Ha! Hindi ako titigil, anong akala niya? Mabilis akong sumuko?! Pwes, 'wag ako! Don't me!
Kasalukuyan akong nasa kuwarto ko, maulang umaga rin ang sumalubong sa akin na tila ba ay nakikiramay sa pighati at pagkasawi ko, naks na-reject lang ako ng apat na beses and 4 days straight, grabe na ako mag-drama?
"Samantha! Lumabas at bumili ka nga ng toyo para sa aking niluluto!" Magka-rhyme na utos ni mama dahilan para lumabas ako ng kuwarto, kumuha ng pera at lumabas na para bumili sa tindahan ni Aling Mari.
Paglabas ko naman ay saktong nakita ko na nakatambay dito mag-isa si Alex habang nakaupo sa may tindahan at umiinom ng softdrinks na nasa plastic.
Heto na, last na talaga 'to, day 5.
"Hoy, Alex." Seryoso at walang takot akong naglakad papalapit sa kaniya, hindi ininda ang kaba na nararamdaman, bakas naman sa mukha niya ang labis na pagtataka kung bakit ko tinawag ang pangalan niya.
"Why?"
"Gusto kita, crush kita, mahal kita, ano pa ba ang dapat kong gawin para mahalin mo rin ako? Oo, tanggap ko---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya na nagpatahimik talaga sa akin.
"Hindi kita gusto, Samantha. Ipasok at itatak mo riyan sa kokote mo na kahit kailan man, kahit anong buhay o kahit saan ay hindi kita mamahalin dahil sa hitsura at ugali mo." Mistula bang binuhusan ako ng malamig na tubig at sinaksak ng libo-libong balisong ang puso ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
Nakikita ko ring nakakuyom ang kamao niya na para bang nagagalit, pero bakas sa tono at pananalita niya ang lungkot at pangungulila, at kung minsan ay malalim ang tagalog kung magsalita.
Nilampasan ko naman siya at bumili kay Aling Mari na siyang saksi sa mga pangyayari.
"Oh, hija, bakit umiiyak ka?" Saad ng tindera at inabot ko naman agad ang bayad ko.
"Sige na po, Aling Mari, tsaka niyo na po pansinin ang mga nasa mukha ko, pabili po muna ng toyo kasi makakaltukan na ako ng nanay ko." Paliwanag ko at pinunasan ang mga luha ko, napatingin naman ako sa kanang gawi ko nang maaninag ang isang kamay na inaabot sa akin ang isang pamunas dahilan para mapatingin ako rito at makita ko...
Si Joshua.
Inaabot ito sa akin ni Joshua na para bang sinasabi niya na punasan ko ang mga luha ko.
"Sipon mo, tumutulo." Puna niya dahilan para agad ko itong kunin at tumalikod sa kaniya.
"Ay, thank you." Saad ko, alam kong nasa likuran lang niya si Alex pero hindi ko na siya nagawang tingnan pa. Hindi ko rin alam pero bakit ang sakit? Oo, masakit ma-reject pero ilang beses naman na akong na-reject noon, pero bakit mas masakit ito kaysa noon?
Isa pa, parang nangyari na ito noon pa, parang ilang beses na rin akong na-reject ni Alex noon.
Nang makabili ay agad akong umuwi at inabot kay mama ang toyo'ng ipinabili.
"Oh, bakit namumula at namamaga 'yang mga mata mo? May nangyari ba? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ng nanay ko, akmang lalapit na siya sa akin nang bigla akong magsalita.
"Po? Hindi po ah! Ako, iiyak? Eh, ang lakas-lakas ko kaya, mahangin lang po sa labas kaya napuwing lang po ako." Paliwanag ko at kinusot ang mga mata ko.
"Ah, ganoon ba? Sige." Saad ni mama at akmang babalik na sana ako sa kuwarto nang bigla siyang magsalita ulit.
"Tsaka nga pala, mahilig ka sa mga letters, hindi ba? May nakita akong lumang baul sa ilalim ng kama namin ng papa mo, punong-puno ng mga liham na galing pa yata sa lola mo, iba rin yung sulat kaya hindi ko maintindihan." Sumilay naman ang ngiti sa labi ko, para bang ang kaninang lungkot ay napalitan ng saya.
"Talaga po? Sige ma, wait lang po, ah?" Parang bata kong saad at kumaripas ng takbo papunta sa kuwarto nila mama at papa.
Nakita ko naman ang isang lumang baul na parang napaglumaan na ng panahon, maalikabok ito at parang hindi pa nalilinis ni mama, nakapatong din ito sa isang maliit na mesa na nasa tabi lang ng kama ni mama.
As I open it, puno nga ito ng mga liham na nakasulat sa paraang baybayin, I can understand it, I can read it, isama mo pa ang kakaibang nararamdaman ko nang hawakan ko ang mga ito, pero bakit magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko?
"Joaquin..."
Pangalan ni Alex Johan Joaquin Santos ang pumasok sa isip ko, hindi ko pa naman nababasa ang mga liham pero siya agad ang unang tao ang pumasok sa isip ko.
Babasahin ko na sana ang isa sa mga liham nang biglang sumakit ang ulo ko dahilan para mapahawak ako rito, dumilim din ang paligid na para bang bigla akong nabulag, naramdaman ko rin na parang bumagsak ako sa malambot na kama nila mama.
T*ngina, anong nangyayari? Hindi ko na alam kung lumulutang ba ako o nalulunod.
Bakit parang hindi ako makahinga?
Bakit parang ang sikip at ang bigat ng dibdib ko?
Bakit parang walang hintong tumutulo ang mga luha ko?
At bakit...hindi maalis sa isipan ko ang mukha at pangalan ni Alex...?
Isang babaeng naka-suot ng baro't saya ang nakita ko, namalayan din ang sariling nasa ibang oras, lugar at panahon.
P*cha, ano ba kasing nangyayari? Bakit naging ganito bigla?
Oh, ang dapat kong sabihin ay ang dating katauhan ko?
"Señorita Hiraya! May nagpadala po ng liham sa inyo ngunit hindi ko po batid kung saan at kanino ito nanggaling!"
BINABASA MO ANG
Pahimakas I ᜉᜑᜒᜋᜃᜐ᜔
RomanceYou confessed your feelings to your crush by using the pre-colonial writing system baybayin, without knowing that he can also read and write it.