. "Oa mo! Tayo lang naman nakakaalam," lumapit sya sa akin. "Totoo ba na may gwapo kang taga hatid sundo?" Dagdag nya.

Nagkasalubong ang dalawa kong kilay. "Ah si Eric? At teka... Sino ang nagsabi sa'yo na may gwapo akong hatid sundo?" Tanong ko at alam ko na si Minnie 'yon.

She pointed Minnie's direction. "Sya 'yon, sabi nya ang gwapo daw ng hatid sundo mo!"

I smirked at Minnie and she blushed. "Oo na. Ako 'yong nagsabi." She bowed her head.

Inakbayan sya ni Alice. "Pero 'yung totoo, crush mo?"

Sunod sunod s'yang tumango. "Ayan na nga ba sinasabi ko eh Minnie, crush mo si Eric!" Tawa ko pero tinakpan nya ang bibig ko para manahimik.

"Sophene bunganga mo ah! Sa atin lang 'to, 'wag n'yo ito ipagsasabi sa iba," she pouted. "Pati kay Lander, sigurado akong aasarin na naman nya ako..." She uttered.

Tumango ako. "Agree!"

"Ako din, agree din ako." Ani Alice.

"Hoy Alice! May PC class daw kayo!" Tawag sakanya ng kaklase nya kaya napaayos sya ng tayo.

"Guys, I should go now. Maiwan ko muna kayo. Bye!" Paalam nya at kumaway kaming dalawa sakanya.

"Oh ayon din si ma'am Brunette, maupo ka na Minnie!" Utos ko sakanya.

Ito kasi ang pinaka kinatatakutan ng mga students na instructor, bukod sa maldita, pinapahiya ka pa sa buong klase kapag hindi ka nakakasagot ng maayos.

Matuwid s'yang tumayo sa front class habang sinusuri kaming lahat kaya napayuko ako nang sa akin napahinto ang tingin nya, hindi ko naman naranasan na ipahiya nya ako pero natatakot ako na baka ako na naman ang susunod.

"We have a quiz today, did you get a better review last week?" She asked.

"Yes ma'am!" Sagot naming lahat.

Kahit ganyan sya, may naiintindihan naman ako sa mga lecture nya. Sa lahat ng subject namin, English lang ang pinaka gusto ko.

Nagsimula na kaming mag-quiz nang maipasa na nya sa amin ang questioner. Hindi naman sa matalino ako pero nasasagotan ko ng maayos ang karamihan sa mga question.

Mga ilang minuto, nagsalita na si ma'am Brunette. "Time's up! Pass your paper."

Dali dali naman kaming nagsitayoan at nagtungo sa harapan para ipasa ang aming quez. Agad din naman akong bumalik sa upuan matapos ko 'yon maipasa.

Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)Where stories live. Discover now