Sa mga lovers diyan :) Try niyo gawing habit sa relationship niyo yung magkaron ng QUALITY TIME. As in time together. Na kayong dalawa lang talaga. Mag usap kayo about your relationship :) Kahit everyday kayo magkasama, iba pa rin pag may kamustahan. Yung parang "evaluation" niyo ng relationship niyo. Kasi minsan pag matagal na kayo together, may iba diyan na di napapansin na may PAGKUKULANG na pala sila sa partner nila. Na baka naging KAMPANTE na. Nasanay na. Walang nang EFFORT. Hanggat sa mawala na spark ng relationship niyo :( Wag ganun tol. Bad yun. Nakakasad yun. Baka maisip ng lover niyo na di na siya important sayo.
Kaya feeling ko, mas okay na paminsan magtanungan kayo kung may pagkukulang ba kayo sa isat isa. Kung ano gusto niyong gawin together to KEEP THE SPARK ALIVE. Yes po! Naniniwala ako na kahit gano pa katagal relationship niyo kahit bata pa kayo at umabot relationship niyo na lolo and lola na kayo, naniniwala akong pwede pa rin kayo magka spark sa isat isa. Basta alam niyo lang pareho kung pano pasayahin isat isa. Yes, PAREHO! :) Mahirap pag isa lang yung kumikilos sa relationship.
Kung ikaw yung lalaki, matuto kang maging GENTLEMAN sa girlfriend/asawa mo. Kung di mo alam pano, search mo sa internet baka meron tips dun :)) Kahit anong klaseng ugali meron si girlfriend, babae pa rin siya, I think halos lahat naman ng babae gusto ng gentleman diba? :) Make her FEEL na important talaga siya sayo. Iparamdam mo! Wag puro salita ;) Pafeel mo na andiyan ka para sakanya palagi. Yung tipong isa sa mga tasks mo sa buhay yung mapasaya siya. Na tipong mas malulungkot ka pag malungkot siya. Diba girls? :)
And kung ikaw naman yung girl sa relationship, well, I think gusto siguro ng mga boys yung time. As in time to play games/sports na mga pang boys. Minsan kasi may mga ibang boys na nasasakal pag gusto lagi ng girl ng quality time. Yes important yung quality time PERO wag naman SOBRA na tipong 24/7 na kayo magkausap. Kasi minsan may ganung relationship. Yung tipong magkasama na kayo the whole day, tapos pagkahiwalay na pagkahiwalay niyo, magkatext or magkausap or magkavideocall na agad kayo :)) Minsan healthy rin yung mamiss niyo isat isa. Diba? :))
Sana ma-apply natin to lahat. Para HEALTHY relationship ♥ Important yung COMMUNICATION. Pag isa lang sa relationship yung kumikilos, mahirap yun. Dapat PAREHO kayo :) Makinig sa puso ng isat isa. Naks :)) Sige na okay na yan. Baka masyado na maging mushy eh. Haha! Opinion lang naman :) Sana makahelp.