Lucky isn't it?

92 7 1
                                    

🎵 Di mo lang alam naiisip kita, baka sakali lang maisip mo ako

Tulad ng liriko ng kantang oo, naisip mo nga rin kaya ako? Ilang taon na ang nakalipas ngunit nananatili pa din sa aking isip ang nakaraang kailanman di malilimutan, naiisip mo nga rin kaya ako?

🎵 Di mo lang alam, hanggang sa gabi inaasam makita ka muli

Mga gabing hindi matapos tapos ngunit sa isang iglap naglaho ng lubos. Nais kong masilayan muli ang iyong nakaimprintang imahe sa aking alaala, sa paglipas ng panahon ganun pa din kaya ang makikita?

🎵 Nagtapos ang lahat sa di inaasang panahon, at ngayon ako'y iyong iniwan

Ihip ng hangin ay nagulo, tila gumuho. Anong nagbago? Isang misteryo. Umalis, walang bahid, hanggang sa mabalot ng sakit ang pusong dati'y nasa langit

🎵 Luhaan, sugatan, di mapakinabangan

Mahapding alaala, mas masakit na wala man lang narinig na kahit ano mula sa magkabilang partida. Paano maigagalaw ito kung sa bawat iniwang marka hindi na kayang mabura ng kahit sino?

🎵 Sana'y nagtanong ka lang kung di mo lang alam

Hindi man lang nagpaliwanag, hindi man lang nakapagpaliwanag

🎵 Sana'y nagtanong ka lang kung di mo lang alam

Hindi man lang nagkaroon ng maayos na pag uusap

🎵 Ako'y yong nasaktan

Paano malalamang nasaktan sa nakaraan kung kamanhidan ang naunang pinairal sa kalamnan

🎵 Baka sakali lang maisip mo naman

Hindi gustong pansinin ang kakaibang nangyayari sa kabila ng luhang muntikan nang kumawala sa sarili

🎵 Hindi mo lang alam kay tagal na panahon

Ngunit sa pagtagal ng panahon unti unting napagtanto na hindi lang ordinaryong pagtatagpo ang binigay ng kahapon

🎵 Ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sayo

Naghihintay sa kabila ng matagal na pagkahimlay, ang pusong matagal na hindi ibinigay kanino man sayo pa din nag aantay

🎵 Lumipas mga araw na ubod ng saya

Balik tanaw sa unang pagkakataon na tayo'y nagkakilala, hindi man sinasadya ngunit ikaw ang napili ni tadhana

🎵 Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta

Sa ilalim ng pighati na naranasan sa gitna ng kawalan, ay ang pag asa na tulad ng dati ganoon pa din ang maipaparamdam sayo kung sakali

🎵 Kung ako'y nagkasala patawad na sana

Wala nga ba akong masamang nagawa? O kung sakaling madaming pagkakasala sanay mapatawad pa ko sa aking mga nagawa

🎵 Ang puso kong pagal, ngayon lang nagmahal

Alam nang may nauna, ngunit iba ito kesa sa iba. Hindi inaasahang pagmamahal biglang naramdaman sa hindi rin inaasahang katauhan

🎵 Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan

Ngunit nalasaha'y mapait, dapat pinigilan ng mahigpit. Nahulog sa hindi siguradong maibabalik ang maibibigay na kapalit

🎵 Oh baka sakali lang maisip mo naman, puro siya na lang

Kaya pala nama'y hindi kayang mahalin pabalik, sapagkat may katabing mas kayang pagtuunan ng pansin na hindi kayang ipagpalit

🎵 Sana'y ako naman, di mo lang alam ika'y minamasdan

Sa pagsulat ng istoryang paulit ulit sa pagiging manhid ng nakaraan, ay panibagong storya ang nasisimulan. Baka sakaling pagmasdan, andito na naman

🎵 Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam, di mo lang alam

Hindi na din alam, parehas walang alam. Ayaw magsimula dahil takot na may mawala, sumpa ng nakaraan di maiwas iwasan. Paano nga ba hindi balikan ang lahat ng nakaraan?

🎵 Kahit tayo'y magkaibigan lang, bumabalik ang lahat sa tuwing nagkukulitan

Bagong kaibigan bagong alaala, isang balik tanaw kung paano nagsimula ang dating naging sakit na naramdaman. Eto nanaman tayo, hindi na natuto

🎵 baka sakali lang maisip mo naman, ako'y nandito lang hindi mo lang alam

Nanghihingi nanaman ng atensyon mula sa karamihan, diba dapat magsisi na baka maulit ang dati. Ilang taong nagkulong, ilang linggo lamang magpapagoyong

🎵 Matalino ka naman

Oo nga't matalino pero pagdating sa pagmamahal nabobobo, mundo ay nagbabago pag binigyan ng takbo na iba sa ikot na nakasanay mo

🎵 Kung ikaw at ako ay tunay na bigo, sa laro na ito ay dapat bang sumuko?

Nagtatanong kung tama bang sumugal ulit sa isang taong hindi sigurado kung ano ang galaw. O mas tama na hindi pansinin ang nakaabang na problemang darating pa lamang

🎵 Sana hindi ka na lang pala aking nakilala

Naguguluhan, nasasaktan nanaman, sana pala hindi nalang ulit nagkaroon ng pagkakataong makakilala ng hindi rin naman kayang manindigan

🎵 Kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito

🎵 Sana'y nakinig na lang ako sa nanay ko

🎵 Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan

🎵 Oh baka sakali lang maisip mo naman, puro siya na lang

🎵 Sana'y ako naman, di mo lang alam ika'y minamasdan

🎵 Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam, di mo lang alam

Sa patuloy na pagtugtog ng awiting minsan nang napakinggan ay ang pag ulit ng emosyon patuloy na nararanasan. Lahat ng alaala ng nakaraan ay parang isang bagsakang pinaramdam. Ibang taon ibang tagpo, parehas na pakiramdam na hindi ko nais maisip na mararanasan ng iisang tao

🎵 Malas mo, ikaw ang natipuhan ko. Di mo lang alam, ako iyong nasaktan

Nasaktan nanaman si Lucky, Lucky isn't it?

------------

Somebody asked Lucky:

Question: Are you afraid to fall in love?
Lucky: I'm afraid of being the only one who falls.

"Lucky ang pangalan ngunit kailanman hindi naramdaman ang tunay na ibig sabihin ng ngalan"

Liham ni Lucky (one shot)Where stories live. Discover now