CHAPTER 30

6.5K 302 214
                                    

CHAPTER THIRTY

Fall Apart

I'm not good at writing heavy scenes, so please bear with me. I'm not feeling well while writing this, so I apologize in advance for any typos you might see.

Please play before it sinks in by Moira Dela Torre while reading this chapter.

---

I know I said that Jaevier is the one I want to spend my life with. That I don't want to lose him. That I'm willing to beg the entire world just to have him. Damn it, I love him so much. So damn much.

But if he cheats on me... I don't think I can let that go. I despise cheaters so much. I don't tolerate that kind of behavior. I hate... cheaters.

Tangina, pinagkatiwalaan ko siya, eh. Pero sana... sana lang mali ang iniisip ko... sana mali ako. Kasi hindi ko alam kung... kung kakayanin ko iyon.

I swallowed the lump in my throat.

"May kasama ba kayong babae kagabi?" tanong ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko na nagawa kong hindi mautal.

Naaalala ko na sinabi niyang puro sila lalaki. Mga kapwa varsity player lang ang mga kasama niya. Nagsinungaling ba siya sa akin?

Napahinto siya sa pagsubo, ngunit nanatili siyang nakatitig sa pagkain. Base sa ikinikilos niya, gusto kong isipin na totoo nga ang iniisip ko.

He couldn't even look at me. Dahil ano? Dahil guilty siya? Natatakot siyang mabasa ko sa mga mata niya na may ginawa siyang kalokohan? Lintik, nasa leeg na niya ang ebidensiya, oh! Putang inang 'yan, may kiss mark pa!

"Wala. Puro lang kami lalaki," sagot niya, ayaw paring tumingin sa akin na hinihintay kong gawin niya.

Sinungaling.

Kung puro lang sila lalaki roon, e, ano 'yan? May ebidensiya na, magsisinungaling pa! Tangina, ang ayoko sa lahat 'yong sinungaling na nga, cheater pa.

Nagawa ko paring ngumisi kahit para nang dinudurog ang puso ko. Wala pang confirmation galing sa kaniya pero iyong tanginang puso ko, bibigay na.

Nahahati ang isip ko. May parte sa akin na gustong umalis na lang at kalimutan ang kiss mark na nasa leeg niya. May parte sa akin na ayaw nang magtanong pa, ayaw nang marinig ang sagot, kasi kapag tumama ang iniisip ko siguradong isa lang ang kahihinatnan nito, at 'yon ang hindi ko kakayanin.

But there's a part of me that still wants to know the truth because if I don't confront him, I know I'll be haunted by what I saw. Tangina, cheating 'yon eh. Nangako ako na hinding-hindi ko ilalagay ang sarili ko sa sitwasyong ako ang dehado.

"Kung puro kayo lalaki roon..." Muli akong lumunok, nagdadalawang-isip kung itutuloy ang sasabihin. "Sinong ikinama mo kagabi?"

Nanatili akong nakatitig nang mariin kay Jaevier, pinapanood ang reaksiyon niya. At base sa mabilis niyang paglingon sa akin at ang takot na nakabalatay sa kaniyang mga mata... alam ko na. Nakuha ko na ang sagot sa tanong ko... at tama ako.

Umiling siya. "H-Hanz..."

Hinintay kong dagdagan niya ang sinasabi niya. Hinintay kong sabihin niyang mali ako. Na mali ako... pero hindi niya ginawa. Hindi niya itinanggi.

"Did you... have sex with... someone?" Buong tapang na tanong ko. Hindi na ako makahinga nang maayos dahil parang nilalamutak ang dibdib ko sa matinding sakit na nararamdaman.

Tangina Jaevier, itanggi mo... Parang awa mo na, itanggi mo. Sabihin mong mali ako. Na hindi mo ginawa sa akin 'yon. Maniniwala ako sa iyo. Please, Jaevier... Itanggi mo, putang ina, itanggi mo!

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon