Paano ba makalimot?
Makalimutan na minahal kang minsan.
Na sa tuwing dadaan ako sa lugar kung saan may ala-ala sayo.
Na sa tuwing maririnig ko ang mga kantang inalay ko sayo ay bigla na lang tumutulo ang mga luha ko.
Na sa tuwing babasahin ko ang bawat mensahe mo simula noong magkakilala tayo.
Ay parang dinudurog ang puso ko.
Ganoon pala kasakit bitawan ang tulad mong minsa'y minahal ko.
Hanggang ngayon naaalala ka parin.
Ganito pala kahirap kapag may nakasanayan.
Na sa buong buhay ko ay sayo umikot.
Kelan kaya titigil ang pagmamahal ko sayo?
Kapag ba nawala ako'y wala narin itong pagmamahal na 'to?
Sana bukas makalimot na tungkol sayo. Sana bukas sarili ko na ang mahal ko.
A/N: DAMNBROKEN
YOU ARE READING
Random
RandomHalo halong emosyon ang nararamdaman. Sa tuwing kakapain ang keyboard. Dito sa mundo ng wattpad naibabahagi ang lahat. Random RANDOM STORIES RANDOM EMOTIONS AND FEELINGS. To all readers na mababasa ito. Laban lang tayo, walang susuko.