Mabilis na nagdaan ang mga araw. Di ko namalayang magsesembreak na pala kami. Syempre bago magsembreak, kailangan munang mapagdaanan ang hell week. Isang buong linggong exam..
Iisang kurso lamang ang aming kinukuha- BSA- ngunit magka iba ng unibersidad na pinapasukan. Sya sa Sta. Mesa, ako naman sa España. Dati rati para kaming nilagyan ng mighty bond, laging magkadikit, di mapaghiwalay. Lagi nya akong hatid sundo. May mga oras na naghihintay ako sa kanya sapagkat magkaiba kami ng schedule. Half day lang ang akin, sa kanya naman ay umaabot hanggang pasado alas kwatro. Di biro ang maghintay sa kanya lalo na kung limang oras ang ginugugol ko sa paghihintay. Dahil sa kanya natuto akong maghintay at habaan ang aking pasyensya. Simula't sapul, wala talaga sa bokabularyo ko ang salitang patience. Ma-late ka lang ng isang minuto, magagalit na ako at uuwi na sa bahay. Ayoko sa lahat yung nasasayang lang ang oras ko sa paghihintay.
Lumipas ang mga araw, dumadalang na ang paghatid sundo nya sa akin. Di ko makakailang nainis ako sa kanya dahil nangako syang araw araw nya akong susunduin o di kaya'y ihahatid. Lagi kong sinasabi sa kanya na wag na syang mangangako lalo na kapag masaya sya, dahil for sure mapapako lamang ang mga yun at ako naman ay maiiwang nakanganga, umaasa. May mga araw na nagkakaalitan kami dahil sa mga pangako nya. Ako naman tong si tanga, alam na ngang di nya matutupad ang mga salitang binitiwan, umasa. Nag-expect. Eh anong magagawa ko? Tao lang ako, di maiiwasang mag-expect..
Sa alitan naming yun, napagdesisyunan ko munang makipag cool off para na rin makapagreview kami sa darating na exams. Isang linggo. Isang linggong walang komunikasyon sa isat isa. Walang araw na lumipas na di ko siya iniisip. Kumain na kaya sya? Nakauwi na kaya? Tulog na kaya sya? Iniisip din nya kaya ako kagaya ng pag iisip ko sa kanya? Hayy. Oo, alam kong ako ang nagdesisyon na mag cool off muna pero bakit parang mali yung ginawa ko? Akala ko makakareview ako nang maayos pag naging ganto kami pero hindi pala. Siguro masyado lang akong nasanay na palagi syang nandyan sa tabi ko kaya feeling ko di kumpleto ang araw ko pag wala sya. Parang di ko kaya. Masyado ko siyang minahal up to the point na wala na kong tinira para sa sarili ko kaya di ko namalayang nalulunod na pala ako. Yung taong inaakala kong dadamayan ako sa oras ng kalungkutan, naglaho ng parang bula..
Malaki ang pinagbago nya matapos ang isang linggo. Ako na lagi ang nag uumpisa ng conversation. Pag di ako magsasalita, di sya magsasalita. Anong ginawa ng isang linggo sa kanya't naging tila isang robot na sya? Pilit kong inintindi ang sitwasyon. Damang dama ko ang malamig na pakikitungo nya sa akin. Ahh! Siguro occupied lang sya dahil sa mga exams. That's what I thought. Yun yung pinanghawakan ko.
Sem break na namin. Sila, sa isang linggo pa. Marami kaming nakapilang plano para sa sembreak. Andyan yung magdate, magdate at magdate. Malapit na ang monthsary namin, syempre dahil babae ako, I looked forward to that day. A day before, I greeted him in advance. Naghintay ako ng reply galing sa kanya pero walang dumating. Ahh, siguro busy pa rin yun kasi departmental exams na nila, tinanim ko sa isip ko.
Kinabukasan, ni isang text galing sa kanya wala akong natanggap. Disappointment. I was disappointed. Big time! Ang sakit lang. Alam kong wala namang ibang involve pero bakit sinasabi ng instinct ko na meron. Lalo lang nyang sinasabi na tama yung instinct ko dahil sa mga ikinikilos nya. I shook my head trying to remove the thought out of my mind. Masyado lang siguro akong nag-iisip.
Birthday nya pala bukas. Isusurprise ko na lang sya. I bought a cake for him and two rectangular inflatables na may nakalagay na "happy birthday" sa isa at "happy monthsary" sa isa. Tutal wala naman na kaming pasok kaya hinintay ko na lang sya sa labas ng bahay nila. Di na ko nagatubiling pumasok pa dahil nahihiya ako. Nang makita ko na sya napaparating, agad akong nagtago sa likod ng kotse..
"Surpriseeee!" Then I gave him a peck on his cheek. "Happy birthday!"
Surprised. His face told me that he really was. Siguro di nya to ineexpect kaya ganun na lang ang pag react nya.