Game 69: Bloody Red Eyes

34 2 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
NAKAYAKAP lang ako sa braso ni Kuya Fumiya habang nagtatago sa mga taong pilit akong sinisilip. Wala akong ideya kung anong lugar ito at hindi ko alam kung nasa Pilipinas na ako. Mula nang sumampa ako sa kotse na 'yon, hindi na mawala ang takot sa katawan ko lalo na't doon ko napag-alaman na ang lalaki na 'yon ay tinatawag nina Yakuji at David na Boss.

Maging sina Asher, Astaroth, Cold, Andrew, Griffin, Sytry, at Ruax ay nandito rin sa canteen kung saan kami naroon ni Kuya Fumiya para sana kumain ng agahan kaso biglang nagsilapitan sa amin ang ilang babae at sinisipat nila ang itsura ko ngayon.

"Ang gandang bata naman nito. Hindi ba 'to pinikot ni Thud or kinidnap?" ani ng isang babae na tila may lahing japanese tulad namin.

"May kinidnap bang kasama ang kapatid?" pabalang naman na sagot ng isa.

Nagsumiksik lang ako sa likuran ni Kuya at mahigpit na niyakap ang kanyang braso.

"Tigilan niyo nga ang kapatid ko, Sav. Kailangan na naming kumain." saway ni Kuya sa kanila pero hindi nagpatinag ang dalawa sa pangungulit sa amin.

"Malay ba natin kung pareho silang kinidnap ni Thud diba? Alam mo naman ang saltik ng isang 'yon."

"Pero hindi naman magagawa ni Thud 'yon isa pa takot siya kay Aqueros, well lahat naman tayo."

"Pag ginawa nga niya 'yan malamang siya ang unang ipapakain sa hyena,"

Wala naman akong ideya sa pinag-uusapan nila at isa pa hindi ko sila kilala pero pamilyar si Kuya sa kanila na tila matagal na silang magkakakilala.

Napaigtad pa ako nang may kumulbit sa akin kaya naman napatingin ako rito.

"Hi, ako nga pala si Saviel Hyuga. Ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa." pakilala nito at inilahad pa ang kanyang kamay sa harap ko bago ko tinanggap yun.

"Sinji Natividad,"

"Huwag niyo nang hintayin na magpakilala siya dahil hindi yan nakakapagsalita. Fumiko Yamamoto, pinikot ni Thunder Clyborne," sabat ni Asher sa grupo bago ito naupo sa tabi ko.

"Oh, so, pinikot nga ni Thud? Bakit hindi siya nakakapagsalita?" usisa ni Saviel kay Kuya.

"Long story." Hinarap ako ni Kuya Fumiya at hinawakan ang kamay ko bago inilapag sa kanyang hita at saka iniumang sa akin ang isang plato na puno ng pagkain.

"Pwede naman paikliin? Ang arte mo, Fumiya,"

"Tigilan mo ako Saviel Hyuga. Makiki-usyuso ka lang sa kapatid ko at kay Thunder Clyborne."

Kinuha ko naman 'yon at nagsimula na akong kumain nang hindi alintana ang grupo ng mga babaeng nakapalibot sa amin. Actually, nahihiya talaga ako dahil ang gaganda nila at ang ilan sa kanila ay may mga asawa na.

"Baka binugbog ni Thud, mars?" bulalas naman ni Sinji dahilan para magkatinginan ang mga babae.

"Hoy, ang aga-aga bakit sinisira niyo ang pangalan ko?"

Mula sa pintuan ng canteen, pumasok ang bulto ni Thud na bagong ligo at preskong-presko ito. Nakasuot ito ng simpleng asul na polo shirt, maong pants at combat shoes.

Lumapit si Thud sa pwesto namin bago niya hinila si Asher paalis sa kinauupuan nito na nasa tabi ko at siya ang pumalit doon. Pumangalumbaba si Thud sa mesa at nakangiting humarap sa akin.

"Good morning, Fumi ko. How's your sleep?" aniya.

Namula ang mukha ko dahil sa lambing ng boses niya at isa pa maraming tao ang nakatingin sa amin ngayon.

"Oh my god! Hindi ka ba kinilabutan, mars?"

"Jusko, babangungutin yata ako, Sin?"

"Magpapamisa na ba tayo?"

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon