"Good morning! rise and shine! up, up, up!"
Isang malakas na pagbukas ng pinto ang narinig ko. Sunod noon ay ang pag hiwa ng kung ano pagkat agad na tumama sa mukha ko ang liwanag. I closed my eyes and covered my whole face using my blanket. Kaso nga lang ay may kung sino ang humila doon dahilan kung bakit nasilayan nanaman ako ng kaliwanagan ng araw.
"Ano ba!" Inis ko sabi at pilit na natulog ulit.
"Come on, gorgeous! Wake up already, it's past 10AM!" Sigaw nanaman niya pero hindi talaga nawala sa tinig ang pagiging malambing.
Inis na gumulong ako sa kama ko at hindi siya pinansin. Narinig ko ang tawa nya kaya padabog akong bumangon atsaka binuksan ang mga mata kong hindi na kayang matulog muli.
Hendrix's fresh handsome appearance is what I saw. Nawala ang lahat ng inis at namumuong mga pagmumura sa utak ko nang masilayan siya sa harap ko. He smiled at me as he reached my bed. Tapos hinawakan ako at siya na mismo ang nagpabangon saakin palayo ng kama.
"Wala ka bang meeting o ano? nandito ka nanaman sa pamamahay ko?" Taas kilay ko sakanya habang siya ay inaalalayan ako palabas ng kwarto ko at dinala sa kusina kung saan nadatnan ko sa hapag ang mga plastik na naglaaman ng kung ano. May kape rin ako nakita na binili galing sa coffee shop.
"I just finished my meeting and went here agad agad after ko bumili ng food. I thought gising ka na pero tulog ka parin!" He scolded pero agad ding ngumiti saakin matapos akong paupuin sa silya
"And who's fault is that? Wala akong magawa dahil pina on leave mo na ako ng isang buwan. Next week pa ako makakabalik sa trabaho." Ismid ko at maya maya ay kumalma na ako.
Two weeks had passed since my father's burial. The first week was heavy dahil hindi ako makatulog ng maayos at nadadatnan na lang ang sarili na sinisinagan na lang ng araw. Sometimes, I go to my father's room and sleep there, pero naiiwan akong umiiyak habang pinagmamasdan ang kwarto niya.
Bumibisita si Kiko bago siya tumutungo ng trabaho. Si Val ay nag t-text at tumatawag saakin kada may oras siya. Pero itong si Hendrix ay inaraw araw na ang pag punta dito simula nung nailibing na si papa. Kaya ko naman ang sarili ko, nakukuha ko naman bumangon at normal lang ang mawala sa sarili dahil nangungulila pa ako sa magulang ko. But he stayed most of the time. Bringing food, making sure I take a bath and comes out from my room. Kung hindi siya galing sa company, galing siya sa bahay nila, tapos hindi na umaalis sa tabi ko. Aalis lang kapag bibili nanaman ng pagkain for lunch, and then for dinner. Sabay kaming kakain bago siya uuwi at maiiwan akong mag isa nanaman.
Sa dalawang linggo na iyon ay hindi niya ako kailanman pinagalaw sa sariling mga kamay. I know how to cook, I know how to move. I'm very much independent but I somehow could not execute that kasi todo silbi siya saakin. Wala din ako magawa kasi ginagawa na niya eh.
"Eat na. Tapos maligo ka. May pupuntahan tayo." Ngiti niya saakin matapos mag lapag ng mga kubyertos at mga plato
"Saan naman tayo pupunta? Dito na lang ako sa bahay. Ayos lang ako dito." Sagot saka inabot yung kape at iyon ang pinagtuunan ng pansin habang siya ay nilalagyan ako ng pagkain.
"Remember, Naomi? She's having a birthday party celebration. The venue is at Rico Orchid Hotel." Aniya na ikinatigil ko sa pag iinom.
Naomi... Ah. The one who almost got into my nerves.
Rico Orchid Hotel is one of the hotels they own. Iyon ang pinaka malaki at sikat na hotel nila, I'm not surprised anymore kung doon magaganap ang event. So it's going to be formal, and with that, marami ang dadalo, and with that, more reason to decline his invite.
BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomansaALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...