Charlie's POV
Ano nanaman bang Bad Omen ang sumapi sa katawan ko at lahat nalang ng kamalasan eh salong salo ko ngayong araw.?
Una, napunit yung damit kong suot which is kakabili ko lang at nilaan ko talaga sa araw nato. Bwisit na poste kasi yon bakit naman may naka taling alambre! Nasabit tuloy yung damit ko.
Pangalawa, Nasiraan yung sinasakyan kong Bus papunta dito sa Manila kaya naman nag hintay pa ako ng 3 hours bago tuluyang maka byahe ulit.
Ang lastly na pinaka kina iiyak ko talaga! Nawala lang naman yung Reason kung bakit ako bumyahe from Probinsya to Manila. Nawala yung Entrance ticket ko para sa Concert ng IGNITION!!!! Wala na talaga akong pag-asa na makita ang Faiton my love ko 😭😭😭😭
2 hours na rin siguro ang nakalipas simula nung matapos ang concert ng Ignition. Tinapos ko yung concert kahit nasa labas lang ako ng Arena. Pinakalma ko nalang ang sarili ko sa pamamagitan ng pakikinig sa kanila mula sa labas. Hindi dapat ako panghinaan ng loob.
Sabi nga ni Faiton my love "It may rain right now, but it always ends up being a rainbow that shines your day"
May mangyayari ding maganda sa araw nato! Think Positive Charlie Amethyst!
Anyway, nandito nga pala ako ngayon sa 7/11 at naghihintay na tumila ang ulan para maka byahe na ako pauwi.
**Sluuurrppp**
**Sluuurrppp**Napatingin ako sa katabi ko na grabe kung kumain ng ramen. Ngayon lang ba to nakakain ng ramen? Gutom na gutom ?
Saka isa pa, sino ba namang tanga ang kakain na kulang nalang balutin na ang buong katawan at ilibing sa loob ng pyramid. Bibig nalang ang walang takip eh.
Naka jacket na black, naka hood na tapos may cap pa. Nakasalamin pa na black din. Ano ba to? Black rider? Ako ang nahihirapan sa taong to eh.
"Bat ba ganyan ka makatingin" napakurap ako ng bigla siyang mag salita. Nakaharap pa rin siya sa ramen niya habang nag sasalita.
Napaiwas ako ng tingin at humarap nalang ulit sa labas at pinag masdan ang pag buhos ng ulan. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ng naramdaman kong tumayo na yung katabi ko.
"Sayo nalang to, nabusog nako sa Ramen" sabi niya kaya napaharap ako ulit sa kanya.
Nakatingin siya sakin habang naka extend yung kamay niya sa harap ko na may hawak na tatlong bar ng Goya na iba't ibang flavor.
Ayoko sanang kunin pero inabot niya ang isa kong kamay at nilagay yung tatlong chocolate.
"Bye" sabi niya sabay angat ng salamin na suot niya at kindat sakin.
Nanlaki yung mata ko sa ginawa niya para akong naging statue, wala nakong nagawa kundi pagmasdan yung likod niya habang palabas siya ng pinto ng 7/11.
Ilang minuto pa akong nakatingin sa pinto hanggang sa tuluyan akong bumalik sa wisyo.
Napahigpit ang hawak ko sa goya na bigay niya at napabulong nalang ako sa sarili ko.
"F-F-Faiton?"
Yes! Si Faiton yung Lalaking katabi ko kanina! Si Faiton na Lead Vocalist ng Bandang Ignition!!!!
**********************************
YOU ARE READING
MY DISGUISED IDOL
RomanceCharlie thought that everything goes against her will. Parang wala nang nangyayaring maganda sa buhay niya to the point that she wanted to end it. Not Until she met someone. Someone who will truly change her life. ®ALL RIGHT RESERVE