"Hoy, Samantha, nakapag-confess ka na ba kay Alex? Balita ko crush mo, ah?" Asar sa akin ni Jaemie habang nakikilamon sa amin, sa bahay namin.
"Wait, 'di ko pa alam eh, nakakahiya kasi." Paliwanag ko at natawa naman siya habang panay lamon ng niluto ni mama.
"Walang hiya ka naman, 'di ba? So, bakit kailangan mong mahiya?" Tiningnan ko naman siya ng mataray, talaga ba?
"Ah, talaga ba? Tumigil ka na kaya sa paglamon mo." Sarcastic kong saad na ikinatawa lang niya, love language talaga namin ito HAHAHAHA.
"Ay, mag-confess kaya ako gamit ang baybayin? Bihira na lang naman ang nakakaintindi ng gano'n eh." Suggest ko na halatang ipinagtaka niya,
"Baybayin? Ano 'yun?" Nagtataka niyang tanong dahilan para napabuntong hininga ako.
"Baybayin is a pre-colonial writing system of the Philippines, kaya lang naman ito hindi nagamit kasi pinatigil ito ng mga Espanyol dahil naniniwala silang galing ito sa demonyo, nagsimula itong maglaho noong 17th century but there are still poems written in baybayin in the 18th century." Paliwanag ko na ikinagulat niya, akala niya siguro ay wala na akong alam at bobo na ako.
"Woah! Galing ah, nabuhay ka na ba noong panahon ng mga Kastila?" Natawa naman ako sa tanong niya.
"Hindi ko alam, siguro?" Nagtataka kong saad, "Tsaka nga pala, dare ko sa'yo, dapat bukas mag-confess ka na Jeo." Saad niya at dinuro-duro pa ako na parang binabantaan ang buhay ko.
"Sige, game ako!" Walang takot kong saad pero ang totoo ay kinakabahan na ako ngayon pa lang.
Wahhhh wish me luck!
KINABUKASAN naman ay kaunti na lang ay libutin ko ang buong bahay dahil hindi ako mapakali.
"Diyos ko, Samantha. Pumirmi ka na nga lang at ako 'yung nahihilo sa'yo sa panay ikot mo!" Reklamo ni mama dahilan para mapatingin ako sa kaniya na nakaupo sa sofa.
Tinabihan ko naman siya at hinawakan sa braso, kasalukuyan din siyang nanonood ng tv.
"Ma, paano ba mag-confess sa crush? 'yung hindi ka sana ire-reject." Tanong ko dahilan para bigyan ako ni mama ng mataray na tingin. Oh, alam niyo na kung kanino ako nagmana, 'di ba?
"Naku, 'wag ako ang tanungin mo sa mga ganyan at wala akong alam sa ganyan, alam mo namang hindi ako ang naghabol sa tatay mo, hindi ba?" Napangiti naman ako at marahan siyang hinampas sa braso.
"Naks, iba ka talaga ma!" Tugon ko at napangiti naman siya, pero heto na talaga, the day has come!
Agad ko namang hinawakan ang phone ko at kumaripas ng takbo papunta sa kuwarto ko, nagdala na rin ako ng ballpen at papel dahil balak ko siyang padalahan na lang ng sulat.
Nang makarating ay umupo ako sa isang upuan at nilagay ang papel na handang sulatan sa study table, nag- stretching din muna ako bago magsulat, hindi ko na rin naman kailangan ng kopyahan dahil kabisado ko naman ang baybayin, hindi naman sa pagmamayabang. Naks.
Humanda ka na, Alex Jeo Santos!
"ᜋᜄᜈ᜔ᜇᜅ᜔ ᜀᜇᜏ᜔᜵ ᜀᜎᜒᜃ᜔ᜐ᜔᜶ ᜈᜁᜐ᜔ ᜃᜓ ᜎᜅ᜔ ᜐᜊᜒᜑᜒᜈ᜔ ᜈ ᜄᜓᜐ᜔ᜆᜓ ᜃᜒᜆ᜵ ᜋᜆᜄᜎ᜔ ᜈ᜶ ᜑᜑᜑ"
Translation:
"Magandang araw, Alex. Nais ko lang sabihin na gusto kita, matagal na. Hahaha"Kalmahan lang muna natin, ayokong magsulat ng mahaba kasi sayang ang tinta at papel kung hindi niya ito maiintindihan, right?
I fold the paper twice, hindi ko na rin naman ito ilalagay sa isang envelope kasi sayang.
Ayan, tingnan ko lang kung maintindihan niya pa ito!
Lumabas naman ako ng bahay at saktong nadatnan siya sa tindahan ni Aling Mari.
"Alex!" Sigaw ko at pinuntahan siya, napatingin naman siya sa akin dahilan para makaramdam ako ng kiliti sa sikmura at kaba sa puso ko, help!
Nagtataka siyang tumingin sa akin, inaamin ko na kasama siya sa circle of friends namin pero hindi ko siya ka-close.
Alex is that type of guy na maputi, matangkad, two block ang hairstyle, has brown eyes and quite femenine.
Kaya ko siya nagustuhan eh, ang galing, 'di ba? HAHAHAHA
"Why?" Saad niya, looking at me, full of curiosity.
Inabot ko naman sa kaniya ang letter na ginawa ko, tinanggap niya naman iyon at parang hindi siya nagtaka.
"Magandang araw, Alex. Nais ko lang sabihin na gusto kita, matagal na. Hahaha." Saad niya dahilan para magulat ako, nakakapagbasa pala siya ng baybayin?!
Binalik niya ang liham sa akin ng ngiti sa labi, "Magandang araw din sa iyo, salamat sa iyong sinabi, binibini." Saad niya at tsaka tumayo at umalis habang naiwan akong hindi makagalaw dahil sa magkahalong pagkagulat at hiya.
Shet!! Marunong siyang magbasa ng baybayin!!
BINABASA MO ANG
Pahimakas I ᜉᜑᜒᜋᜃᜐ᜔
RomanceYou confessed your feelings to your crush by using the pre-colonial writing system baybayin, without knowing that he can also read and write it.