Natapos na ang nakakapagod na midterm ngayon naman busy naman kami sa intrams, yung mga kaklase ko inaasar ako na sumali daw ako sa basketball girls, as if makasali pa ang bilis ko ng hingalin saka ang laki na ng tinaba ko, mas lalo ata akong tataba dahil si Bree palagi niya akong pinapakain, naiiyak kasi siya kapag di ako kakain sobrang babaw ng luha niya. Akala ko ako lang yung iyakin mas iyakin pala siya.
"M, sumali ka na sa basketball diba nung senior high sumasali ka" sabi sa akin ni Lay.
"Eh dati pa yun saka nahihirapan na ako ngayon" sabi ko sa kanya. Saka mas focus ako ngayon sa ibang bagay. Kagaya kay Bree, saka gusto kong maka date si Bree ngayong intrams para naman matupad na yung pangarap ko nung high school na may makakasama mag-ikot ng intrams. Gusto ko na itong ma-enjoy! Speaking of intrams sabi ni dean may nakita na daw silang pwede na maipanlaban sa intrams iniisip ko sino kaya yun? Madami naman kasing maganda sa department namin sa totoo lang bukod syempre sa tourism, magagadna din mukha ng mga masscom ako lang ata naligaw. Anyway kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papunta sa kakainan namin ni Avy.
"Hello bebe" bati ko dito.
"Hey bebe, alam mo na ba yung balita?" tanong niya agad sa akin nung nakaupo na ako sa tabi niya.
"Ano yun bebe?" tanong ko agad, habang nilalabas ang lunch ko.
"Yung about sa magiging Miss Intrams natin?" sabi pa nito."May ideya ka na? Sabi kasi sa amin wala pa daw, yun ang sabi ni dean" sabi ko dito, tapos nag start na akong kumain.
"Talaga ba? Eh kasi malaki daw ang chance na si Bree yung panlalaban" sabi nito, at bigla akong nabulunan at agad na uminom ng tubig.
"Wait? Bakit si Bree?" bigla akong nainis, ayaw ko kasing mas dumami ang nagkaka interes sa kanya. Sa totoo lang yung gusto ko talaga yung mga introvert, hindi ma socialize, hindi mapost sa social media, gusto ko mundo lang naming dalawa kami lang. Kasi ayaw ko ng ibang atensyon eh. Mukha na ba akong red flag? Gusto ko lang ng payapang relasyon, at umiikot ang mundo namin sa isa't isa."Alam mo naman bebe, eh maganda si Bree, matalino, matangkad..."agad kong pinutol si Avy.
"Yeah I know bebe, ang tanong papayag kaya si Bree" agad kong sabi dito at tinuloy ko ang pagkain.
"Bebe, alam kong may something na sa inyo ni Bree, kaya ang totoong tanong what if gusto ni Bree eh ikaw gusto mo ba?" tanong niya sa akin habang kumakain. Bigla naman ako napaisip, kng ako lang ayaw ko talaga. Madamot na kung madamot pero kung si Bree ang usapan ayaw ko.
"Sa totoo lang ayaw ko, ayaw kong mas madaming magkagusto sa kanya" malungkot na sabi ko dito.
"Hindi mo naman mapipigilan at masisisi yung iba bebe, alam mo naman yun diba" sabi nito. Agad naman ako tumango at sumang-ayon sa kanya.
"Yes bebe sino ba naman hindi diba?"agad kong pagsang-ayon napaisip ako at napatulala. Kung sakaling nanaginip ako ngayon, masaya kapag kasama ko siya pero nag ooverthink ako malala na kapag mainlove siya sa iba pwede na siguro ako gumising.
Natapos na ang pagkain namin ng lunch at agad kami na pumunta sa mga kanya-kanya naming klase, nagtext pala si Bree sabi niya wala daw silang last subject hantayin na lang daw niya ako sa library at namimiss na niya ako. Agad ko naman siyang nireplyan sinabi ko lang sige wait niya ako. Gusto ko rin naman siyang makausap eh, malamang sa malamang may ideya na siya.
"Sali na din kaya tayo sa mga sports para excuse sa klase" biro ko sa mga kaibigan ko.
"Naku M! Ikaw kasi eh ayaw mo pa sumali" sabi sa akin ni Ivory.
"Hmm, tagal ko na di nakakapaglaro" sabi ko naman dito."Guys tingnan niyo oh ang ganda ng design ng t-shirt ng mga players natin" sabi naman ni Haime.
Agad ko naman itong sinilip maganda nga, bagay yung shades ng dark green at black saka ganda nung raven. Bet ko hindi masakit sa mata.
"Ganda nga" sabi ko sa kanila."True, design ng mga senior natin" sabi ni Chloe.
"Pero sa lace ng ID natin hindi ko bet" sabi ko naman, sumang-ayon din sila. Agad kaming naputol sa pag-uusap ng bumalik na yung prof namin may naiwan lang kasi siya sa faculty.

BINABASA MO ANG
Parallel (GXG)
RomanceHindi ko kayang gawin kang totoo, pero naniniwala ako sa ibang buhay, na baka nga totoo ang "PARALLEL UNIVERSE" na baka totoo, na baka nandoon tayo masaya tayo, na totoo na may tayo. Pero sa pamamagitan ng librong ito magiging totoo ka na my moon, m...