CHAPTER FIVE

11 6 0
                                    

You won't believe what happened after I kissed him in the parking lot.

Well, we became official. Can't you guys believe it? I mean, he likes me, and I'm starting to open my heart to him. Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan.

Kami na nga ni Shujay. One week na. Pero sinabi ko sa kanya na sekreto muna hangga't maaari dahil hindi ko pa kayang sabihin ang tungkol sa amin sa mga magulang ko.

May parte pa rin sa akin na natatakot lalo na at baka matulad ang relasyon namin sa relasyon ko dati.

Sunday ngayon, rest day ko syempre. Wala rin akong work today sa coffee shop. So, nandito lang ako sa rooftop at kasama ko sina Shujay, Jm, Hiro, Brian, Bobby at James. Nag-iinuman sila dito.

Kanina pa silang 7pm nag-iinuman. Ako naman ay katabi lang si Shujay habang palihim na hinahawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Palihim akong napatingin sa kanya nung pisilin niya ang palad ko. He looked at me and smiled. Damn, I can't believe this man beside me is freaking handsome!

I mean, dati na siyang gwapo pero hindi naman siya attractive sa akin noong una dahil hindi ko naman siya pinagtutuunan ng pansin.

“Chim, mauuna na ako ah? Kailangan ko pa kasi gumising ng maaga bukas since may practice pa kami ng basketball.” Sabi ni Jm.

“Malapit na ang sports fest kaya paniguradong abala ang lahat ng mga estudyante simula bukas.” Nakangiting sabi ni Shujay.

“Ano nga palang sports ang sinalihan mo, Chim?” Tanong ng pinsan ko sa akin. “Kami kasi ni Jay ay basketball. Si Hiro naman sa soccer.”

“Mmm, pag-iisipan ko pa.”

“Bukas na magsisimula ang practice namin sa basketball since makakalaban namin 'yung mga taga-ibang schools.” Sabi ni Jm. “Mauna na ako ah? Kayo na muna dito.”

“Sige pre, maya-maya uuwi na rin kami.” Sabi ni Hiro.

Sumang-ayon naman ang iba at saka bumaba si Jm sa rooftop para unang matulog.

Nakahinga ako ng maluwag at napatingin kay Shujay. “Practice mo rin ba bukas?” I asked him in a calm tone of voice.

“Yes, baby.” He whispered.

May kiliti naman akong naramdaman sa tiyan ko dahil sa sinabi niya.

“Edi umuwi ka na para makapagpahinga ka na rin.” Sabi ko pa sa kanya.

Nag-aalala ako baka kasi hindi siya makapag-practice bukas dahil sa akin.

“I'm fine. Besides, I still want to be with you.” Aniya.

Napatingin pa ako sa mga kasama namin pero natigilan ako nung makitang nakatingin silang lahat sa akin. Uh-oh.

“Kayo na ba?” Nakangiting tanong ni Bobby sa amin.

“Ye--”

“No!” Deny ko kaagad nung akmang sasagot sana si Shujay sa akin. “Hindi kami.” Dagdag ko pa saka lumayo ng kaunti kay Shujay kaya nabitawan ko ang kamay niya. “M-Magkaibigan lang kami.”

They didn't seem convinced about it, but they didn't say anything.  

Nakahinga ako ng maluwag nung hindi na sa amin sila nakatutok kaya naman tinignan ko si Shujay. I was stunned for a second when I saw his serious yet sad eyes. He looked at me, hindi ko alam pero nakikita ko sa kanya na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

‘Sorry, Jay. We already talked about it. I'm not ready.’ I wanted that to tell him but I stopped myself.

“Kamusta na nga pala si Sabel doon sa Batangas?” Biglang tanong ni James dahilan para mapawi ang konsensiya na nararamdaman ko at napatingin ako sa kanya.

Is It Bad That I Don't Cry? (IDBIHES#3)Where stories live. Discover now