"Wala. Tayo tayo lang. Kahit isa sa kamag anak ko ay hindi makakaluwas."
Sinarado ko ang bag ko matapos ilagay roon ang cellphone, wallet, at ibang gamit na kailangan. Hinarap ko si Kiko na nahihirapan isuot ang relo niya. Lumapit ako at walang imik na kinuha iyon at tinulungan siyang isuot ito sakanya.
Isang linggo na ang lumipas. Sa isang linggo ay dito sa bahay natulog si Kiko. Sina Tita Yani at Tito Kal ay napapabisita na lang pero dalawang beses lang kasi busy sila sa trabaho. Valien's also coming here straight after work. Vanya only once came kase busy din talaga siya sa trabaho dahil releasing na ng commercial niya, ng package deal, and iba pa ukol sa makeup products niya. Si Hendrix ay halos araw araw na dito pero syempre, kinakailangan niyang umattend sa kumpanya. He informed me that Ma'am Jaki approved my one month leave. Hindi ako ang gumawa non kundi siya. I don't know what and how he did that, all I know is I'm free from work for the whole month.
Natawagan ko na ang kamag anak ni papa. Wala na ang magulang ni papa matagal na. Kaya ang mga tatlong kapatid niya na lang ang tinawagan ko to deliver the news. Ang isa, nasa Canada. Hindi ko ka-close masyado pero buti na lang nakatawagan ko. Kaso nga lang ay hindi sila makakapunta dito sa Pilipinas dahil mahirap mag proseso ng mga papeles agad agad. My aunt Juliana was just crying and kept on apologizing while also calling out his older brother's name.
Ang isa naman ay nasa Mindanao. Hindi rin makakaluwas dahil walang pera. Kaya naman umiiyak din ito dahil sa papa ko. Ang isa naman ay nasa cebu, hindi rin makakaluwas kasi malakas nag bagyo roon at pinagbabawalan muna ang pag byahe. Ang tiyahin ko na nakakabatang kapatid ni mama ay hindi rin makaluwas dahil nagkasakit ng dengue ang anak nito at may sariling hinaharap na problema doon. Kaya sa huli, walang kamag anak ko na dadalo sa lamay ni papa. Kundi ako lang, sina Kiko, at wala na.
Today's the last day of my father's funeral and he's about to get buried. Dadalo na kami sa sementeryo. Susunod na lang ang iba roon. Val's having a quick photoshoot, si Vanya ay tatapusin lang ang photoshoot ng model niya tapos iiwan na raw niya sa secretary niya ang lahat ng trabaho para makasunod. Hendrix's having an urgent meeting, huling update niya saakin ay hahabol siya kaagad. Binabasa ko lang lahat ng mga text at chats nila at hindi na ako nag reply pa.
Sabay kaming lumabas ni Kiko ng bahay. At sinarado ang gate matapos i-lock ang bahay. Wala ang mga borders, matagal na pagkat simula nung vacation nila mula sa klase ay nagsiuwian sa bawat pamilya nila. Kaya naman kapag nalaman nila ang nangyrai kay papa ay batid kong malulungkot sila dahil napalapit na rin sila kay papa.
Sinimulan kaagad ni Kiko ang saakyan niya at nagmaneho na papunta ng sementeryo. Agad din naman kaming nakarating ng sementeryo. Tinigil ni Kiko ang sasakayan kaya naman lumabas na ako para lapitan ang mga taong nagbabantay roon. Dalawang mamalaking tent ang naroon, may mga silya at ang kabaong ni papa na nasa pinakaharap. Kami ni Kiko ang pinakamaaga, pagkat gaya ng sabi ko ay susunod lang ang iba saamin.
Binaba ko ang bag ko sa upuan at saka lumapit sa kabaong ni papa. Agad kong nasilayan ang natutulog niyang mukha sa loob. Huminga ako ng malaim at marahan na hinaplos iyon. This will be the very last time I'll see his face. After that, bato na lang ang makikita ko. I don't think I will be ready for that.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal roon na nakatayo lang at nakatingin kay papa. Pagkat isang lingon ko lang ay naroon na ang iba at nakarating na. Napaawang ang bibig ko at nablanko saglit ang utak ko. Nandito na sina Tita Yani at Titio Kal, I'm even more surprised that Tina, Eika, Jake, and Joana are here together with Ma'am Jaki. Unang lumapit saakin si Tina mula sa pagkakaupo at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...