THUD'S POV:
--
NAIINIS na ibinaba ko ang cellphone ko at basta na lamang ibinalibag 'yon sa dashboard ng kotse at hinampas ang manibela dahil sa nararamdaman ko."What now Dierkshed?"
Tumingin ako kay Fumiya na nakaupo sa passenger seat at tulad ko masama rin ang timpla ng mukha niya.
"Aqueros called me and he wanted me to go back to the country this instance."
"What? Paano ang kapatid ko?"
"Hindi ko alam. As of now, I should obey him before I put my head on top of my hands. Masama siyang magalit." Sinimulan ko nang paandarin ang kotse na nirentahan ko at pinasibad yun sa kahabaan ng kalsada rito sa China. Kailangan naming pumunta sa airport agad dahil naghihintay doon si Light; ang helicopter na kami mismo ni Gun ang gumawa.
"Ang galit ko ba hindi mo iko-consider? Alam mong malaki ang kasalanan mo sa kapatid ko, Dierkshed."
Kahit gustuhin kong sagutin si Fumiya ay hindi ko ginawa at focus lang ako sa pagmamaneho. Aminado naman ako na iniwan ko na lang bigla si Fumiko sa panahong kailangan niya ako pero kailangan din ako ng organisasyon na kinabibilangan ko at hindi pwedeng madamay si Fumiko lalo na sa pamilya ko.
"I consider it, Fumiya. Babalik tayo dito agad once na makausap ko si Aqueros."
Humalukipkip na lamang si Fumiya at hindi na umimik pa. Alam kong nag-aalala siya sa kapatid niya lalo na ako kaso wala kaming ideya kung sino ang kumuha kay Fumiko. Napakalaki ng bansang ito at mahirap maghanap ng tao lalo na't hindi kami tagarito. Masyadong mahigpit ang seguridad nila lalo na sa batas pangtao.
Makalipas ang ilang minuto, narating namin ang airport at agad kaming bumaba ni Fumiya sa sasakyan na nirentahan ko. May kukuha naman no'n kaya hinayaan ko na sa labas ng airport.
Tuloy-tuloy lang kami sa pagpasok at dumaan kami sa isang pribadong pinto na para lang sa amin. Tumambad sa amin ang isang silver na helicopter at nadatnan namin si Fourth.
"You're too early?" bakas sa mukha ni Fourth ang pagtatanong kaya huminto ako sa harap niya.
"We should go back. Aqueros called me."
Biglang naging seryoso ang mukha ni Fourth.
"Did something happened?"
"I don't know. Get in and I will fly this thing." itinulak ko si Fourth papasok ng helicopter at maging si Fumiya bago ako sumampa sa harapan ng nasabing sasakyang panghimpapawid.
Hindi ko alam kung ano ang dadatnan namin sa Pilipinas lalo na't ukopado ang utak ko dahil sa pagkawala ni Fumiko.
Kagagaling ko lang sa misyon ko kay Kastiel at heto ako, panibagong problema na naman ang kahaharapin. Akala ko magiging maayos na ang lahat. Handa na akong ligawan si Fumiko at sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko pero masyado siyang mailap sa akin.
Binuksan ko na ang controller maging ang makina ng helicopter at isinuot ang earphones kung saan pwede kaming mag-usap na tatlo.
Tahimik lang akong pumindot sa mga button na nasa harapan ko bago ko hinawakan ang controller ng helicopter at sinimulang paliparin ito. Under maintenance ang sasakyan na 'to kaso hindi ko pwedeng gamitin si Homare dahil ginagamit ito nina Yakuji ngayon. Meron pa namang isa, yung anak ni Homare pero si Gun naman ang nagmamaneho no'n.
Halos dalawang oras ang byinahe namin at mabilis lamang kaming nakarating sa HuPoFEL. Sa helipad pa lang ng building ay nakakaramdam na ako ng kaba dahil bibihira lang tumawag sa akin si Aqueros. Mostly, ako ang pinakapasaway sa grupo namin at inaamin kong takot ako kay Aqueros.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...