"Wow, ang glowing mo ngayon ha." bungad agad sa'kin ni Lili.
Inirapan ko nalang muna ito bago ako maupo sa harap niya. "Pregnant thing siguro." casual na sagot ko rito.
Tumawa ito nang malakas bago biglang nanlaki ang mga mata. "What the fuck?! Are you fucking serious? Like, really really serious?!!!"
"Sige, isigaw mo pa para alam na ng buong University ang pagbubuntis ko." pabalang kong sagot dahil sa lakas ng bosses nito.
Binatukan naman ako nito. "Gaga! I just can't believe na magiging ninang na ako. Like, I will see a mini you! So exciting!!" pumalakpak pa ito na akala mo nanalo sa lotto pero natigil din ng may maalala.
"How is your parents? Tanggap ka ba nila? Pwede ka naman magstay sa place ko if pinalayas ka nila." she look so sincere that I can't help but to laugh.
"Parang tanga ka naman. Ang seryoso ko tapos tatawanan mo lang ako." she pouted.
I told her everything nalang from the time na nadelay ako hanggang sa nalaman ni daddy at syempre the father of my child.
"I knew it! Nakikipag emehan ka sakaniya!!!"
"Sino ang nakikipag emehan kanino?"
Nagulat kaming lumingon kay Lilo na bigla nalang nagsalita out of no where and dahil nahuli siya sa latest chika ay kinwento ko na naman ang aking story.
"The fuck?!" iyan agad ang reaction niya. Tinawana naman namin siya ni Lili.
"What the fucking fuck?! Seryoso?!" hindi pa rin ito makapaniwala kaya tumango nalang ako.
"Stop cursing, Lilo baka marinig ng baby" saway sakaniya ni Lili na natatawa pa rin sa reaction na meron ang kapatid.
"Buti nalang talaga naka move on na ko sa iyo. Mabobroken heart pa pala ako kung sakali." nagpunas pa ito ng invisible na pawis kaya lalo akong natawa.
Nagkwentuhan lang kami ng mga ganap sa buhay buhay and random pregnant things. They both so excited to see my baby. I'm really happy to have a loving support system dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko or mafifeel ko kung ako lang mag-isa sa journey na ito. I can say that I am privileged to have a smooth pregnancy. I also thought of letting Wrayn know about our child dahil hindi lang naman ako ang may karapatan sa bata dahil hindi naman ito mabubuo kung ako lang mag-isa at karapatan din ng anak ko na lumaking may masaya at kumpletong pamilya. Even if I don't want to admit it but I like him. I don't know if I do love him but I know that I like him. Hindi ko maiiwasang kabahan dahil hindi ko naman alam kung matatanggap ba nito ang anak namin dahil sa financial situation nila but I still should give it a try habang kaya ko pang lumayo. Naisip ko na rin na kung sakaling wala naman siya nararamdaman na kahit attraction manlang sakin ay ayos lang din, we can do co-parenting for our child. Mas matatanggap ko pa iyon kesa naman hindi niya tanggapin ang anak namin.
I'm actually on my way to his class. Naitext ko na rin ito pero hindi naman ito nagrereply. Nakasalubong ko pa nga si Eng. Mercado at sinabing magsisit in ako sa klase. Pumayag naman ito kaya sabay na kaming pumasok sa room pero nagtataka ako dahil wala sa upuan niya si Wrayn. I just sat on the chair next to his chair. Baka late lang? I text him na late na siya pero wala pa ring reply. Nagkibit balikat nalang ako at nakinig sa klase pero natapos na ang klase niya ay wala pa rin ito.
Nakakainis naman. Aabsent pala siya, bakit ininvite pa niya ako sa klase ngayon? Kinuha ko ang cellphone ko sa bag na dala ko para itext na ito pero ganon nalang ang gulat ko when I saw him talking ang laughing with a beautiful woman. So, he skip his class to flirt with another girl? Is he flirting with random girl for two weeks? Lumalandi siya habang ako ay gulong gulo sa nalaman kong buntis ako at nahihirapan? I don't know if this is hormones pero naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko habang masamang nakatingin sa dalawang naglalandian. I guess hindi naman talaga namin kailangan ng anak ko ang tatay niya. Baka mas masaya siyang naglalandi ng iba't ibang babae.
Pinahid ko ang luha ko at nagmamartsang dumaan sa gitna nilang dalawa. I made sure na matutulak ko sila parehas.
"Ouch! Watch out!" sigaw sa akin ng babae.
I fake a smile. "Ops! May tao pala. Akala ko kase poste eh, my bad." tinignan ko pa ang katawan nito para lalo itong mainsulto.
"Ivy?" nagtatakang tawag sa akin ni Wrayn. Inirapan ko lamang ito at nagderetso na sa paglalakad hanggang sa parking.
"Ivy! Wait!" hinihingal itong lumapit sa akin. I never knew na kaya ko palang maglakad ng ganoong kabilis. I can't run because of my baby.
Huminga muna ito ng malalim pero dahil buntis ako ay naubos agad ang pasensya ko kaya naman habang hinahabol nito ang hininga ay pumasok na ako sa sasakyan at nagdrive paalis ng campus. Nakita ko pa siyang hinabol ang sasakyan ko pero nagpatuloy lang ako. He does not deserve me and my baby. Hindi lang nagkita ng two weeks may bagong babae na siya. Kung ganoon siya kadaling magpalit ng babae ay sigurado akong hindi niya tatanggapin ang anak ko dahil ayaw niya sa responsibilidad na ibibigay nito. Kung hindi pa siya handang magpakatatay ay ayos lang sa akin. Kaya kong palakihin mag-isa ang anak ko tutal ay mahirap lang naman sila at wala siyang maaambag sa buhay ng anak ko.
Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi dahil hilam na ako sa luha. I should not cry because of that man but it's my hormones. I can't help it.
"Anak. Bakit ka umiiyak? Anong nangyari? Hindi ba tinanggap ng ama ng anak mo?" iyan ang sunod-sunod na tanong ni mommy sa akin.
Umiling lang ako at lalong bumuhos ang luha kaya naman ay dinaluhan ako nito. "It's okay, anak. Mommy's here. We are here for you and for your baby."
Lumayo ako sa pagkakayakap kay mommy dahil sa desisyong nabuo ko habang pauwi. "Mommy, I want to go back to States. I want to go back to New york."
Nakikita ko na ang hindi pagpayag ni mommy. "Anak, baka mahirapan ka sa New York. Hindi kami makakapag stay ng daddy mo dahil may mga kaso pa kaming hawak. Dito ka nalang sa bansa, anak?" may paki-usap ang boses nito.
"Mommy, it's okay. Kaya ko pong mag-isa. Isasama ko nalang po si manang. I just want to go far away from him. I want to forget him and start a new life with my child. Please, mommy."
She sighed out of defeat.
The next thing I knew, my plane already landed to a place miles away from him.
We can do it, baby. Mommy will raise you and give you everything.
We will live our life without him like he never existed.
-💙
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
RomanceI love her. She is like a moon shining so bright and so high. I love her and no matter what, I will get her. Baligtarin ko man ang lahat sa akin ka pa rin.