16th

98 5 2
                                    

Chapter 16

Dumating ang assistantship namin at napahiwalay si Hail. Nagkasama kami ni Kia sa isang school pero magkaiba kami ng CT. Taga-ibang school ang nakasabayan ko dahil same kami ng major.

"Jozh Evangelist pala, sir."

Tumango ako bago ko tinaggap ang kamay niya.

"Palm Rainier Alfredo. You can just call me by may first name." Tumango naman kaagad siya at saka ngumiti ng tipid. "Matagal na kayo?" dagdag na tanong ko.

"Hindi naman. Mga 2 weeks siguro kaming nauna sa inyo."

Hindi na iyon bago na may makasabayan dahil sa dami at sabay-sabay na assistantship ng mga school. Hindi naman need na lumabas sa municipality dahil nga sa local community college kami. Talagang makikipagsiksikan kami.

Okay naman kasama si Jozh kaya nakapag-adjust naman kaagad ako. Naaalala ko rin na malapit lang pala dito ang boarding house at bed spacer ni sir Miah. Mula noon ay hindi na kami nag-usap at hindi ko naman alam na ang nangyayari sa buhay niya. Ilang buwan kasi bago kami nakalabas para sa off campus assistantship namin.

"Palm!" Napalingon ako kay Kia na patakbo pa na lunapit sa akin. "Sir pala."

"Weird," sabi ko.

"Hindi nga ako sanay eh. Kaso mahirap na baka may makarinig na istudyante eh. Tara gutom na ako. Saan tayo sa dati ba?" Tumango naman ako. "May baon ka?"

"Wala. Bibili na lang ulit. Tinatamad ako magbaon eh."

"Next time magbaon ka ng kahit kanin tapos bili ka na lang ng ulam para hindi masyado magastos."

Since pants naman ang pambaba ay kaagad siyang umangkas sa motor ko. Malapit lang naman kaso tinatamad kami pareho maglakad.

"May bago na akong crush, Palm."

"Siguraduhin mo na hindi iyan student ah!"

Humagikhik pa siya bago bahagya akong pinalo.

"Student nga!" Napapreno ako kaya kahit siya ay nagulat at medyo nadikit sa akin. "Wait lang naman kasi! Student-teacher! Grabe ka naman! Ba't ba parang ang allergic mo sa student at teacher relationship?! Hindi ako b*bo ano! Baka hindi na ako magkalisensya sa takbo ng isip mo!"

"Kabilang school?" Tumango siya. "Sino baka kilala ko?"

"Secret. May kasama ka pa naman na kapareho ng uniform niya. No! Baka unahan mo pa ako makapagconfess!"

Medyo marami rin kasi sila kaya talagang nagiging maingat ang isang ito. Hindi naging mabigat ang trabaho namin pero parang ganoon na nga. Lalaki ang naging CT namin kaya parang nawawala kami sa landas ni Jozh. Minsan hindi na namin alam ang gagawin.

"Sir Jozh, may nasabi si sir?" Umiling siya habang nakapangalumbaba na sa mesa. "Ano gagawin natin?"

"Tumambay siguro."

"Sundan na lang natin. Feeling ko ayaw niya sa atin eh!"

Natawa siguro siya dahil mukha akong tanga. Nawawalan na kasi ako ng gagawin. Aba malay ko ba? Parati na lang nawawala sa paningin namin CT namin. Iba rin talaga eh.

"Pinuntahan ko na sa room eh kaso wala pa raw. Ano bantayan natin iyong mga bata ng isang period?" tanong niya bago ako tumango.

Pagkarating namin ay nagbantay nga talaga kami. Pinagtatatanong kami ng mga istudyante kaya nama sinasagot ko naman iyon baka sabihin nilang wala akong pakialam pero pili lang dahil sa boundaries.

Wow! Coming from me? Boundaries?

"Sir Palm, single ka raw po?" tanong ng mga babaeng istudyante.

Grade 8 ito.

"Yes. Naghahanap ako eh."

"Crush ka raw ni ano sir!"

Natawa si Jozh at napailing. Gusto ko siyang masuntok sa mukha. Medyo close naman na kami para gawin ko iyon kaso bawal dahil nasa harapan kami ng mga bata.

"Hala! Thank you! Gawin niyo akong inspiration hanggang doon lang," sagot ko na ikinahagalpak sa tawa ni Jozh. "Nagseselos si sir Jozh niyo. Kawawa naman."

Dinaan na lang namin sa biruan dahil hindi naman namin pwede sabihin at ireject ang bata. Hayaan lang dahil baka maging iba ang epekto noon sa kanila. Idaan na lang sa paglilipat ng usapan para makaiwas.

Unang linggo pa lang ramdam ko na ang pagod. Medyo hindi ko gusto na magpabalik-balik sa school at sa bahay kaya kinausap ko si mama.

"Ma, what if kumuha ako ng bed spacer? Hassle na kasi eh. Medyo nahihirapan ako. Sira pa ang body clock ko."

"Iyan na nga ang pinag-iisipan ko pero kailangan mo iiwan ang motor dito sa atin, Palm."

Nanguso akong lumingon sa kaniya habang naghahanda siya ng sangkap sa lulutuin niya.

"Bed spacer or motor, Rainier?"

"Bed spacer," sagot ko kahit labag sa loob ko.

Hindi mahigpit si mama pero parating may boundaries. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo.

"May nakita ka?" Tumango ako. "Baka puro kabalastugan ang nasa isip mo kaya gusto mo umalis dito ah!"

"Ma, behave ako. Tsaka gusto ko matulog na hanggang kahit 6am, ma. Pag nandito dapat 4 gising na ako para makapagready tapos aalis ng 6 dadating doon ng almost 7? Nakakapagod kapag araw-araw."

Nakatutok na sa akin ang kutsilyo na hawak niya kaya napayakap ako sa unan na hawak ko.

Nananakot na naman!

"Saan iyan?"

"Doon so natulugan ko noong ipinagpaalam ako ni sir Miah, ma. Doon kasi iyon. Mga 3 minutes na lakad lang nasa school na ako."

"Basta uuwi ka every weekend."

"Ma, may Sunday classes ako. Baka okay lang kahit hindi naman naka-fix."

Nang sandaling tumango siya ay sobrang saya ko. Makakatulog na ako ng mas matagal-tagal. Kung umalis nga talaga si sir wala naman akong problema tsaka hindi ko naman na talaga nakikita si sir. Safe naman na ata.

After ng klase ko ay dumiretso ako doon para makapagbayad. Dating k'warto ang kinuha ko buti at available. Tinulungan ako ni White na magdala ng mga gamit ko pagkauwi ko. Hindi naman iyon ganoon karami.

"Saan ka matutulog mamaya, kuya?" tanong ni White.

"Sa bahay muna at ihahatid kita. Bukas ng gabi ako doon matutulog. Pagod na rin kasi ako."

Maaga ulit ako umalis dahil monday. Humihikab ako ng palihim habang flag ceremony. Panay ang bunganga ni Kia sa tabi ko dahil ilang ulit na niya akong nakikitang humihikab.

"Ano bang pinaggagagawa mo at parang wala kang tulog?" tanong niya.

"Naglilipat," tipid  na sagot ko.

"Huh?"

Sinabi ko sa kaniya ang naging pasya ko. Nainggit naman siya dahil hindi siya pinayagan. School-bahay talaga siya araw-araw. Sinabi ko naman na pwede siyang bumisita na kaagad naman niyang sinang-ayonan.

Lunch ay bumili kami ng pagkain. Sabay kami na pumunta sa k'warto at doon nagpalipas ng isang oras.

Busy siya sa panonood sa phone niya habang umidlit na lang muna ako.

Pagkalabas namin sa compound ay doon namin nakasalubong iyong dalawang lalaking taga-ibang school. Parang kinukulit noong isa iyong isa.

"Dito pala sila nag-istay."

Nilingon ko si Kia habang nakasunod kami sa dalawang lalaking student teacher.

"Kilala mo?" takang tanong ko.

Medyo nakikita ko naman na sila talaga. Si Jozh kasi mukhang close doon sa Bryce na sinabi niya. Wala akong alam dito sa isa.

"Friend noong kasama mo iyong isa... which is si sir Bryce... iyong nangungulit. Habang iyong isa naman. Siya si sir Kir. Siya ang bago kong gusto, Palm."

Seryoso kaming nagmamasid sa kanila habang kinukulit noong Bryce iyong Kir. Napatingin ako kay Kiarra habang nakangiting pinagmamasdan ang tila walang kagana-ganag si Kir.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon