Chapter 15
"So medyo may something ka doon kay sir?" tanong ni Vera noong makalabas kami. Bumili rin pala siya ng libro.
Pareho kaming education students late ko na nalaman dahil hindi na nga kami magkasama. At isa siya sa unang tao na hindi naniniwala na educ student ako.
"Malabo iyan, Palm. Kilala kita ang dali-dali mong magsawa. Sa una ka lang magaling. No offense ah pero pinsan mo ko... I know you when it comes from admiring someone."
Sa una lang talaga ako magaling kaya walang tumatagal. Kaya nga ganoon ko nagawang bitawan na lang si Zette. Na ang interest ko biglang naglaho noong sumasapaw na si Gaudence.
"Malabo pa naman. Huwag mo ng isipin."
"Feeling ko si sir na the one mo. Magaling kaya ako magmatch ng couple. Iyong isang pair ko nga medyo may nangyayari na kailangan lang siguro nila mamiss ang isa't-isa para marealize nila. Kinikilig ako doon talaga."
I rolled my eyes. Mukhang kaklase niya na naman na pinagsiship niya.
"Classmates mo?"
"No! Naging friend ko ang isa then medyo komportable na rin iyong isa sa akin kaso nonchalant pero okay lang nakikita ko ang hindi nila nakikita. Sana lang talaga magkasama sila sa isang school kapag assistantship na. Para makapag-usap sila. LQ sila ngayon eh."
"Panay ka ship eh wala ka namang jowa."
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Hey! Wala kang alam!" Hasik niya. "Nauuhaw ako. Inom?" Pag-iiba niya sa usapan.
"May motor ako."
"Sa inyo. Hindi na ako nakakapagsleepover eh. Tsaka anong tingin mo sa akin walang dalang motor?!"
Bumili kami ng maiinom namin. Marami rin siyang snacks na binili iyon na raw ang pulutan. Wala naman ng kaso kay mama iyon lalo pa at kami-kami lang naman. Pagkauwi namin ay may dala si mama na karne ng baboy kaya si Vera na ang nagluto katulong niya si Pau. Habang ako naman ay naglinis ng k'warto ko. Si mama ay nagpapahinga habang si White naman ay nasa tindahan.
Kumain muna kami at nag-usap-usap. Medyo natagalan pa iyon bago naisipan ni Vera na ilabas na ang inumin.
"Ako na ang maghuhugas doon na kayo sa salas," sabi ni mama.
"Tita, si Palm na maghuhugas." Sinamaan ko siya ng tingin. "Kami na diyan, tita."
"Nakapagpahinga na ako, Vee. Sige na. Doon na kayo at minsan ka na nga lang nakakapunta dito at ng makapagbonding naman kayong magpipinsan. Sige na."
"Sure ka, tita." Nang tumango si mama ay sabay-sabay na kami pumunta sa salas.
Kumuha si Pau sa ulam namin. Si White naman ay kumuha ng yelo. At si Vera na ang naghalo sa iinumin namin. 17% ang alcohol noon pero alam kong kapag marami kaming nainom ay talagang malalasing kami.
Nasa isang mesa kami paikot. Noong natapos si mama ay umupo rin siya at nakisali. Halos 5 limang shots lang dahil may trabaho siya kaya nauna na siyang matulog.
Nauna na rin malasing si White na natulog na sa sahig. Kumuha pa ako ng sapin at unan para doon siya matulog habang nasa coach naman si Pau. Halos kami na ang umubos ni Vera ng isa pang bote.
Ramdam ko na rin na pareho na kaming may tama.
"So paano?" tanong ni Vera. Nangunot ang noo ko sa tanong niya. "I mean paano nagsimula na interesado ka na sa kaniya?"
Kahit ako hindi ko alam. Malabo pa ang lahat. Naguguluhan pa ako. Sino bang hindi? Instructor ko siya? Office staff siya sa school! Impossible. Hindi ko naman siya nakakasama parati pero parating umaalingawngaw sa utak ko ang sinabi noon ni Hail. Na crush niya si sir kapag nakikita niya lang ito kaya baka ganoon lang din ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomantikBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand