WAR 1

43 2 1
                                    


Shlee's POV

Okay hindi ko kasalanan kung ano man ang nangyayari ngayon.Ksalanan ko bang matapunan ko ng tubig ang uniform ni Drell Villanueva ? Hindi ko naman siya matatapunan eh sadyang kasalanan ng sarili kong mga kaibigan. Nag- sorry na naman yung tao diba?

"So miss ano na gagawin mo?" Pagtatanong niya sa akin habang naka-smirk.Tsk.

"Okay Sorry----"

"Miss hindi sapat ang sorry mo.Mahal ang uniform ko para sabihin ko sa'yo." Sabi niya at talagang ipinakita pa ang price tag ng lintek niyang uniform.

500,000 pesos lang naman yung uniform niya.

"So miss kaya mo bang bayaran?"Pagtatanong niya sa akin.Okay may kaya kami pero hindi ko naman aaksayahin ang ganooong kalaking pera para lang sa lintek oo lintek na uniform na iyan.

Teka maiba tayo...

Parang ito yung part sa mga nababasa ko sa Wattpad na magiging slave,katulong,toy at kung ano ano pa yung babae. Oh no!! Mabuti sana kung siya si Luhan ng Exo kaso hindi eh...

Isang paraan na lang ang naiisip ko...

1

2

3

TAKBO!!!!!!

"HOY MISS HINDI PA TAYO TAPOS!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ko pinansin . Hindi na ako babalik doon kahit ano pang isigaw niya kahit isigaw niya na maganda ako.

Sa kakatakbo ko nakarating na pala akong ng 4th floor.Walang tao dito lahat sila nasa baba.

Maiba tayo...

Leah Shlee Lopez but you can call me Shlee . 17 , 4th year highschool,middle class ang buhay.

At yung lalaking natapunan ko ng tubig ay si Drell Villanueva ang pinakasikat,pinakagwapo 'daw' sa buong academy,mayaman.

Isa lang naman akong hangin sa school pero noon yun . At nagulo ang buhay ko ngayong araw na ito.Napakabait kasi ng mga kaibigan ko eh.Thankful nga ako dahil kaibigan ko sila.Sila lang naman yung naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon.Pero mahal ko yung mga yun.

Hayyyyy....

Umupo na lang ako at sumandal sa pader.

"Uhmm miss?"

"AY PALAKA!" Sigaw ko.Sino bang hindi magugulat kung may bigla bigla na lang tatawag sa'yo.

"Sorry miss nagulat ba kita?" Sabi ng isang babae. Ay hindi ineexpect nga kita eh -_-

"Freshmen kasi ako dito and nakita ko rin yung nangyari kanina sa ibaba...."

"Please don't mention it..." Pinutol ko yung sasabihin niya kasi ayaw ko nang maalala pa kung anuman yung nangyari kanina.

" Sorry.Saan ba dito yung cr?" Pagtatanong niya sa akin.

"Sa third floor sa dulo ng hallway sa direksyong kanan." Sabi ko sa kaniya at umalis na. Haay buti naman at umalis na siya.Gusto ko munang mapag-isa ngayon.

xxxxxxxx

Tuluyan na ngang nagsimula ang klase at nasa loob na kami ng classroom at tumitilaok na si Sir.Daldal. Sir Sebastian Daldal.

*BLAG*

May kung sinong animal ang nagbalibag ng pintuan and then...

"Mr. Drell Villanueva you're late!" Sigaw sa kaniya ni Sir.Daldal.Oh no...Drell Villanueva is in the classroom

"OMG nandiyan si Drell"

"Oh my mahihimatay ako saluhin niyo ako."

"Kyahhh ang Luhan ng buhay natin."

"Pwede na bang mamatay?As in ngayon na?"

Nagsimulang mag-bulungan ang mga kaklase ko habang nakatingin sa animal na yun.Kabwisit kaya ng mukha niya.

Walang inimik si animal at dire-diretsong umupo sa katabing upuan ko since yun lang naman ang bakante.I'm dead....

"Oh that girl"

"Damn her"

"Flirt hmp!"

At kung ano ano pang bulungan ang narinig ko.

Paano naman ako makaka-survive na katabi ang taong 'to? Eh iniisip ko pa nga lang nakakamatay na.Panno pa kaya kung mangyari na?

" Nice to meet you Leah Shlee Lopez. And I'm your worst nightmare..." Pagbabanta niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin at pinilit ang sarili kong mag-focus sa lesson ni Sir.

xxxxxxxxxx

"Uy girl ang swerte mo naman." Sabi sa akin ni Ashley habang nakangiti.Isa siya sa mga kaibigan ko.

"Akalain mong nang dahil sa trip natin ay..." Sabi naman ni Nicole habang nag-deday dreaming.

"Bwisit kayo." Sabi ko sa kanila pero hindi nila ako tinigilang asarin at pag-kaisahan.Diba ang saya?

Habang naglalakad kami sa hallway ang daming nakatingin sa akin ng masama habang nagbubulungan. Bwisit ka Drell!!!

Nang makapunta na kami sa cafeteria ay may bigla na lang nagsalita mula sa speaker.

"Hoy Miss Leah Shlee Lopez yung 500,000 pesos na utang mo! Kung hindi mo kayang bayaran pumunta ka sa music room."

Siguro naman kilala niyo na kung sino yung nagsalita.

Ano na gagawin ko???

To be continued....

A.N

Hello let's hashtag #ShleexDrell and spread the nightmare nationwide.

-DarShleylove

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Enemy , My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon