14

1.1K 13 0
                                    

Chapter Fourteen

When finals finally came, kabado kaming magkakaibigan. Pagkatapos nito, sasabak naman kami sa Teaching Aptitude Test.

We went to church three days before our TAT. It was Sunday. Sinabi pa nga ni Gera na ito raw ang unang beses na nanalangin siya ng sobra-sobra. Sinabi niya raw sa Panginoon na kahit huwag na siyang bigyan ng lalaki, basta makapasa lang siya sa TAT. Pinagtitinginan tuloy kami no'ng palabas kami ng simbahan. Ang lakas naman kasi ng boses!

And today is the day. Isang upuan lang ang layo namin ni Gera. Ang apat ay nasa likod, medyo magkakalayo. Tama nga ang sinabi nila, kaunti lang ang oras. I have to focus at hindi pinapakinggan ang oras para lang hindi mapressure at madistract.

Halos maiyak kaming anim nang makalabas kami. Nang gabi 'yon, hindi ako makatulog. Next week lalabas ang results. I prayed harder. Gusto kong magkakasama parin kaming anim. Kahit naman panay reklamo sila, alam kong gustong-gusto nila ang maging guro.

"Do you want to cancel our date, sweetie? Mukhang kulang ka sa tulog," ani Luke nang makasakay ako sa kotse niya.

I pouted. It was passed 3 am when I got to sleep. Nagbilang ako ng tupa para lang antukin.

"Kinakabahan ako sa resulta ng TAT," napakagat ako ng labi.

Alam ko namang ginawa ko ang best ko. Pero hindi ko parin maiwasang kabahan. Mamayang 2 pm lalabas ang results. Magkikita-kita kaming magkakaibigan sa café sa harap ng USL mamaya. Nabasa ko pa sa group chat namin na pati sila ay hindi nakatulog.

Nang nasa mall kami ni Luke, nawala naman sa isip ko 'yon. Nanood din kami sa sine kaya kahit papaaano naman ay nawala ang kaba ko. Matapos ay naghanap kami ng damit para kay Snow sa isang animal boutique. May recommended na cat food pero hindi ako bumili. Minsang pinakain ko ang pusa ng gano'n pero ayaw niya. Pagbalik ko ay 'yung gatas lang ang ginagalaw niya. Mas gusto talaga niya ang kanin. Bumili narin ako ng mga diaper niya. Tinulungan naman ako ni Luke sa pagbubuhat ng mga 'yon.

Bumalik ang kaba ko nang matapos kami sa pag kain. Ihahatid niya ako sa café bago siya umuwi. May flight pa siya mamayang 6 pm.

"Text me the results, okay? Whatever it is, I'm still so proud of you." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at tumango.

"Thank you. Have a safe flight, Captain." I kissed his cheeks.

Tulad ng nakagawian, nag-iwan siya ng tatlong busina. Napailing nalang ako.

"Ho! Ha!"

"Ano ba! Tama na nga 'yan!" Suway ni Missy kay Gera. Ginagawa na naman nito ang breathing exercise raw niya.

"Tangina, kinakabahan ako," sabi ni Jacob.

"Bwisit, ang lamig ng kamay nitong si Adelia! Mukhang kukumbulsyunin pa!" Natawa ako sa sinabi ni Sofia. Kahit ako rin naman, nanlalamig ang kamay.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Napakagat ako ng labi nang makita sa malaking wall clock dito sa café na alas dos na.

Binuksan ni Gera ang laptop niya.

"Para namang board exam na ang peg natin. Shutaines talaga." Si Gera.

Alphabetically arranged ang list kaya mauuna si Gera. Susunod ako. Susunod si Missy. Si Sofia, Jacob, at huli ay si Adelia.

Napalunok ako. Napasigaw si Gera nang makita ang pangalan niya. Nanginginig din ang kamay niya sa mouse na hawak.

Dasilab, Gerome Ferrer
Darilay, Asley Kina
Del Agustin, Niña Harleigh Morales

Halos maiyak ako nang makita ang pangalan ko. Nagyakapan kami ni Gera. Tumigil kami saglit at si Missy naman ang nag-scroll.

"Oh my God! Mama! Lord! Thank you!" Pumalakpak pa ito.

Almost Everything Where stories live. Discover now