Chapter 14
After ng tournament ay busy na ulit ang dakilang tambay na napunta na lang bigla sa educ. Halos magbreakdown na talaga ako sa mga final requirements. Sunod-sunod na lesson plan, demo teaching, at kung ano-ano pang output ang talagang kailangan ipasa.
Dagdag mo pa na graduation ng kapatid ko talagang nagpaalam ako sa dalawang instructor ko na kailangan ako talaga. Mabuti at pumayag.
Hindi man kami magkasundo ng bruha na iyon ay ako na lang ang inaasahan niyang lalaki na tatayo sa tabi niya kahit baliko.
Dahil sa finals na namin hell week nga talaga. Hindi na nga masipag, tinambakan pa.
Doon ko na rin napansin na hindi ko na nakikita si sir sa school. Hindi ko alam kung bakit. Pero ni anino niya talaga ay hindi ko na nakikita. 2nd year pa lang ako ay hindi ko naman na siya ulit naging instructor pero iba ngayon. Parang wala na talaga siya. Hindi ko na rin siya nakikitang pinag-uusapan kaya hindi ko talaga alam.
Matapos ang final exam namin ay doon na kami sinabihan na maghanda na. 4th year na kami at medyo iiba na ang takbo ng buhay namin.
Bago magbakasyon ay inayos ko muna ang clearance ko. Kinulang pa ako ng 5 hours sa return service ko kaya naglinis ako ng 5 hours bago ako nagpatuloy sa pagpapapirma ng clearance ko.
At dahil bakasyon ay ako na ang nakatuka sa tindahan katulong si White.
Nagpatuloy naman si Pauline sa kaniyang negosyo at tumatanggap na rin siya ng mga nagpapatahi ng uniform. Bilib din ako dahil mukhang likas na ang galing niya doon.
Nag-outing naman kami pero isang araw lang talaga dahil may trabaho si mama. Masyadong mahal ni mama ang trabaho niya pero hindi naman niya kami napapabayaan.
"White, baka malate ka! Bilis na!" sigaw ko.
Nakabili ako ng motor na second hand. Si mama at Pauline ang talagang bumili noon dahil medyo pagod na raw sila magcommute if may madaliang lakad. Inayos ko rin kaagad ang mga papeless para kahit saan pwede ko siyang madala at may lisensya na ako.
"Kuya, iyong helmet?" tanong niya.
"Nasa k'warto ata ni Pau."
Dagli siyang bumalik sa loob para kunin ang helmet. Ihahatid ko siya sa state university na pinapasukan nina Zette dahil natanggap siya doon. Gusto niya raw maging chief kaya iyon ang napusuan niyang course. Nagchat na si Zette na sasamahan niya si White na mag-enroll lalo pa at bagohan si White. Habang ako naman ay nagpresenta na ihahatid ko siya.
Pagkarating namin sa labas ng school ay dali-daling bumaba si White.
"Thank you, kuya. Huwag mo na ako sunduin mamaya. I can commute po."
Tumango naman ako. Wala na rin akong balak dahil pupunta ako sa school para ayusin ang mga marka ko. Magpapaevaluate ako dahil kailangan daw iyon bago mag-enroll ang 4th year at kung may kulang pa ako sa requirements.
"Ingat ka. Tsaka ikamusta mo na lang ako kay Zette. Hindi na ako magtatagal."
"Sure. Ingat din po."
Pagkaalis ko sa school na papasukan ni White ay dumiretso ako sa school. Halos dalawang oras ang naging byahe ko. Hinintay naman ako ni Hail para sabay na kami dahil hindi kami sabay ng schedule nina Kia.
Medyo mahaba ang pila na ikinairita ko.
"Bili muna ako ng maiinom." Tinanguan ako ni Hail. "Ano gusto mo?"
"Coke will do."
Naglakad na ako papunta sa canteen. Hindi ganoon karami ang mga istudyante. Mabilis akong nakabili. Bumalik din kaagad ako sa pwesto ni Hail dahil alam ko na ang arte ng babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomanceBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand