Chapter 42

15 4 0
                                    

Kabanata 42: Forgiveness

Forgive but never forget.

Iyan ang natutunan ko. Hindi ko man malimutan ang nangyari years ago but I am pretty sure that I've learned from it at sana si tita rin. Hindi madali ang magpatawad pero doon magsisimula ang lahat upang maging maayos ang lagay ng nakaraan.

Accepting the past will help you heal.

“Mabuti at nakadalaw ka ulit dito Lize” nakangiting ani ni nanay Lourdes habang nilalapag ang kape sa lamesang nasa harapan.

Gusto kong maging payapa ang isipan ko kaya ako nagpunta rito mag-isa.

“Oo nga po e, sorry po at nagulat ko po kayo kanina” nakangiting ani ko at kinuha ang mainit na kapeng tinimpla ni nanay Lourdes.

“Ayos lang lize ano kaba” tugon ni nanay at nagtawanan kaming dalawa.

Napabuntong hininga ako pagkatapos ng mahabang katahimikan habang nakatanaw sa malawak na karagatan.

I want this. It is so peaceful

“Nasaan pala si sir Xander, Lize?” pag-uusisa ni nanay kaya napatingin ako sa kanya.

“May nangyari po kasi noong nakaraang linggo at simula po noon ay hindi ko pa po nakikita si Xander” I muttered.

I already told Xavier to tell me what happened at sinabihan niya naman akong may aasikasuhin daw sila sa Manila and they just flew back there 2 days after what happened.

“Alam ko ang gulong 'yan, nakarating ang balitang 'yan dito sa baryo namin” tugon nito na nagpagulat sa akin.

Ganoon ba kaliit ang mundo at kahit ang munting eskandalo ay nakarating dito?

“Totoo po?” gulat na tanong ko at tumango naman si nanay.

“Ayos ka lang naman na ngayon, ano?” tanong nito at nakangiti naman akong tumango.

“Maayos-ayos na rin po, malaki rin po ang natulong ng pagpapatawad sa akin” nakangiting tugon ko dahilan para sumilay rin sa labi ni nanay Lourdes ang matamis na ngiti.

“Sinabi mo pa” natatawang tugon nito at bumaling sa magandang tanawin sa aming harapan.

Nakaharap kasi talaga ang bahay nina nanay Lourdes sa dalampasigan at ngayon ay nandito kami lang kami sa labas ng bahay nila. Nagpapahinga at dinadama ang sariwa ng hangin.

“Naalala ko pa noon, madalas kaming magtulakan, mag-away, at magtampuhan magkapatid pero parating pinapaalala ni nanay sa amin na huwag na huwag kaming magtanim ng galit sa kalooban namin” biglang pagkwento ni nanay Lourdes kaya napabaling ako sa kanya but she's still looking at the wide ocean.

“Noong panahon na umalis si ate Emelda at ate Flor grabe ang pagtatampo ko noon dahil apat lang naman kaming magkapatid na babae tapos iniwan pa nila kami ni Frena. Hindi naman sa gusto naming sumama pero kasi kaming tatlo talaga kasi ang magkasundo dahil ang taas ng agwat namin kay Frena pero mahal na mahal namin ang bunso namin” may ngiti sa labi ni nanay Lourdes habang nagsasalita siya ngunit nakatanaw pa rin siya sa karagatan.

“Nguniy buong akala ko lang pala na naiwan kaming dalawa ni Frena dahil iyon nga noong nakwento ko sa'yo na palihim siyang sumunod kay ate Flor kaya ayon doon ako nagtampo at nagalit dahil iniwan nila akong mag-isa. Mag-isang nag-aalaga sa magulang namin dahil si kuya Lorenzo ang naghahanap buhay” may tumulong luha mula sa mata ni nanay Lourdes na nagpabigat ng damdamin ko ngunit kaagad niya rin namang pinalis iyon.

“Mas lumala pa ang galit ko noong namatay si ama at wala man lang ni isa sa kanila ang nagpakita na para bang, kinalimutan na nila kami” ramdam na ramdam ko ang lungkot at ang lamig sa bawat salita na binibitawan ni nanay Lourdes kahit matagal na panahon na iyong nangyari.

I Have Found the Almond Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon